"Anong club yung sasalihan mo, Meimei?"
Napatigil ako sa pag-inom ng melon shake.
"Club? Anong club?"
"Hmm..like sports club, journalism club and echetera. Di kaba tumingin sa student journal mo?"
Nahihiya akong tumingin at umiling.
May binigay sakin na journal mini book pero di ko na binasa. Hehe.
Naexcite kasi nung ipadeliver sakin yung uniform at mga books eh.
"Ikaw meron kana napili?"
Nagnod siya. "Badminton club."
Pumalakpak naman ako.
"Wow! Bagay sayo yun, Jiro!"
Natawa siya at ginulo yung buhok ko.
"Thank you." sagot niya. Hehe. Ang gwapo talaga ni Jiro kapag nakasmile! Hindi nako magtataka kung marami rin nagkakagusto sa kanya!
Parang si Kyohei lang.
Uwah! Kumain na kaya yun si Kyohei?!
"T-teka lang Jiro ha! May pupuntahan lang ako! Babye!"
Kinuha ko yung bag ko at bumili ako sa counter ng canteen ng lunch ni Kyohei.
Mabilis akong tumakbo papunta sa faculty ng mga prof.
Sumilip ako sa may bintana.
Napangiti ako ng makita ko si Kyohei.
Mukang busy siya...parang di pa siya nakain! Haaaaay!
Ito talaga si Kyohei oh! Nagpapalipas ng kain!
Dahan-dahan ko pinihit yung doorknob ng faculty tapos sumilip ako unti.
Nahihiya akong ngumiti ng makita ko na may nakatingin sakin na mga prof.
"Yes?" tanong nung isang lalaki.
Nahihiya akong pumasok at tumingin kay Kyohei.
"U-uh...si Ky-"
"She's my student."
BINABASA MO ANG
My Dear Sweetheart
RomanceApril May Laurente is foolishly inlove with her childhood older friend, Kyohei Maximo. Is there even a chance that their longtime friendship turns into something more or still she's the "little sister" for him? All Right Reserved 2023 © yukoooadax