Kabanata 3: Block
Umaga na at lahat lahat pero ramdam ko pa rin yung kahihiyan na nagawa ko kagabi. Sana hindi ko sya makita.
"Hoy Aurora, kanina pa kita tinatawag! Palagi ka na lang tulala dyan! Noong isang araw ka pa ha, sabihin mo lang kung na-e-engkanto ka na at ipa-aalbularyo na kita!" Bulyaw sa akin ni Alli.
Napahawak naman ako sa noo ko dahil sa pagpitik nya, "Aray ko naman."
"Wow, sorry ha! Kanina pa kasi ako kuda ng kuda dito tapos na katulala ka lang dyan! Para lang tuloy akong nakikipag usap sa pader!"
Buntong hininga na lang ako sa sinabi nya at nagbaba na lang ng tingin sa binabasa ko.
Alam ko naman na kanina pa sya salita ng salita dyan, puro wala lang namang mga saysay.
"Bebs, sa totoo lang, hindi ko alam ang magagawa ko sayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Alli.
"Huh?"
"Anong 'huh?,' kapag kasama kasi kita, it's either tahimik ka lang o kaya naman nag aaral. Ako lang ang nag e - effort dito. Hindi ko nga alam kung bakit 'bff' kita eh."
I chuckled, "Ganun din yung nasa isip ko,"
Napasinghap naman sya sa sinabi ko, "Grabe ka naman ah! Ang harsh mo masyado! Magsasalita ka na nga lang tapos hindi mo pa i-sugar coat! How about my feelings naman?!"
Nangingiti na lang ako sa sinabi nya at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa.
Recess namin ngayon kaya nandito kami sa canteen. Tapos na ako kumain samantalang itong si Alli ay kumakain pa ng banana chips na makunat. Nakatambay lang kami ngayon sa mga gazebo malapit sa canteen. Table sya na pabilog at may apat na upuan. Bale, nakaupo sa harapan ko si Alli at may bakanteng dalawa pang upuan sa tagiliran. Ang arte nga at ayaw pa akong katabi. May puno 'rin na humaharang sa araw para hindi kami mainitan. Kaya dito lagi ang bukang bibig ni Alli dahil presko ang hangin.
Dito na namin pinili na tumambay, bukod sa kakaunti lang din ang mga estudyante na nakatambay lang tulad namin, ang gaganda pa ng mga halaman na nakatamin sa paligid.
Dalawa ang canteen namin dito sa school, yung isa, malapit sa may quadrangle at ito namang isa kung saan malapit lang kami ay sa tabi ng building ng mga seniors. Less hassle na rin para sa amin lalo na kapag malapit na mag time, hindi na kami pandalas na tumakbo.
I remember when I was first year, halos magkanda-ligaw ligaw pa kami ni Alli kung saan ang room namin. Nangangapa pa talaga kami that time, wala pa kasi kaming masyadong kakilala kasi mga freshmen pa lang kami. Sa laki ba naman kasi ng school namin. Bukod bukod ang mga buildings.
Yung dalawang building sa tabi ng gate, for first year lang yun. May isang building dito na imbakan lang ng mga gamit sa school gaya nung mga upuan na ginagamit kapag may program. Doon din ako madalas tumambay, kaso, mula ng may makasagupa ako doon ay hindi pa ako nakakapunta at hindi ko na sinubukan na pumunta pa, baka kasi makita ko na naman yun doon. Bukod sa hindi ko naman sya kilala, baka mamaya ay malaman pa nya na inistalk ko sya dahil matagal ko pa yun bago bawiin kasi nakausap ko pa noon si Careen.
Bakit ba ako nag-iisip na baka nakita nya 'yun eh sa dami ba naman ng followers nya sa Facebook ay baka nga hindi nya ako nakita.
Tama, hindi naman nya 'yun makikita kasi... basta hindi nya 'yun nakita! Nag o-over think lang ako sa bagay na hindi naman totoo.
At pakielam ko ba kung nakita nya? Pwede ko naman itanggi 'yun pag nagkataon ah!
BINABASA MO ANG
Bittersweet Series 1: When The Sun Rises Above
Teen FictionOne thing that is certain about Aurora Grace Cardona is to study and pursue her career in the future. Not just for herself, but also for her dearest family. That's the only main goal on her mind not until she met the goofy but intelligent guy named...