Special Chapter

101 1 0
                                    

"Isinusumpa ko sa buong mundo na kahit sino pa ang mahalin at asawahin ng bata sa sinapupunan mo hinding-hindi siya magkaka-anak kahit kailan" sabi nito sabay bumulong-bulong at lumapit sa akin at biglang hinawakan ang tiyan ko

"Anong ginagawa mo bitawan mo ang tiyan ko" sabi ng ina ni Samuel sa tunay na asawa ng kaniyang ama

"Tatandang mag-isa ang anak nyo. Walang anak o asawa. Iyan ang kabayaran sa panloloko nyo saakin ng asawa ko" sabi nito at biglang tumakbo palayo.

______________________
Ng makarating si Samuel sa Pilipinas kahit na galit sa ina ay tumakbo ito at niyakap ang ina sabay iyak.

"Samuel anong nangyayari sayo ? Bakit ka umiiyak ? Tsaka bakit walang pasabi ang pag-uwi mo? Handa kana bang magpakasal?" Tanong ng ina nito

"Kasal na ako Ma" sabi ni Samuel

"Anong kasal?"

"Nagpakasal ako sa dalawang babae sa Switzerland. Ma bakit ganon sa lahat ng naging nobya ko mula kay Celia at sa kanilang dalawa. Palagi nalang may dahilan kung bakit hindi kami magkaka-anak" sabi ni Samuel sabay yakap muli sa ina at umiyak ng malakas

"Patawarin mo ang Mama at Papa" iyon na lamang ang nasabi ng ina

"Ma sino pala ang nabuntis ni Papa?"

"A-anak kase alam kong mabibigla ka pero anak ang nabuntis ng papa mo ay si s-si si Celia"

Kaagad namang nanlaki ang mata ni Samuel sa narinig.

_________________________
~A year passed

"Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo. Kahabagan niya kayo at pagpalain at maging tapat kayo sa pagsumpang magiging sentro si Hesus sa inyong buhay pag-aasawa"

"Salamat sa diyos" sabay palakpak ng mga tao

"Napaka-galing talaga magmisa ni Father Samuel" dinig kong sabi ng mga tao

Habang naglalakad papasok sa loob ng simbahan nakakatuwa naman at maraming nagmamano saakin.

Hindi man ako nagkaroon ng sariling anak atleast ay marami akong anak na nananampalataya saiyo ama.

~WAKAS

The Secret of Polygamy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon