Capitulo 2

402 20 0
                                    


Aria's Pov

"Magandang araw Aria."

"Magandang araw din Polo." Nakangiting bati ko kay Polo, ang kababata ko.

"Hindi mo ba pupuntahan sina tiyo para samahan sa pangingisda?"

"Hindi na muna, bukas siguro. Ibebenta ko lang itong mga kakanin para makauwi ako agad. Baka gusto mong bumili?"

"Sige bibili ako ng dalawa."

"Itatlo mo na, tatlo kayo sa bahay niyo eh."

"Sige na nga. Oo nga pala kumusta yung alaga niyo? Hindi pa rin ba gising?"

Umiling ako.

"Limang buwan na ang nakakalipas ah simula nung nakuha niyo siya. Wala ba kayong na dalhin siya sa hospital, sigurado ay may naghahanap na dyan."

"Ayaw ni tatay na dalhin sa hospital, ayos na kung dito muna siya, at kung may pamilya man siya ay sana nahanap na siya. Mukang walang naghahanap eh."

"Siguradong meron yan, nasa liblib kasi tayo eh kaya malabong mahahanap siya. Mas magandang ipost nalang siya sa social media, siguradong may makakakilala sa kanya.

"Oo nga eh, oh siya mag-usap nalang tayo sa susunod na araw, kailangan ko ng magbenta." Ani ko at nagpaalam na kay Polo.

Nag-ikot na ako sa bayan para magbenta, sa awa ng diyos ay naubos naman. Madami akong suki eh, hindi sa ipinagma-mayabang ah, kilala kasi ako dito sa amin.

"Magandang tanghali sayo, naku tanghali na naman hindi ka na naman kumain. Limang buwan ka ng hindi kumakain, limang buwan ka ng nakahiga dyan oh. Pumapayat ka na." Wika ko sa lalaking nakahiga ngayon dito sa kwarto ko. Ito yung lalaking nakita kong lumulutang na may tatlong tama ng baril.

Inayos ko ang kumot niya. Sino kaya ang lalaking ito? Bakit siya may tama ng baril? May gusto kayang pumatay sa kanya? O baka naman kriminal siya? Ay naku po!

"Aria! Wag kang mag-isip ng kung ano." Ani ko sa sarili ko.

Ayaw ni tatay na dalhin siya sa hospital baka daw masundan siya ng gustong pumatay sa kanya, mas magandang dito nalang daw muna sa amin para masiguradong ligtas siya, kaya mabuti nalang ay may pinsan siyang doctor na gumamot dito sa lalaki at naglalagay ng dextrose.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Hindi ako nagsasawang titigan iyon, ang matangos niyang ilong, ang mahaba niyang pilik mata, mukang may lahi siya, ang gwapo niya.

"Aria?"

Dahil sa gulat ay napatayo ako ng maayos.

"N-nay nandito na pala kayo."

"Kumain na tayo, may binili ako sa karinderya. Tama na yang katititig mo sa kanya, baka matunaw pa."

"Hindi ko naman po siya tinititigan ah."

"Asus! Akala mo hindi ko napansin? Ilang beses kaya kitang nahuhuling nakatitig sa kanya. Halika na at kumain na tayo." Sabi nito.

"Sige po. Iiwan na muna kita ha, kakain lang kami. Sana mamaya ay gising ka na." Ani ko at sumunod na kay nanay.

"Nasaan kaya ang pamilya ng binata na iyan? Taga saan kaya siya? Hinahanap kaya siya?" Tanong ni nanay habang kumakain.

"Iyon na nga po nay eh, kawawa naman ang lalaking iyan. Baka ang isipin ng pamilya niya ay patay na siya."

"Wag naman sana, magtiwala lang sila na buhay pa ang binata na iyan."

"May suggestion nga po si Polo eh, ipost daw sa social media pero paano ko gagawin iyon? Keypad lang naman ang cellphone natin, sa kabilang bayan pa ang mga computer na pwedeng gamitin, hindi pa naman ako masyadong magaling doon." Sabi ko.

His Name is CYRUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon