37.

3 2 0
                                    

"Antagal naman ni Kimberly, darating pa ba yun?" saad ng isa sa mga kaibigan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Antagal naman ni Kimberly, darating pa ba yun?" saad ng isa sa mga kaibigan ko.

Nandito kasi kami sa bahay ko, napagdesisyunan kasi namin na mag party lalo na't weekend.

"Darating 'yon! Tss, di ka pa nasanay eh palagi naman yun late." Tumawa naman ang sampo naming kasama. May nagsasayaw na sa harap namin dahil siguro tinamaan na rin ng alak.

May mga isinama rin sila na hindi mga pamilyar sa paningin ko but that's okay, the more the merrier.

"Sorry late, kaumay kasi!" May bigla nalang umupo sa tabi ko kaya napabaling ako rito.

Nakita ko ang busangot na mukha ng girlfriend ko, magulo rin ang ayos ng buhok niyang naka ponytail kaya inalis niya ang kaniyang tali. Parang bumagal ang paligid at ang nakikita ko nalang ay siya, ang ganda naman ng girlfriend ko.

"Bakit, Aljon?" Napakurap-kurap nalang ako nang hawakan niya ang aking pisngi at pisilin iyon. "May problema ba? Sorry na late ako, hapon na ako nagising eh! Kapagod mag trabaho, minsan gusto ko nalang maging halaman para pa sway sway lang. Ganito ba, oh."

Napa-iling nalang ako ng umakma pa siyang parang halaman na nasa garden ng mama niya noon na inaapakan niya kapag magka-away sila. "Woahhhh! Hinahangin ako, Aljon ko!" Tumawa ako at kinaltukan siya.

"Loka-loka, lods!" Tumawa pa ako, kapag talaga mahal mo ang isang tao ay matutuwa ka nalang kapag may ginagawang ka-boangan.

Inirapan niya naman ako, "Lods. . . sino yang lods na 'yan?!"

Tumawa pa ako dahil sa mukha niyang bumalik na naman sa pagkabusangot. "Babae mo?! Niloloko mo ba ako? Sino ba kasi yun, kakalbuhin ko! Akala ko ba tayo hanggang dulo huh?" Pasinghal niya pang saad, seryoso ba siya? HAHAHA.

Cute.

"Ano ka ba, boang ka talaga baby." Ngumiti pa ako, nakita ko naman na namula ang pisngi niya. "Hindi kita ipagpapalit 'no, imposibleng ipagpalit pa kita." Tuluyan ng kumawala ang ngiti sa kaniyang labi, ang rupok ng baby ko.

"C-cr lang ako," nautal pa siya ng sabihin iyon. Tumango naman ako at mabilis siyang hinalikan sa labi. Namula pa siya at napalunok, "S-sige!" Pagkatayo niya ay dali-dali niyang tinungo ang cr. Napangiti naman ako,

'Ang suwerte ko talaga sa girlfriend ko.'

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang may bigla nalang humatak sa aking kamay, "Sayaw tayo, Aljon." Kumunot ang noo ko at sinusubukan kalasin ang pagkakahawak ng babae sa aking kamay.

"Sorry Ches, ayoko." Saad ko kay Cheska ngunit patuloy pa rin ito sa paghatak sa 'kin.

Nang makarating kami sa dancefloor na pinalagay ko ay humawak ito sa aking braso at sumayaw ng parang bulate. Kumembot-kembot pa ito kaya lumalayo ako sa kaniya.

"Sorry miss. but he is my property." Nagulat na lang ako ng may tumapik sa kamay ni Cheska na nakahawak sa braso ko kaya napakalas ito ng hawak.

Hinatak ako ng magandang nakapulang babaeng nasa harap ko, napa-ngiti ako ng makita ang matalim niya na namang titig. "Nag-cr lang ako, nakakuha ka na ng higad? Buti hindi ka nangati?" ngumisi pa ito.

Kaya pala nag-cr dahil pinalitan niya ang kaniyang damit. Marami tuloy ang nakatingin sa kaniyang mga kaibigan namin, naiinis ako.

"Hinatak lang, lumalayo ako 'no. Hindi ko naman gus—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng itapat niya ang hintuturo sa bibig ko.

Nagsimula ang tugtog at nagsimula rin siyang gumiling sa aking harapan, dahilan para mamangha ako sa lambot ng pag-indak niya. Humawak ako sa kanyang bewang at bahagyang inilapit pa siya sa akin. Inilagay niya ang dalawang kamay sa aking batok.

"May tiwala ako sa'yo, Aljon." Ngumiti pa siya, "Pero wala akong tiwala sa mga nakapaligid sa 'yo, hmm?"

Sumayaw pa kami roon at ng mapagod ay bumalik kami sa table namin kanina.

"Marunong ka palang sumayaw?" Tumitig ako rito habang umiinom siya ng alak. Tumingin siya sa akin ng namumungay ang mga mata. "Akala ko ba hindi ka sumasayaw?"

Bigla na lang siyang yumakap sa akin at sinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hinaplos ko naman ang kanyang buhok saka hinalikan siya sa noo.

"Nagseselos ako, gusto ko ako lang ang kasayaw mo. Kaya kahit ayaw kong sumayaw gagawin ko para matumbasan ang pinagseselosan ko," naghihimutok niya pang bulong sa 'kin.

"Wala ka namang katumbas sa puso ko, ikaw ang pinakamagaling sumayaw sa paningin ko. So para saan, hmm? Ikaw rin naman ang gusto ko makasayaw kahit sa araw-araw pa." Ngumiti pa ako sa kaniya, itiningala ko ang kanyang mukha para matitigan ko.

"Don't do the things you're not capable of, baby. Because for me, I like everything about you. Hindi mo na kailangang sumayaw para manatili ako sa 'yo, your presence is enough. Understood, Kimberly?"

She pout before nodding, "Yes po."

[ A/N: Sana all, hindi char lang. Ito na nga. . . WAIT for the RIGHT person for you. Don’t rush, it’s not good when you’re in a hurry to find the ONE, just wait for it to arrive at the right time. And if you're in a relationship, learn to be CONTENTED.

Ba't ko ba 'to sinasabi? Siguro wala lang talaga akong magawa sa buhay, scroll ka na oo. ]

——
Reverie_Mina

The Ink Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon