Cyrus Pov"Kanina ka pa nandito pero hindi ka nagsasalita, mukang may malalim kang iniisip, may problema ba?" Tanong sa akin ni Aria.
Tiningnan ko ang oras, alas otso na pala ng gabi, kaninang 6 pm pa ako nandito. "Hindi ba pupunta si Harold dito?" Tanong ko kay Aria na nag-aayos ng pagkain sa mesa.
"Hindi siguro, hindi ko alam."
"Himala at wala yung dalawa."
"Pinaalis na ni Harold, may tiwala na ata sa akin kaya malaya na ako." Aniya.
"Hindi ka pa rin malaya hangga't suot mo ang kwintas na iyan." Sabi ko at naupo na harap ng mesa.
Hinawakan niya ang kwintas at napasimangot. "Oo nga ano." Mahinang sinabi niya.
Tahimik lang naman kaming kumain, mamaya ko na siya kakausapin tungkol sa tatay niya.
"Hindi ka pupunta dito na walang dahilan." Sabi nito pagkatapos nitong maghugas ng pinagkainan. Naupo ito sa tabi ko. "Anong problema?" She asked, nakangiti siya.
Tiningnan ko siya.
"About your father."
Sa sinabi ko ay biglang naglaho ang mga ngiti niya pero saglit lang naman dahil muli siyang ngumiti. "Anong tungkol kay tatay?"
Huminga ako ng malalim. Umupo ako ng maayos at nagbuga ng hangin. "The is case open again, my grandfather wants your father to go back in jail."
Hindi siya nakapagsalita, tahimik na nakatingin siya sa akin at namula na ang mga mata niya. She's going to cry, f***!
"A-Aria." Bulalas ko ng tumulo na ang mga luha niya. "Look I'm sorry pero wala na akong magagawa, it's Don Ignacio's decision."
"Pero iyon din ang kagustuhan mo hindi ba?" Umiiyak na sinabi nito, ako naman ang hindi nakapagsalita.
Yeah she's right, gusto kong pagbayaran ng tatay niya ang nagawa niyang kasalan.
"Walang kasalanan ang tatay ko Cyrus, wala." Pumiyok ang boses niya dahil sa pag-iyak niya. "Ilang beses ko ba sasabihin iyon? Parang-awa niyo na oh, wag niyo namang ipakulong si tatay. Hahanap ako ng ebidensya, papatunayan ko sa inyo na inosente siya." Hinawakan nito ang kamay ko. "Parang-awa mo na pakiusapan mo naman ang lolo mo."
May kirot akong naramdaman dahil habang tinitingnan siyang umiiyak. "I'm sorry Aria, pero wala na akong magagawa."
Napahagulhol na siya, lumapit ako ng husto para yakapin siya, ito lang ang maibibigay ko sa kanya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Mahinang itinulak niya ako. "Bigyan niyo ako ng isang linggo, kahit isang linggo para mapatunayan na malinis ang pagkatao ng tatay ko." Sabi nito.
"Aria—."
"Babalik ako sa kompanya ng mga Ching, sigurado ako na doon ako makakahanap ng pwede—."
"Arianna." Matigas na pagkakasambit ko.
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?" Tanong niya. "Kung sabagay sino ba naman ako para paniwalaan mo?"
"Aria—."
"Makakaalis ka na Cyrus." Sabi nito.
"Arianna."
Pinunasan nito ang mga luha niya, at seryosong tumingin"Kailan ba makukulong si tatay? Kailan niyo siya pupuntahan? Sasama ako, baka kung anong mangyari kay nanay."
Mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Kahit pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko ay hindi ko siya binitawan kaya naman muli siya napaiyak.
Napalunok ako at muli siyang niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm so sorry Aria." Bulong ko at hinaplos ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
His Name is CYRUS
RomanceRich, tall and handsome, iyan si Cyrus, perpekto sa paningin ng mga tao, habulin ng mga babae, dating casanova na ngayon ay nagbago na dahil sa babaeng pinakamamahal niya walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Brie, alam nito ang tungkol sa b...