" kailangan ninyong maikasal na dalawa " desisyong ng aming mga magulang ni enzo na lubos kong ikinatuwa.
Bata pa lamang kami ay alam ko na sa aking sarili na gusto ko sya kaya naman ng hiniling ko sa aking mga magulang na kapag nasa tamang edad na kami ay gusto kong sya ang aking makatuluyan.
Pabor naman yon sa aming mga magulang dahil magkakaibigan ito at magkakabusiness partner.
" dad hindi pwede! Alam mo na kaibigan lang ang tingin ko kay zenith at may girlfriend nakong si Shanella!! " sigaw ni enzo na dumagundong sa buong mansion namen.
Alam ko naman eh. Na ganito ang magiging reaksyon nya dahil tulad nga ng sabi nya girlfriend nya si shanella at alam kong kaibigan lang ng tingin nya saken.
Pero anong magagawa ko?
Mahal ko sya eh..
Makasarili na kung makasarili pero gusto kong ako ang makatuluyan nya at okay lang saken kung hindi nya ko mahal basta umaasa paren ako.
Umaasa akong matututunan nya ren akong mahalin...
" no son! You should marry zenith or else... " galit na saad ni tito zech
Galit naman syang nilingon ni enzo. " or else what?! " nanggagalaiti nyang saad
" gagawa ako ng paraan para paghiwalayin kayo at mapupunta sa kuya mo ang kompanya na gustong gusto mong makuha " saad ni tito zech na alam kong di nagustuhan ni enzo.
Alam ko kung gano nya kagusto ang kompanya nila dahil ang laki ng paghihirap nya para ipakita kila tito na karapat dapat nyang makuha ito.
I don't know pero gusto kong itigil to dahil sa nakikita kong paghihirap ni enzo na magdecide pero ano reng magagawa ko?
Mahal ko sya...
At isa pa kahit na ipatigil ko to alam kong itutuloy at itutuloy to ng mga magulang namen dahil nakaplano na talaga to sa mga utak nila.
Ng dahil siguro sa galit ay nagwalk out na si enzo na syang ikinatungo ko.
Malungkot akong ngumiti kay rekiah na kuya ni enzo dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Siguro nga mahal na mahal nya si shanella..
Agad naman nitong hinawakan ang kamay ko at ngumiti ng matamis saken.
" are you okay zenzen? " saad nya na ikinatango ko lang. " tss dont worry magpapakasal yon sayo, takot nya lang saken no.. "
" thankyou rekrek " nagpapasalamat talaga ako kay kuya rekiah dahil lagi syang nasa tabi ko habang yung kapatid nya ay sinasaktan nako ng di nya alam.
" Youre welcome zenzen, ikaw pa malakas ka saken eh " saad nya kaya naman nginitian ko sya.
" hey iha im sorry sa naging attitude ni enzo siguro nabigla lang sya " paghingi ng paumanhin ni tita Klara saken kaya naman nginitian ko sya.
" ayos lang po tita, sige po sa kwarto muna ako " saad ko at umakyat na para pumunta saaking kwarto.
Hindi mo alam enzo kung gano kasakit na mahalin ka...
Humiga ako sa kama at kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Ako ang nakasama mong lumaki pero baket sya ang minahal mo?!
Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo ren ako pero baket parang napakahirap sayo na ibigay ang hinihiling ko..
Sometimes some people will hurt you without their knowing...
I love him but he don't love me....
______________________________________
2 MONTHS LATER....

BINABASA MO ANG
FIVE YEARS OF MISERY
RomanceSi Zenith Slevere at Rekienzo Hernandez ay magkababata, ngunit si zenith ay may tinatagong pagtingin sa binata kaya naman ginawa nya ang lahat upang maikasal dito.. Pero pano kung maitupad nya nga ang kanyang gusto kapalit naman non ay ang paghihira...