Nag date kami ni Nello today. It's August 16. Sobrang saya namin. Kwento dito. Kwento jan. Tawanan kami ng tawanan. :)
Nagsasabihan kami ng mga kasalanan namin sa isa't isa. Pero bawal magalit. :)
And in the end of the day, eto parin kami, kahit anong kalokohan pa ang nangyari, we still have each other. :)
Na sana...
FOREVER.
August 17. Saturday.
Just got home from school. I'm so tired. Nakakapagod naman kasi talaga ung byahe ko diba.
I ate. Nag shower. Toothbrush. Then ready to sleep na.
But someone texted.
It's a Group Message. Mukhang hindi dapat ako madaanan.
From: Mahal ko.
7:15 pm
Ang sakit mga pre. P*t*ngIn*. Gin*g* nla ko pre. Pg nkta ko ung ungas n un, malilintikan skn yun!"
Sending to: Mahal ko.
Baby, what happened? Sino pong kaaway mo?
He didn't reply. Hinayaan ko muna siya kasi baka madamay ako sa init ng ulo niya. Ganun kasi yun eh.
Few minutes ago.
From: Mahal ko.
7:45 pm
MGA WALANGYA PRE. P*TA. ANG SAKIT
Sending to: Mahal ko.
Baby, anong nangyari?????
Kinabahan ako. Ako ba yun? May nagawa ba ko? Wala naman akong maisip na kasalanan ko. Kahapon lang sinabi ko na lahat ng kasalanan ko eh. Alangan namang late reaction siya diba? Baka sa iba siguro.
*vibrate*
From: Mahal ko.
7:54 pm
WAG KA NG MAGMAANG MAANGAN PA! ALAM KO NA LAHAT!
Sending to: Mahal ko.
Huh? Ano pong sinasabi mo? Anong nagawa ko??
From: Mahal ko.
7:59 pm
Haha! AYOKO NA. Tigil na ntn to. Mgsama kau!!!!
Sending to: Mahal ko.
Huh? Ano ba? Hindi ko alam yung pinagsasabi mo! Wag mo kong pagbintangan Nello!!!!!
Nag init ang ulo ko. Ano bang pinagsasabi niya?! Nakakainis. May ibinibintang siya sakin. Nakakainis. Nakakainis!
Nag bukas ako ng Facebook baka sakaling makakuha ako ng infos.
Pag bukas ko. Ang unang nakita ko, kinoComfort ni Joana si Nello. Bakit siya? Diba dapat ako? Kung kinoComfort niya si Nello, ibigsabihin alam niya ung nangyayari? Bakit hindi niya ako sinabihan? Ano ba tong mga nangyayari?
"Jo? Ano bang nangyayari?!"
"Hindi ko nga alam eh."
"HUH?! Eh bakit ganun ung post mo sa wall niya?! Ano ba? Ano bang nangyayari?!"
"Hindi ko alam!!!!!"
Hindi ko na siya nireplyan kasi magaaway lang kami lalo. :(
I texted him. :(
"Alam mo, ang unfair mo. Pag ikaw, may nalalaman ako about sayo, tinatanung parin kita para masigurado ko. Pero ikaw... Hayyyy. Okay. Sige. Tutal sabi mo pag nakipag break ka, hindi ka na nakikipag balikan, eh bakit pa kita pipilitin ayusin to. Nakakapagod na. Basta sinasabi ko sayo, kung ano man yang binibintang mo, hindi totoo yan. Sana lang tinanung mo muna ako. Ang sakit Nello."
Sayang lahat ng pinagdaanan namin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiiyak. Siguro hindi pa nagsiSink in sa utak ko na wala na kami. Na wala na kong Nello. Wala na kami. Bakit ba hindi ako maiyak.
Naubos na siguro lahat ng luha ko sa kanya before. Kaya ngaun hindi ako maiyak. Haha
Siguro, expected ko na kasi na maghihiwalay din kami pag dating ng panahon.
Siguro, kasi naiisip kong maaayos pa to?
Siguro, kasi hindi ko pa naiintindihan ang mga pangyayari?
Siguro kasi...
Napapagod na talaga ako umiyak.
Nakakapagod na.
NAKAKAPAGOD.
BINABASA MO ANG
If there's no tomorrow.
RomanceWag sayangin ang bawat oras na kasama mo ang taong mahal mo, ultimo bawat segundo. Habang andyan pa, pahalagahan mo. :)