MEIMEI's Point of View
-1 week after the unexpected kiss-
"Aaaaaah...bakit pa ako nag office administration!! Ang sakit ng ulo ko sa subject na to!"
Sinubsob ko yung ulo ko sa ibabaw ng desk. Andito kami ngayon sa library ni Jiro, pano ba naman kasi, yung prof namin sa Business Literacy ang dami kung magpagawa! Huhu.
Ang sakit na ng ulo koooo!!!
"Ang dali lang kaya."
Malaki yung butas ng ilong ko na humarap kay Jiro.
"Para sayo shempre sabi mo honored student ka nung high school eh!"
Tumawa si Jiro at saka pinisil yung ilong ko.
Pinalo ko nga yung kamay niya! Psh.
Dahil wala talaga kong magets sa binabasa ko tumingin ako sa cellphone ko para tignan kung anong oras na.
Malapit na pala mag lunch break!
Kailangan maunahan ko si Kyohei sa lunch niya! Ehehe.
Niligpit ko na yung mga gamit kong nakakalat.
"Oh, 15 mins pa bago yung lunch break ha?"
Tumingin ako kay Jiro at nagsmile.
"Pupuntahan ko si Sir Kyohei!"
Nagkamot siya ng kilay. "Talagang pursigido ka kay Sir Kyohei...eh, sa sungit non sa tingin mo may pag-asa ka?"
Humaba yung nguso ko sa sinabi niya.
Psh! Akala mo lang!
"Di kaya! Alam kong may pag-asa ako pagtapos niya—" nanlaki ang eyes ko.
Sheez! Buti nalang napigilan ko agad tong bibig ko! Arrrgh!
Di ko pwede masabe na kiniss ako ni Kyohei sa lips!
Uwaaaaaa! Naalala ko na naman! Hihi.
"Pagtapos ng ano?" curious siya kaya umiling ako.
"Wala! Tara na!" tapos hinila ko na siya palabas ng library.
"Jiro!" napatigil ako ng makita ko si Elli sa harapan namin ngayon.
Napatingin ako sa suot niya.
"B-bakit ka nakasuot ng school uniform namin?!"
Ngumiti naman siya at lumapit samin, inakap niya yung braso ko. "Because I will be your classmate and schoolmate from now on, exciting right?!"
Halos matanggal yung soul ko sa narinig ko at agad na napatingin kay Jiro na nag peace sign lang sakin.
D-dito mag aaral na si Elli? I-ibig sabihin nito lagi niya ng makikita si Kyohei?! Uwaaaaaa! Hindi pwede!!!!
"Nasaan si Sir Kyohei dito?!" si Elli.
"Nasa faculty room." sagot ni Jiro.
Lumingon ako at nakita kong hahakbang sana si Elli kaya agad kong niyakap yung braso niya at pinatigas yung mga paa ko sa lupa.
"H-huwag! Huwag kang pupunta kay Sir Kyohei!" sambit ko habang pinipigilan si Elli.
"Bitawan mo nga ako Meimei! Pupuntahan ko si Sir Kyohei!"
"Nakakatawa kayong dalawa. Hahahahaha." sinamaan ko ng tingin si Jiro ng magsalita siya.
Di man lang niya pinigilan kapatid niya na lumipat dito sa Haleville! Nakakainis!
Biglang tumunog yung campus bell kaya nakita kong nag umpisa ng maglabasan yung mga studyante.
"Uwaaaaaaa!!! E-elli!!"
BINABASA MO ANG
My Dear Sweetheart
RomanceApril May Laurente is foolishly inlove with her childhood older friend, Kyohei Maximo. Is there even a chance that their longtime friendship turns into something more or still she's the "little sister" for him? All Right Reserved 2023 © yukoooadax