23.

3 2 0
                                    

"Noah!" Napapikit na lang ako sa inis nang sumigaw na naman yung makulit na babaeng yun, palagi niya na lang akong kinukulit at naiirita na ako sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Noah!" Napapikit na lang ako sa inis nang sumigaw na naman yung makulit na babaeng yun, palagi niya na lang akong kinukulit at naiirita na ako sa kaniya. "Noah, hehe. Gusto mo water?"

"Meron na ako, salamat na lang." Saad ko at uminom sa bottled water na hawak ko.

"Kulang 'yan! Ito oh, binili ko pa naman
'to para sa'yo," nakangiti nitong saad.

Bumaba ang tingin ko sa mineral water na inaabot niya sa 'kin. Wala akong balak na kunin yun dahil baka may gayuma siyang nilagay do'n.

"Ayoko, bigay mo na lang kay Mateo." Tumingin ako sa team mate ko na nagpupunas ng pawis. "Teo! 'Di ba wala kang tubig na dala?"

"Wala, bakit? Bibigyan mo 'ko?" Hinablot ko ang mineral water na hawak ni Herylyn at pabatong binigay kay Teo. "Oh, thanks."

"P-pero sa 'yo yun No—" hindi ko na pinansin si Herylyn na patuloy pa rin ang pangungulit sa 'kin.

Mataba siyang babae at may suot na malaking salamin. Bilugan ang mata at matangos naman ang ilong, mapula rin ang kanyang labi. I can't deny that she's cute. . . But she's not my type.

I don't like her because of her attitude, she's a spoiled brat sabi ng kaibigan ko. Nilalayuan ko na siya dahil ayaw ko talaga ng mga ganon, dumagdag pa ang pangungulit niya kaya mas lalo ko siyang hindi nagustuhan. She's so childish, I want a girl who's matured enough katulad na lang ng sasalubong sa 'kin.

"Noah! I thought nauna ka ng umuwi?" ani Dyra. Nakangiti ito habang naglalakad papunta sa 'kin, sinalubong ko naman siya at nang magkatapat kami ay ngumisi ako sa kaniya.

"You? Akala ko ba you're going home na?" Namula naman siya at umiwas ng tingin.

"A-ahh, inutusan kasi ako ni ma'am." Tumango-tango ako habang hindi nawawala ang ngisi sa labi. "Oh, Herylyn," nawala sa isip ko na may naka-sunod pala sa 'king aso.

"Hi, Dyra. Uuwi ka na?" Rinig ko pang sambit ng babaeng nasa likod ko. Epal!

"Uhm, oo. Sabay kami ni Noah. Gusto mo bang sumabay?" Napapikit ako dahil sa inis, huwag na natin isama yang asong 'yan.

"Huwag na, may pupuntahan pa ako eh. Bibisitahin ko rin si nanay sa ospital." Napamulat ako at tumingin kay Herylyn.

Ano raw? Nasa ospital yung nanay niya?

"Huh? Nasa ospital yung nanay mo? If you don't mind, can I ask what's the reason?" Minsan talaga medyo slow din si Dyra pero naghintay din ako sa sagot ni Herylyn hanggang sa ngumiti lang siya.

"Sorry, but I'm in a hurry. May hinatiran lang talaga akong tubig. . . akala ko kasi kailangan niya. So, uhm. I have to go." Ngumiti pa ito bago magsimulang maglakad.

"Let's go, Noah." Tipid na lang akong ngumiti kay Dyra. "Uhm, free ka ba?"

"Yes, why?" Kahit na gusto kong matulog agad dahil pagod ako sa pag-practice sa basketball. Okay lang naman yun sa 'kin basta si Dyra 'yong kasama ko.

The Ink Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon