Part 1: Who's that guy.

17 0 0
                                    

"Sinong gumawa ng group natin sa facebook?" I asked.

"Si Enzo." sabi ni Marie.

"Ay talaga may group na tayo sa facebook?!" sumingit si Carla.

"Huh? Sinong Enzo?"

"Ayun oh!"

Tapos tinuro ni Marie si Enzo. Second week na nakakalipas mula nung mag start ang pasukan. First year college na ako. Grabe 2 weeks na pero hindi ko parin kabisado ang mga classmates ko. Kasi naman eh, hindi ako ung unang kumakausap sa kanila. Nakakahiya kaya! :( :))

Isa lang naman yung naglakas loob akong kausapin eh. Si Justin. Crush ko kasi siya. :'> Kasi kamukhang kamukha niya yung ka M.U. ko dati.

Habang nasa KFC kami nun, nagulat ako andun sila Justin. Kaso paalis na sila.

Me: Justin!

Siya: Yow Maggy. :) *he smiled at me :">*

Me: kilala mo to? :) *pinakita ko sa kanya ung picture ng ka M.U. ko dati*

Siya: hindi eh. :) bakit? Sino yan?

Me: friend ko. Kamukha mo diba? :)

Siya: oo nga. :) pero mas gwapo ako. hahaha :)))

Nahiya na ako. Nagsmile lang ako. Tapos I gave him my number. Tinext niya agad ako. :>

Palagi kong hinihiram yung phone niya para makapag laro. :D

Tapos dahil sa kakahiram ko ng phone niya, nalaman kong crush niya rin ako. :') wag niyo na tanungin kung pano. :p

Nagkakatext kami. When he added me on facebook, nalaman niya na committed na ako. :)

and anywaysssss, palagi silang magkasama ni Enzo. :))))

He asked me naman kung kami daw nung nakita niya sa fb ko. Eh syempre hindi ko idedeny. Proud ako sa boyfriend ko nu! Si Nello. :)

Actually nagseselos si Nello kay Justin. Kasi syempre kinwento ko siya kay Nello. Super close kasi kami nitong si Nello. Yung tipong committed na kami sa isa't isa bilang boyfriend/girlfriend pero para rin kaming mag best friend, na parang magkapatid na magka pamilya. :))))

Nakakatuwa ang love story namin ni Nello. :) pero nung simula ng summer, naging cold siya sakin, nawalan kami kasi ng communication. Pero magaan naman ang pakiramdam ko kasi i know he's with my best friend Joana. :) I trust Joana so much. And syempre sobrang tiwala din ako sa Nello ko. Ako lang ang mahal nun. :) i'm happy kasi close sila ng bestfriend ko. Pero hindi ko parin naiiwasan ang selos. Eh selosa ako eh. :)

Anyway. Back to Justin. I like the way he smile. Kasi alam mo yun. Hindi lang bibig nya ung ngumingiti. pati mga mata niya. :)

"Hi Mags! :)"

"oh Marie, late ka ngaun ah. Bakit?"

"16 kasi ngaun. It's my mom's birthday! :)"

"OMG its 16?!"

"Kakasabi ko lang Mags. What's with 16?"

"It's our day today! Nakalimutan ko. 9 months na kami ni Nello! Pupuntahan ko na lang siya sa kanila mamaya. :)"

"Mabuti pa nga. Btw, i have to go. May dadaanan pa ako dun. I'll be back later."

"Okay."

San kaya pupunta tong si Marie? Grabe. Siguro may lovelife na yun. Haha! Pero sa pagkakaalam ko, nakakadalawang boyfriend pa lang yun. Ata. :)

Pero nakalimutan kong 9th month namin ni Nello today. Hindi ko alam na 16 pala ngayon. Naisip ko pumunta na lang sakanila later and buy his favorite chocolate. :)

Pag dating ko kila Nello. Tulog siya. Hindi niya alam na pupunta ako. Wala siyang kaalam alam. Tinext ko lang ang kapatid niyang si Stella. Yung mas bata sa kanya.

Ang gwapo talaga ni Nello. Kahit tulog ang gwapo parin. Ang amo ng mukha niya.

Haaaay. Nello. 9 months na. 9 months na simula nung maging akin ka. 9 months, maikli pa para sa lahat. Pero para sakin mahaba na yon.

Hindi ko kasi akalain na tatagal kami ni Nello.

Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging babaero niya, hindi niya parin makakaya pag ako na yung mawawala.

Pag nagseselos ako, ang lagi niyang sagot sakin...

"Babae lang sila. Oo maganda. Sexy. Pero para sakin, ordinaryong babae lang sila. Kahit landiin nila ako, hanggang dun lang yon. Ikaw, ikaw lang. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw parin. Ikaw."

Pag yun ang sinasabi niya, kinikilig na lang ako. At mapapaisip.

Na sa dinami rami ng babaeng mamahalin niya, AKO PA.

Pag muntik na kami palagi mag break, mag pe-pray ako habang umiiyak.

"Lord, alam kong someday iiwan rin niya ko. Mawawala rin siya sakin. Pero Lord, please wag po muna ngaun. Hindi ko pa po kaya. Please. Please. Please po."

Mahal na mahal ko si Nello. Kahit palagi siyang nambababae.

Lalo ko nga siyang minamahal pag sa huli ng lahat ng kalokohan niya, ako parin ang sasabihin niyang mahal niya.

Hindi ko alam kung anong meron diyan kay Nello. Bakit ba mahal na mahal ko.

Basta ayoko siyang mawala. Kaya ko pang tiisin. Kahit nambababae siya.

Hindi naman ako umaasang habang buhay kami eh.

Bakit?

Alam kong matagal bago dumating ung panahon na magbabago si Nello. Kasi kung ako ang makakapag pabago sa kanya, matagal na siyang nagbago. Eh... 9 months na kaya kami!

Perfect couple kami dati. Nung umpisa. :)

Dahil ako pa ang priority niya.

Pero ngayon, mas pipiliin niya pa ang team mates niya sa basketball, at mga barkada niya, kesa mag stay sa isang lugar na ako LANG ang kasama.

He doesn't see my worth.

Sometimes he's sweet.

But oftentimes, he's COLD.

But still...

I'm willing to give up everything for this guy.

Just for him to love me the way I was.

I actually don't know kung paano ang salitang GIVE UP.

Pero palagi kong sinasabi sa sarili kong...

NAKAKAPAGOD NA.

AYOKO NA.

And yet....

Nakatayo parin ako dito, pilit lumalaban para hindi ka mawala.

Wag ka sanang mawala.

If there's no tomorrow.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon