43.

2 2 0
                                    

"WHEN I ALREADY FOUND MY HAPPINESS"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHEN I ALREADY FOUND MY HAPPINESS"

"Why are you running?" I ran towards her as I hold her hand. "Why?"

"Because. . ." Napatungo siya habang pasimpleng inaalis ang kamay niya sa kamay ko.

"Hey, may problema ba?" Pinagsalikop ko ang aming kamay.

Nasa mall kami nang mapansin ko na dumidistansya siya sa 'kin.

"Ano kasi. . ." hindi niya natapos ang sasabihin nang marinig namin ang bulungan sa paligid.

"OMG! Is that her boyfriend?! Hindi sila bagay. . . ang gwapo nung boy."

"Girl, uso kaya gayuma,"

"Baka ginayuma nga, ahahahaha."

"Ampanget, puro pimples. Hindi na nahiya."

"Anlandi, hindi naman maganda,"

"Ang taba-taba pa,"

"Maitim singit niyan, sigurado,"

"Ewww, gross."

Tinignan ko ng masama ang apat na babaeng nag-bubulungan, natahimik naman sila at umalis.

Sa muling pagbaling ko ng tingin sa aking nobya ay namataan ko ang pagpipigil niya ng luha. Yukong-yuko ito na para bang ayaw niyang may makakita sa kanyang mukha.

"Hey, don't mind them." Hinawakan ko ang pisngi niyang may katabaan at sinubukang itingala ang mukha niya.

"I told you, we're not suit to each other. A dirty sock will never been match to an expensive shoes. Wala akong karapatang mahalin ng isang kagaya mo—"

"Who told you?" Natahimik siya at napatitig na lang sa 'kin. "Yhiarah, I fell in love with you because of your personality, hindi dahil sa panlabas na anyo mo. And even the most expensive shoes are getting older at the end of the day, just like humans. Tatanda din tayo at kukulubot ang balat, kaya mas gusto kong makasama 'yung babaeng mahal ko talaga, 'yong titingin pa lang ako sa mata nito ay makikita ko kung ano yung dahilan kung bakit ako pinaghintay ng matagal bago maramdaman 'yong kasiyahan."

Natahimik siya at napa-iwas ng tingin.

"At kung tatanungin mo 'ko kung ga'no ka kaganda sa paningin ko, sobrang ganda. Wala kang katumbas, minahal kita at handa akong mahalin ang lahat ng imperfections mo."

"Dheanne, marami namang magandang babae ang nakapaligid sa 'yo. Bakit ako pa?" Napa-buntong hininga ako nang makitang naminto ang luha sa kaniyang mga mata.

'Itong babaeng 'to, ang baba ng tingin sa sarili niya gayong tinitingala ko siya.'

"I don't know, ang alam ko lang mahal kita. Ayaw kong mawala ka, tumitibok ng malakas yung puso ko 'pag nandiyan ka." Napabuntong hininga ako sa pangalawang pagkakataon. Humalik ako sa kanyang noo ng may ngiti sa labi. "I'm afraid to fall in love before but when you came into my life, biglang nawala 'yong takot ko."

I'm drowning in sadness until I saw her innocent face that day.

Now, I'm drowning. But not in sadness anymore. . . I'm drowning with the feelings that I haven't felt before.

From that moment, I've realized. . .

'She is the angel sent from above, an angel that I wanna keep forever.'

——
Reverie_Mina

The Ink Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon