Chap. 4 - Invitation

12 0 0
                                    

MEIMEI's POV

"Wow! Ang gaganda naman ng mga sample invitations nila Tita at Tito Bear!"

Tinitigan ko mabuti isa-isa yong mga invitations para sa darating na debut ko sa Sunday. May five days pa kami para paghandaan yon! Hehe.

Hmm...matagal naman na napaghandaan yon nila Tita at Tito Bear pero shempre iba padin yung ngayon diba?

"Ano, may napili kana ba?" tanong ni Kyohei.

Tumango ako habang nakatingin sa mga invitations at kinuha yung napili ko. Color light purple yon na invitation na may shiny shimmering splendid na design!

"Eto! Eto yung napili ko Kyohei!" masayang pakita ko sa kanya.

Tinignan niya naman yon at tumango lang siya.

"Yung about sa venue, wala ng problema don. Nakahanap na si Mom ng lugar para sa debut mo, she chose Tagaytay.

"Uwaaaa! Malapit sa Taal Volcano ba?!" excited kong tanong.

"Yup. Naka rent sila Dad ng resort, you can see the Taal Volcano not far from the resort."

Dahil doon nagtatalon-talon ako sa tuwa.

Aba shempre! Gusto ko doon mag debut kasi sa lugar na yun, kinasal sila Mama at Papa Bear ko! Hehe.

Kaya kapag kinasal kami ni Kyohei dun yung place. Hihi.

"By the way," sabi niya. Tumingin ako kay Kyohei. "Huwag mo akong ipakilala sa mga aattend ng debut mo na matagal mo nakong kilala, you know what i mean."

Ngumiti ako, "Hmm. Alam ko na yun, Kyohei no. Huwag kang mag alala...walang makakaalam ng sikreto natin. Promise!" tapos itinaas ko yung right hand ko sa ere.

Hindi siya sumagot kaya binalik ko nalang yung tingin ko sa magazines ng mga gown ng maalala ko bigla yung tungkol about don.

"E-eh! Pano mo ako maisasayaw sa araw ng debut ko?! Waaaah! Wag mong sabihin na di mo ako maisasayaw?!" kabado kong tanong tapos umusog palapit sa kanya dahil magkatabi lang kami sa sofa.

"I have an idea about that. Kaya wag kanang magwala jan, it's your special day kaya ayoko sirain yon." sagot niya.

Hindi ko mapigilan mapasmile at kiligin.

Si Kyohei talaga oh! Ayaw lang umamin eh, gusto rin ako nito. Sus!

"M-meimei!" tawag niya sa name ko ng bigla ko siyang niyakap sa leeg sabay siksik ng muka ko sa dibdib niya.

"Hmm?"

Tinulak niya yung noo ko palayo sa kanya, natanggal tuloy yung pagkakayakap ko sa leeg niya.

"To naman, yayakap lang eh...payakap ulit." tapos akma ulit akong yayakap kaso pinitik niya na yung noo ko.

"Silly. You'll be eighteen soon. You're not kid anymore so act like a grown-up woman, Meimei. Huwag ka basta-basta didikit kung kani-kaninong lalaki katulad ng ginagawa mo sakin."

Katulad ng ginagawa ko sa kanya?

Yung ibig bang sabihin niya is yong mga hugs?

"Tss. Dumb. What i mean is your premature b*obs." uncensored niyang sabi.

"Aaaaaa!" tili ko. Tinakpan ko yung dibdib ko sa harapan niya, "G-grabe ka naman Kyohei! Di mo man lang dinahan-dahan yung sinabi mo!"

"Yung premature b*obs?" ulit niya.

Napatakip ako ng tenga. "T-tumigil ka nga Kyohei! Uwaaaaa!" nakakainis. Ang straight forward magsalita ni Kyohei! Habang tumatanda siya, mas lalong nagiging uncensored yung bibig niya minsan. Lalo na kapag binubully niya ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dear SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon