Chapter 4: The Truth

100 1 0
                                    

Celia's POV

 ~Morning comes tumawag saakin si Doctor Miles kaibigan siya ni mama since highschool. Nagtataka ako kase ngayon lang ulit siya tumawag sakin. Siya yung pinuntahan namin ni Samuel 2 weeks ago sinadya kong hindi ipasabi kay doc na kilala ko siya dahil alam kong magtatanong ng magtatanong si Samuel sa kanya.

"Hello doc napatawag po kayo?" I said

"I'm sorry Celia I didn't know na hindi pa pala alam ng fiance mo na hindi ka pumunta sa treatment session mo. I'm really sorry about that iha mag-usap na kayo ni Mr. Anderson i'll hang up this call, again i'm sorry" she said in sincere voice when she ended-up the call

Hindi na ako nakapag-salita pa pagkatapos ng tawag na iyon. Ilang sandali lang tumatawag na si Samuel hindi ko masagot ang tawag niya sa pag-iisip na iwan niya ako. Alam kong hindi malabo yun dahil tandang tanda ko ang pinaka-ayaw na ugali niya.

Ayaw niya sa taong sinungaling. Nakakailang tawag at text na siya pero ni-isa wala akong sinagot pinatay ko nalang muna ang cellphone ko.

Naisipan kong lumabas muna para makapag-pahangin at makapagisip-isip din kinuha ko lang ang wallet at jacket ko pero pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang nakakuyom kamaong si Samuel.

"Ah e l-love anong ginagawa mo d-dito?" mautal-utal kong sabi

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko" galit na sabi niya

Ito na ang kinakatakot ko wag mo akong iiwan love, sabi ko sa isip ko.

"Ah e dead battery na ako" I lied

"Dead battery? Ako ba Celia pinaglololoko mo? Bobo ba ang tingin mo saakin? Sabihin mo lang kung oo mag-aaral ulit ako para sayo!" sigaw niya napayuko na ako dahil alam kong huli na ako at wala ng takas sa tagal naming dalawa ngayon niya lang ako tinawag ng ganyan.

"H-hindi love d-dead battery na talaga yung phone ko" pagsisinungaling ko pa din sa kagustuhan kong makumimbinsi na paniwalaan niya ang palusot ko

"Taragis naman Celia wag mo akong gawing t*nga wag ka ng magsinungaling! Tigilan mo na! Sabi mo pumupunta ka sa treatment session mo? Pero bakit sabi sa akin ng doktor hindi ka pa bumabalik don?" sabi niya in anger voice

"K-kase love n-naisip ko na hindi na naman siguro kailangan ng treatment, naniniwala akong makakabuo tayo ng hindi na kailangang kumonsulta pa sa doktor" pagpapaliwanag ko

"Makakabuo? Hibang ka na ba Celia? Sobrang liit na nga lang ng chance na makakabuo tayo tapos hindi ka pa nagpatreatment!" sigaw ni Samuel saakin 

Pagkasigaw niya bigla siyang umiyak sa harapan ko.

"A-alam mo mahal kita, mahal na mahal kita Celia ikaw ang pinangarap kong maging asawa, ikaw ang gusto kong makasama habang buhay pero bakit? Bakit love? Pwede kang magsinungaling sakin anytime dahil kahit ayoko sa ugaling iyon papatawarin kita. Kase mahal kita. Pero Celia pangarap ko yung hinadlangan mo, pangarap nating dalawa umasa ako sa sinabi mo." sabi niya ng pasigaw habang lumuluha

"I'm sorry love" I said while crying

"I'm sorry too pero hindi ko talaga matanggap yung sakit kaya Celia I'm sorry I trusted you so much but you broke that trust I think I can't trust you anymore I'm sorry to hurt you but I'm in pain too I'm sorry were going back to stranger. But till the last time remember that I always love you, I always do. I'm sorry" Samuel said

"Sinusubukan ko Samuel, Please don't leave me. I'm trying to be as good as I can let me have one more chance" I beg him to forgive me

"I'm sorry but it's over" Samuel said and leave

Napatulala ako sa mga huling sinabi ni Samuel, Is he already giving up? Is he already leave me? Walang lumalabas sa bibig ko tanging mga luhang rumaragasa lang ang nailalabas ko ngayon.

________________________________________

One month passed pagkatapos ng paghihiwalay namin ni Samuel wala na akong narinig pa na kahit ano sa kanya kahit tawag at text ko ay wala siyang sinasagot. Love I missed you so much where are you?

Sa loob ng isang buwan na panlulumo hanggang ngayon hindi pa din ako nakakamove-on. Na para bang kahapon lang nangyari yun.

ring ring ring phone call unknown number~

"Hello who's this?" I said

"Hello iha si tita Sam ito may gusto lang akong sabihin sayo"

" Ay hello po tita ano po yun?" I said tita Sam is Samuel's mother

"Alam kong magagalit saakin si Samuel kapag sinabi ko ito sayo pero kailangan mo itong malaman. Aalis na si Samuel ngayon papuntang Switzerland tinanggap niya ang offer ng company nila"

"N-ngayon na po kaagad?"

"Oo iha sana maabutan mo ang anak ko mag-ingat ka iha papatayin ko na una ito at may gagawin pa ako. Ikaw ang gusto ko para sa anak ko kaya sana maabutan mo siya" 

toot toot~

Kailangan kitang maabutan love, wag mo akong iwan ng tuluyan.

1hour and 35 minutes nakarating na din ako sa airport. Kaya lang sa lawak nito saan ako mag-uumpisang maghanap ? 

Mahigit isang oras na akong lakad lang ako ng lakad pero hindi ko pa din siya nakikita.

Lumapit na ako sa guard para magtanong.

"Excuse me sir nakaalis na po ba ang plane papuntang switzerland?" 

"Kanina pa po maa'm" 

"S-salamat kuya" pagkasabi ko nun umalis na kaagad ako

Habang naglalakad tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Iniwan na niya talaga ako wala ka na sakin Samuel. Babalik ka kaagad Samuel ahh hihintayin kita magpapa treatment session na ako para sayo mahal na mahal kita love.

ring ring tita sam's calling~

"H-hello po t-tita" 

"Naabutan mo ba siya Celia?"

"H-hindi na po tita" sabi ko sabay humagulgol

"Iha wag ka ng umiyak babalik din si Samuel hindi niya lang sinabi saakin kung ilang taon siya doon" 

"Babalik siya tita babalikan niya ako" sabi ko sabay pinatay ang tawag dahil hindi ko na kaya pang magsalita.

Maayos na ang lahat sa pagbabalik mo love, pangako ko yan sayo.




The Secret of Polygamy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon