34.

4 2 0
                                    

"What are we doing here? This

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What are we doing here? This. . . castle is kinda creepy." Saad ko habang inu-obserbahan ang lumang kastilyo na nasa aming harapan.

"Nathan, ano na?" Tumingin lang sa 'kin ang lalaking kasama ko at nagkibit-balikat.

"Let's go there, I have something to tell you." Nagdalawang isip pa ako. Minsan talaga 'tong boyfriend ko, napaka abnormal! Buti na lang mahal ko 'to eh.

"Ihhh, what if there's a ghost in that castle?! No, I don't want to go inside! That's abandoned castle, after all!" Umiling-iling pa ako sa kaniya at pinanlakihan ko siya ng mata.

He just laughed at me, maybe he laugh because I'm already look like an idiot beside him.

"Babe, you're so funny." Kinuha niya ang kamay ko at marahang hinalikan. "Mabilis lang tayo, there's no ghost in that castle, I promise! Let's go, babe."

Napa-buntong hininga na lang ako at tumango rin naman. Nagpatianod ako sa kaniya habang nililibot ang paningin sa bawat nadaraanan namin.

Tanging rinig ko lang ay ang sapatos naming dalawa at nang tumingin ako roon ay nalibang ako dahil nililipad ang bawat dahon sa lupa tuwing aapak ako.

"Oh, cool."

"You're being childish, aren't you?" Napanguso na lang ako nang marinig ko na naman ang natatawang boses ni Nathan. Pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko hanggang sa naramdaman kong tumigil siya kaya napatigil din ako, "This place. . ."

Tumingin ako sa tinuro niya at nakita ko ang napakaraming bulaklak na tumutubo sa bawat dingding ng kastilyo na sa akin ay nagdala ng saya at ginhawa sa pakiramdam.

"Ohhhhhhh! So cool, bruh! Bakit hindi mo 'to sinasabi sa 'kin, ah?!" Umikot pa ako kaya bahagyang nilipad ang aking mahabang buhok. "Ang ganda pala rito! Woahhhh, tignan mo 'yong buhok ko oh."

"Aurora, do you want to hear a story?" Napahinto na lang ako sa pag-ikot at tumingin kay Nathan.

"Pumunta tayo rito para magkwento ka? Pero sige, ano ba kwento mo?" Buti na lang at nasa mood ako ngayon dahil sa mahalimuyak na amoy ng bawat bulaklak dito sa parang hardin na kinaroroonan namin.

Nagsimula naman siyang magkwento habang nakatingin sa mga bulaklak.

"There are couple living in this castle, which is the King and the Queen." Tumango tango naman ako, may mga maharlikang nakatira pala rito? Weh? "'Di nag-tagal ay nabiyayaan sila ng isang anak, babaeng anak. Napaka istrikto nila rito dahil balang araw ay siya ang papalit sa trono dahil siya lang ang nag-iisang anak."

Nanahimik ako at sumandal sa balikat niya, nangangalay na ako.

"Nang mag-edad labing-anim ang prinsesa ay umibig ito sa isang. . ."

"Hmm?"

"Sa isang bampira."

Do'n lang ako napa-tingin sa kanya, "Bampira?"

"Oum, sa isang nilalang na alam niya namang hindi pwedeng makatuluyan." Napakagat ako ng labi at naghintay sa susunod niyang sasabihin.

"Nalaman yun ng kaniyang mga magulang at inutusan siyang patayin ang bampira gamit ang isang likido. Kung hindi niya gagawin iyon ay mawawalan siya ng trono, kaya kinagabihan sa ilalim ng bilog na buwan ay ipinahid niya ang likido sa kaniyang espada habang may luha sa mga mata. Naghintay siyang dumating ang prinsipe ng mga bampira dito sa hardin."

"Dumating naman ba?"

"Oo, lubos ang galak ng bampira at hindi niya alam na may masamang mangyayari. Lumapit siya sa prinsesa at nung yayakapin niya na sana ay may inilabas itong napakatalim na espada saka—"

"Sinaksak siya?! OMG!"

"Hindi siya sinaksak infact, inutusan siya nito. Inutusan ng prinsesa na gamitin ang espadang hawak niya upang gamitin pang-kitil ng buhay nito—"

"What?" naluluha kong usal.

"—Nagulumihan ang bampira sa ina-asta ng prinsesa, nagulat na lang siya ng umiyak ito sa kaniyang harapan. Nagmakaawa ito na gawin ang kaniyang hiling pagkat 'yon lamang ang natatanging paraan para hindi mamatay ang kaniyang minamahal. Kaya kahit labag sa kalooban ng bampira ay dahan-dahan niyang kinuha sa kamay ng prinsesa ang espada. Napaluha na lamang siya nang makitang nakaukit doon ang kaniyang pangalan. Samantalang handa naman ang prinsesa sa kung ano ang pwedeng kahantungan ng kanyang desisyon, she planed to sacrifice her life for her beloved vampire. Kaya itinarak ng bampira ang espada sa prinsesa, sa gabi rin na iyon ay nangako ang bampira na hahanapin niya ang kaniyang sinta kahit ga'no pa katagal dahil sinabi nito na babalik siya, iyon ang kinapitan ng bampira upang kayanin niyang hintayin ito." Tumingin sa akin si Nathan at ngumiti, I saw how his eyes turned into red. "Hindi naman nasayang ang kaniyang paghihintay sapagkat nahanap niya ito."

"A-ano ba ang pangalan ng prinsesa?"

"Aurora." After he said my first name, I could hear my loud heart beat.

"I found you as I promised."

——
Reverie_Mina

The Ink Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon