Kabanata 2: Stalk
Indeed, kung ano pa yung mga bagay na ayaw mong maalala ay sya pa 'yung pumapasok sa utak mo, at yung mga importante ay nakakalimutan mo.
Napag-alaman ko na pamangkin pa la 'yun ng school dito. Sabi kasi sa akin ni Alli habang pabalik kami sa room, famous daw 'yun dito sa buong university. Halos lahat daw ng estudyante dito, kaibigan ng lalaking 'yun,dahil friendly daw. Eh kung famous nga 'yun? Wala naman akong pakielam. Basta hindi na ulit mag tagpo ang mga landas namin, goods kami.
Hindi lang hiya yung nararamdaman ko, inis din syempre! Tao po ako! Tao! Hindi multo.
Mula tuloy ng insidenteng 'yun, hindi na ako tinantanan ng mga kaklase ko. Yung magaling ko kasing kaibigan, tsinismiss! Ang galing din 'e! Kasasabi ko pa lang sa kanya na huwag nang ipagsabi, sinalungat din.
Yung tahimik na student life ko na tahimik, bigla na lang gumulo.
Nakauwi na ako, pero 'yun parin yung laman ng isip ko.
Erase! Erase! Erase!
Please lang!
Hindi na ako makapag focus doon sa binabasa ko dahil sa mga pumapasok sa utak ko! Imbis na itong formula sa statistics and probability ang pumasok sa utak ko, nalilimutan ko naman!
Niligpit ko na lang 'yung mga notebooks ko na nagkalat sa sala dahil baka dumating na sila Careen kasama yung manliligaw at soon to be boyfriend daw kuno nya.
Ang babata pa tapos ligaw agad. Hay, pero kilala ko naman 'yung kapatid ko. Alam kong hindi sya gagawa ng mali, at ikakagalit ni Mama.
Pero kahit na! Isang sampal naman sa akin yun kung mauuna yung bunso kong kapatid magka boyfriend. Pero wala naman sa akin ang huling desisyon kaya ang magagawa ko lang ay gabayan ang nakababatang kapatid.
Tama nga ako, pagkaligpit na pagkaligpit ko pa lang ng mga gamit ko ay sya namang dating ng kapatid ko.
"Ate, andyan si Mama?" Tanong ni Careen.
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Naku Careen! Sana all may manliligaw. Joke lang.
"Good afternoon po Ate Aurora," bati ni Chester.
Grabe, ang tangkad naman nitong batang ito. Grade 6 pa lang ’to, ah! Pero matataasan na ako ng onti!
Maliit lang kasi akong tao, namana ko yung height ko kay Mama.
Ang gwapo rin niya, kaya siguro nagustuhan din 'to ng kapatid ko. Tsk. Itong kapatid ko may tinatago ring kakirihan eh!
Nginitian ko naman sya, "Magandang hapon din, tuloy kayo, upo muna kayo dito. Nasa kusina lang si Mama nagluluto ng meryenda."
Sumunod naman sila pareho. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti.
"Ate!" Saway sa akin ni Careen.
"Bakit? Tinitignan ko lang naman kayo ah." Sabi ko sa kanya. "Ang cute nyo kaya." Ang cute nyo kapag sinilid ko kayo sa sako.
Ngumuso naman ang kapatid ko.
Maya maya pa ay pumasok na si Mama sa sala na may dalang meryenda, kaya tinulungan ko sya. Ako na rin ang kumuha ng juice sa kusina para maka upo na sya. Grabe. May VIP kasi sa bahay.
Pagkalapag ko ng pitsel sa lamesita ay nakita kong nakangiti rin si Mama sa dalawa.
"Kumusta ka na Chester? Tangkad mo na ah!" Basag ko sa katahimikan, kulang na lang kasi ay pati ang ingay sa kabilang barangay ay marinig namin sa sobrang tahimik.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Series 1: When The Sun Rises Above
Teen FictionOne thing that is certain about Aurora Grace Cardona is to study and pursue her career in the future. Not just for herself, but also for her dearest family. That's the only main goal on her mind not until she met the goofy but intelligent guy named...