Chapter 8: 1&2

72 0 0
                                    

Samuel's POV

Kinabukasan nagulat ako ng makitang nasa kwarto ko na ako. Oo nga pala inihatid ako ni Flurina dito.

~Tingggg

*Message from Girlfriend 1 Flurina (Kita tayo sa Mall kasama ko si Luisa)

Nilagyan pa talaga ng nickname niya how cute HAHA

Hindi na ako nagreply sa kanya nagluto lang ako, kumain at nagbihis para makaalis na.

~Dialing Girlfriend 1 Flurina (ring~ring)

"Hello baby ? Where are you? I ask

"Ay wow baby talaga agad-agad" sabi ni Flurina. Hindi pa ako nakakapag-salita ng sumingit si Luisa

"Ay magtatampo ako anong baby ha ! Ako babe mo ha !" sabi nito 

HAHAHA nakakatawa din itong isang ito e bff goal's nga sila.

"Okay, so where are you?" I ask again for the second time

"Nasa cafe sa 2nd floor" 

"Okay wait for me baby and babe" sabi ko pero bago ko mapatay narindi na ako sa sigaw nila sa kabilang linya HAHAHA mga baliw talaga

Ng makadating ako sa 2nd floor ang daming coffee shops :\ maiirita na sana ako dahil ayokong maghanap buti nalang napansin ko na iisa palang coffee shop ang bukas. Malamang sa malamang nandito silang dalawa.

Ng makapasok ako hinanap ko kaagad silang dalawa buti nalang familiar ang mukha nila sakin kahit malayo.

"Hey ladies" I said tapos humiyaw na naman sila

"Ladies stop that HAHAHA nakakahiya" I said "Btw anong gusto nyo mag-order ako"

"Yung saakin frappuccino" sabi ni Luisa

"Ang akin ay si Samuel" sabi nito sabay tawa natawa na din ako baliw talaga

"Hoy gaga ano nga kinakausap ka ng ayos" sabi ni Luisa sabay hila sa buhok nito

"Oo ito na americano ang saakin" sabi nito

"Okay wait me here" sabi ko sabay alis

___________________________________

"Bonjour(Hello)" I said

"Bonjour what's your order Sir?"

"Give me 1 frappuccino,1 americano and also 1 Dolce Latte" 

"That's all Sir?"

"Ah wait and add 3 slices of red-velvet cake merci(thank you)"

"Merci, wait a minute Sir"

After a couple of minutes natapos na din lahat.

Ng makabalik ako sa upuan kakaupo ko palang nagtatalo na kaagad sila.

"Bakit ikaw ang girlfriend 1 ? Dapat ako !" sabi ni Luisa

"Niyayakag kita papuntang bar kagabi diba pero hindi ka sumama kasalanan mo bleh" asar naman nitong si Flurina

Nakakatuwa talaga silang dalawa para silang aso at pusa o di kaya naman e pusa at daga.

"Sige si Samuel ang mamimili kung sino saating dalawa si Girlfriend 1 at kung sino si Girlfriend 2" sabi ni Flurina

"Ah e teka naman ladies" matakot-takot kong sabi

"SAGOT" sigaw ng dalawa

"Kung sinong unang mamahalin ko yei kilig yan" sabi ko sabay tawa

"SIGEEE!" palaban nilang sabi

"T-teka n-naman nagbibiro lang a-ako" utal-utal kong sabi

"Wala ng bawian ng sinabi" sabi ni Luisa

Parang maling desisyon din itong pinasok ko ah HAHAHA.

Ng matapos kaming kumain  nagyakag sila papuntang Ticiland AG isang sikat daw na Amusement park sa Switzerland.

Kaso sobrang layo pala nun dahil apat na oras at sampung minuto ang biniyahe namin para lang makadating.

"Tsadan nandito na tayo" sabi ni Flurina

"Hindi nyo naman sinabi na ganito pala kalayo ito" sabi ko

Tapos bigla silang tumawa. Mga baliw talaga kahit kailan.

"Wag ka na magalit tara sakay nalang tayo sa roller coaster" sabi ni Flurina sabay hila sa kamay naming dalawa ni Luisa.

Ng makaupo kami nasa likod namin si Luisa. Nagtalo pa nga silang dalawa dahil gusto din ni Luisa sa tabi ko. Kaya lang dalawahan lang kase ang upuan nito.

~Flashback

"Ako nga sabi ang katabi niya e" sabi ni Luisa

"Ako nga sabi ee!" sabi naman ni Luisa

"Ah ee tumigil na kayong dalawa" pag-aawat ko

"IKAWW SINO BA ANG GUSTO MONG KATABI SAAMING DALAWA HAA !" sigaw ng dalawa saakin

Medyo nakakahiya dahil lumapit na saamin ang isang nagtatrabaho dito.

"Finns det några problem Maa'm, Sir ?(is there any problem)" sabi nito saamin

"Ingenting(nothing)" I replied

Ng makaalis iyon kaagad ko silang pinagsabihan.

"Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa nyo ?! Nakakahiya na! Kayo nalang dalawa ang magtabi ako nalang ang magsosolo" sabi ko sabay naupo na sa upuan sa harap

Ilang segundo lang tumabi na saakin si Flurina. Siguro ay nagkasundo silang ito ang tumabi saakin.

Sumasakit ulo ko sa dalawang ito.

~End of flashback

Pagkababa namin sa roller coaster bigla akong nakaramdam ng hilo. Pano ba naman hindi naman kase ako sumasakay sa ganito.

Pakiramdam ko nagbali-baliktad ang mga lamang loob ko dahil don.

"Upo muna tayo saglit" sabi koo

"Okay ka lang ba Samuel?" tanong ni Flurina

Ang lambot pala ng kamay niya sa palagay ko nagkakaroon na ako ng pagmamahal sa babaeng ito kahit ilang araw ko palang siya kilala napaka-alaga niya.

"Hoy babae bumili ka nga ng tubig" utos nito kay Luisa

"Kung ikaw ang iinom bumili ka mag-isa mo" asar nito

"Gaga para kay Samuel bilisan mo nga"

Para talagang aso at pusa HAHAHAHA.

Habang wala si Luisa hinawakan ko ang mukha ni Flurina.

"Flurina ang ganda-ganda mo" sabi ko hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

Kita kong napatulala siya sa sinabi ko.

Natitigan ko kase siya at talagang napaka-ganda niya.

"Flurina pwedeng magtanong ?" Sabi ko

"O-oo ano b-ba yon ?"

"Gusto mo ba ako ? Kase ako nagugustuhan na kita" sabi ko

Ang kapal ng mukha ko sa part na yon pero kase naninigurado lang ako.

"Ah ee--"

"Flurinaaa ito na yung tubig oh" sigaw ni Luisa sabay hagis ng tubig.

Bago kami umuwi ilang rides pa ang nasakyan namin.

Medyo awkward na ang pagsakay namin sa rides dahil sa nasabi ko kanina.

Buti nalang nandiyan si Luisa para magpabago ng mood.

"Good Bye" sabi ko kay Luisa dahil siya ang unang dumating sa lugar niya

Naiwan kami ni Flurina na naglalakad papunta sa condo niya sobrang awkward na talaga nito.

"Flurina pasensya sa nasabi ko kanina" sabi ko

"Okay lang yun ano ka ba nga pala sige na malapit na naman dito yung saamin kaya makakauwi ka na ingat ka" sabi nito sabay takbo






























The Secret of Polygamy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon