Kabanata 1

4 4 0
                                    

Kabanata 1: Cute

I was watching a documentary film about children on the street then I realized na mas ma-swerte pa pala ako sa kanila. Because here they are, no shelter, no clothes. And they don't have the privilege to study unlike me.

Nasa isip ko, paano kapag bumagyo? May matutuluyan ba sila na isang ligtas na lugar? Paano ang pagkain nila?

Paano rin kapag nagkasakit sila? Sinong nag-aalaga sa kanila? May iniinom ba silang gamot?

Yung mga magulang nila? Nasaan? Inabando na ba sila kaya sila napunta sa ganoong kalagayan?

Naiisip ko pa lang 'yung mga nararanasan nila, naiiyak na ako. Paano nagagawa ng mga magulang nila na hayaan ang anak nila na maging ganito?

I know that parents are not perfect. Iba iba sila ng paraan ng pagpapalaki ng anak nila. Kung paano nila ito didisiplinahin kapag nagkamali.

Ganun din tayong mga anak, we're not perfect but I know that we try our best para maipakita sa mga magulang natin na deserve natin ang pagmamahal nila.

Today is Sunday. Wala naman masyadong ginagawa dahil wala naman kaming assignment, kaya tinulungan ko na lang si Mama na maglinis ng bahay.

Pinatay ko na lang ang tv dahil baka nakakaistorbo ako sa nakababata kong kapatid. Nagpapaturo kasi kanina sa assignment nya pati na rin 'yung kapitbahay namin na kaibigan nya.

Tumayo na lang ako at pumasok sa kwarto para magbasa, nahihirapan rin kasi ako minsan mag focus. Kailangan pa naman dahil minsan kasi may biglaang pa-quiz o recitation ang mga teachers namin.

Nilabas ko ang mga hand outs na binigay sa amin ng teacher namin sa 21st Century. Habang binabasa ko ang mga paragraph hina-highlight ko naman yung mga mahahalagang salita para mabilis kong makita at matandaan.

Isa ito sa mga habbit ko kapag nag-babasa ako o nag-aaral. Hina-highlight ko yung mga salita sa isang paragraph o sentence para mabilis kong matandaan o di kaya naman ay mga clue words ko para mabilis ma-memorize.

Hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas kung hindi pa kumatok si Mama sa kwarto ko.

"Nak, baba ka na. Kakain na tayo."

"Sige po Ma, susunod na po ako." Sagot ko kay Mama at niligpit na ang mga gamit.

Pagkarating ko sa kusina tinulungan ko na si Mama na maghanda ng mga plato at baso bago kami kumain.

"Ma. . . " hindi ko maituloy 'yung sasabihin ko. Sigurado naman kasi na tututol na naman si Mama kapag nalaman nya na naghahanap ako ng part time job.

"Ano yun anak? May kailangan ka ba?" Tanong ni Mama sa akin. Nakangiti siya pero alam ko ang pagod nya.

Umiling na lang ako, "wala po Ma," Hindi ko na lang muna sasabihin. Siguro naman kapag nakapag trabaho na ako, hindi na ako mahihindian ni Mama.

Ganun na lang siguro.

"Ma, ako po may kailangan." Sabi ni Careen, bunso kong kapatid.

Tumingin naman kaming pareho ni Mama sa kanya. "Ano 'yun nak?" Si Mama at umupo na matapos kaming sandukan ng kanin at ulam.

"May boyfriend na po ako Mama!"

Nagulat ako sa sinabi ni Careen. May boyfriend na sya? Eh grade 5 pa lang 'to ah!

Bittersweet Series 1: When The Sun Rises AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon