Isang buwan na nakalipas, pero sobra sobra na akong binabagabag ng konsensya ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakapansin na nga si Maggy sa akin na nadadalas ang hindi ko pagsama sa kanya eh. Parang nagtataka na siya kung bakit palagi ko siyang tinatanggihan. Gulong gulo ang isip ko ngayon. Gustong gusto ko ng sabihin kay Maggy ang lahat, para matapos na rin ang katangahan niya. Isang buwan ko rin kasing iniiwasan si Nello. Kaya umiiwas rin ako kay Maggy. Gusto kong magisip isip.
*dingdong*
"Huh? Sino namang kakatok ng ganitong oras? Mag aalas dose na ng madaling araw!"
Grabe naman tong taong to. Sino ba to.
*dingdong*
"WAIT!!!"
Pag bukas ko ng pinto...
Joana: oh?!
Nello: Ela, please, kausapin mo naman ako.
Isasara ko na sana ang pinto ng biglang nagpumilit siya pumasok.
Joana: Ano ba Nello!!!!
Nello: Mikaela! Kausapin mo ako! Pakinggan mo muna kasi ako! Pagkatapon nito hindi na kita guguluhin pa!
Joana: O-okay
Nello: Ela, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naging mahalaga na lang si Maggy sakin, dahil akala ko wala na kong pagasa sayo. Kaya pinilit kong mahalin siya. Dahil mahal na mahal niya ako. Naaawa ako. Ela, mahal na mahal talaga kita. Lahat gagawin ko para sayo. LAHAT ELA. LAHAT. Pero, mukhang hindi talaga ito yung tamang panahon para sa ating dalawa. O marahil hindi talaga tayo para sa isa't isa. Hindi talaga ako ang para sayo. Sorry Ela kung nagulo ko ang buhay niyo ni Maggy. Malapit na akong umalis. Pupunta na akong New York. Dun na ako mag aaral. Bago ako umalis, tatapusin ko muna ang lahat samin ni Maggy. Hindi niya alam na aalis ako. Ayoko na siyang saktan. Palagi ko na lang siyang sinasaktan. Kaya siguro ako kinakarma ng ganito. Mahal na mahal kita Mikaela. (Pumatak ang mga luha sa mga mata niya.) Mahal na mahal. Babalik ako dito, bago ang araw ng pag alis ko. Magiging huli na yun Ela. Pangako. Hindi na kita guguluhin pa. Goodnight. Sorry sa abala. Pasensya na. Matulog ka na. Goodnight.
Joana: Ne-nello. (Pumatak ung mga luha ko.)
Nello: Wag kang umiyak. Pag nakikita kitang umiiyak, lalo akong nasasaktan. Mahalaga ang bawat luha sa yong mga mata. Kailangan pahalagahan mo sila. Sige na Ela. Matulog ka na ha. Goodnight.
Sinara na niya ung pintuan. Siya pa mismo ang nagsara. Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam na sumuko na siya saakin. At iiwan niya na kami pareho para hindi masira ang pagkakaibigan namin. Nasasaktan ako kasi nagpapaalam na siya sakin. Nasasaktan ako, kasi wala akong magawa para ipaglaban tong nararamdaman ko para sa kanya.
Bakit ba ganito ang kapalaran...
Napaka mapaglaro ng tadhana....
Paalam na ba talaga????
Kakayanin ko ba??
Kakaiyak ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Maggy: Jo? Wake up na.
Joana: Mmmm?
Maggy: Wake up ka naaa! May pasok kaya tayo! Hindi ka ba papasok?! Ano bang sched mo ngayon?
Joana: Mags, masama ang pakiramdam ko.
Maggy: Huh? Teka, umiyak ka ba kagabi? Bakit namumugto mga mata mo? Okay ka lang ba? Anong problema??
Joana: Ahh wala. Namimiss ko lang sila daddy.
Maggy: Huh? Sige na late na ako. Tawag ka lang pag may kailangan ka ha?
BINABASA MO ANG
If there's no tomorrow.
RomanceWag sayangin ang bawat oras na kasama mo ang taong mahal mo, ultimo bawat segundo. Habang andyan pa, pahalagahan mo. :)