Chap. 1 - Secret

30 0 0
                                    

"Wah! K-kyohei! Kyohei!"

Taranta akong tumakbo kay Kyohei habang dala-dala yung hawak kong letter galing sa mailbox sa labas.

"ang ingay mo na naman. Hinaan mo boses mo, may natutulog pa na kapitbahay."

Humaba ang nguso ko ng makalapit ako sa kanya.

Umagang-umaga ang meanie na naman ni Kyohei! Hehe

"Charan! Dumating na yung letters natin galing sa University of Haleville!"

Kumembot-kembot ako habang winawagayway yung hawak kong dalawang letters. Mehehe

Ayay! Eto naaaaa~

"what's the result?"

Tumigil ako sa pagsayaw at tinignan yung hawak ko.

Wah! Kinakabahan akooo!

"Tsss. Just open it."

Napalunok ako sa kaba at unti-unti binuksan yung letter ko muna ng biglang kunin ni Kyohei yung sa kanya.

Inoopen na ni Kyohei! Wah! Kinakabahan ako~

Sana matanggap si Kyohei sa pagiging professor niya! Huhu

"ano, Kyohei?! Tanggap kaba?!"

Madali akong lumapit at sinilip yung letter.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Waaah! Natanggap ka, Kyohei! Yeeeey! Prof kana!"

Niyakap ko siya sa braso. Shempre, chansing na din to no. Hehe

"aray!"

Pano ba naman, tinulak niya yung noo kong nakadikit sa braso habang nakatingin ako sa kanya!

"I-check mo yung sayo."

Ay! Oo nga pala...nalimutan ko yung akin. Hehe

Nakita kong umirap siya kaya nagpout ako at inopen na yung letter.

Kabado kong binulak yung papel at binasa yong nakalagay dun.

"a-accepted?"

Tumingin ako kay Kyohei.

Ibig sabihin nito...tanggap ako?!

Tanggap ako?!

"Tanggap ako!!! Wah! Tignan mo, Kyohei! Natanggap ako!"

Tumalon-talon ako sa tuwa.

Yey! Magkasama na kami ni Kyohei sa iisang university!!!

"tssss. Get out of here. Muka kang engot."

Pero di ko siya pinansin. Hehe. Lumapit ulit ako sa kanya at lumingkis na naman sa braso niya.

Ang liit-liit ko talaga kapag katabi ko si Kyohei!

5'3 lang ako tapos siya 6'1. Diba?!

"Naman eh! Nayakap lang!"

Tinulak na naman kasi yung noo ko, this time, ang lakas na!

Psh!

"Labas na. Madami pa akong gagawin."

Napatingin ako sa table niya, ang daming papel tapos folder.

Hehe. Mukang madami nga siyang ginagawa.

Humakbang nako palabas ng kwarto niya pero bago yon, lumingon ulit ako sa kanya at ngumiti.

"Kyohei!"

Uupo na sana siya sa swivel chair niya.

"ano na naman?" bored niyang sagot habang inaayos yung suot niyang salamin sa mata.

My Dear SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon