CHAPTER 3: The bad omen that has come to me.

37 7 0
                                    

*** Bren's POV***

Kakatapos lang ng first subject namin. I just don't know what's with me since yesterday? Sinusundan ba ako ng kamalasan? Kahit yung score ko sa quiz kanina minalas din ata? Mabuti pa tong si Maggy, naka forty over fifty , naperfect pa niya yung essay part. Sana all diba? Well? Expected naman talaga from a future lawyer. Yes. It has always been her dream to be a lawyer. Kaya kung sino man magiging jowa nitong best friend ko? Naku! Ang swerte mo bro! Kayang kaya ka niyang ipaglaban!

Sanaol pinaglalaban!.....

Nandito kami ngayon sa covered court for our PE class. Andito kami naka upo sa may di kalayuan sa mismong basket ball court. Nagsidatingan na rin ibang kaklase namin.

Sa court ay nandun din ang basketball team ng University. Di ko lang sure kung tapos na silang mag practice o mag papractice pa lang. Pero may dalawang lalaking nag papasahan ng bola habang tumatawa. Nagbibiruan ata. Tas napansin ko yung isang lalaki na nasulyap-sulyap sa direksyon namin ni Maggy habang nagpapasahan ng bola. Mestiso ito, mapupungay ang kanyang mata, makapal ang kanyang mga kilay, malapad ang kanyang balikat at well built ang kanyang katawan. May katangkaran din ang lalaking ito. Siguro mga nasa 5'10" din siya, kasing tangkad siguro ni kuya Vlad. Kaya sa isip ko, baka nagpapasikat ito kay Maggy. Sino ba kasing di magpapapansin sa best friend ko? Miss almost perfect kaya ito! May kasungitan nga lang. Hahaha.... Pero si Maggy, di naman nakatingin sa sa kanila dahil abala ito sa kanyang cellphone. Kaya binaliwala ko na lang. Nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita.

"Yahhhh! Chinguyahhhh! (fiend)" sambulat niya sakin. She can really be so loud sometimes.

"Aishhhh!... Kamjagiya!..." gulat kong tugon.

"Ayyyyy... Sorry bes. Nakalimutan ko, magugulatin ka pala. Kape pa!" tawang tawa n kanchaw sakin.

"Sige! Tumawa ka lang. Kapag ako nakahanap ng chance asarin ka... Naku! Sinasabi ko sayo bes!.... " sabi ko naman.

"Mianhae...." nag sorry siya habang nagpipigil ng tawa.

" Ikaw ha? Anong ganap mo kagabi? It's just the second day of classes pero late ka na?" usisa niya sakin. Marites yern?

"Well, bes, alam mo na? Busy sa barbequehan. Napagod talaga ako, sobra! Nakatulog nga ako nang di nakapagbihis ehhhh." sagot ko naman sa kanya.

"Ohhh... I see... Kawawa naman tong best friend ko." saad niya habang kurot kurot ang aking magkabilang pisnge.

"Huyyyy! Ano ba? Nakakahiya, ang daming tao ohhhh..." I said with an unaudible voice. Ewan ko ba sa babaeng to? Walang pinipiling lugar at oras? Kung di hampas at kurot ang aabutin ko, minsan naman ganito nanggigigil!...

Tumingin siya sa paligid at ilang sandali pay tumigil na ito sa kanyang pinaggagawa sa pisnge ko.

" Napasarap din kwentuhan namin ni kuya Vlad kaya di ko napansin yung oras." patuloy ko.

"Wait! Did I hear it right? Nakababa na ng barko si Vlad Oppa? Like he's here na!?.... " gulat niya. Talagang nanlaki ang kanyang mga mata.

Tatlong bagay lang kasi ang nagpapa excite kay Maggy; one, Kdrama; two, kpop idols; three, si kuya Vlad. Whenever any of this three ang topic ng usapan lumalaki talaga mga singkit niyang mata.

"Oo. Di ko ba nasabi sayo? Two days ago lang siya dumating." I replied.

"Yes! You didn't tell me po!" sambit niya habang nakataas ang kanang kilay. Kitams? Sabi ko sa inyo may pagkamaldita to ehhhh...

"Dapat pala talaga pumunta ako dun kagabi. Si mommy kasi ehhh, she asked me to go with her para mag grocery. Aisshhh!..." she continued.

"Ayan ka na naman. Pakibaba po ng kilay maam! Nakakabawas po ng ganda!? Kaya natatakot sayo ibang lalaki, ang sungit mo!" sabi ko sa kanya na may pang iinis. Nakahanap din ako ng chance para umatake! Hahaha....

Your AttentionWhere stories live. Discover now