Aria's Pov"Alam mo mabuti nalang dinala ka ni Cyrus dito, huling dinala niyang babae ay si Brie, eh ayoko sa babaeng iyon." Ani ng mommy ni Cyrus. Isinama ako ni Cyrus para bisitahin ang mommy niya dahil nga hindi niya ito nabisita ng ilang araw.
"Nagbago na si Brie mommy." Sabi ni Cyrus.
"Kahit na." Mataray na sinabi nito sa anak pero ng tumingin siya sa akin ay nginitian niya ako. "Kumain ka lang ng kumain iha, tikman mo lahat ng luto ko, masasarap iyan." Sabi nito.
"Sige po." Nahihiyang sinabi ko.
"Ikaw ba ay nililigawan pa lang ng anak kong ito?"
"Opo tita."
Umusog ito papalapit sa akin at may ibinulong. "Wag mo munang sasagutin, paabutin mo ng isang taon sa panliligaw."
"Ano na naman po ang sinasabi niyo dyan?" Tanong ni Cy.
"Wala ang sabi ko sagutin ka na niya." Ani tita at kinindatan pa ako. "Pagkatapos niyo bang kumain ay aalis na kayo?"
"May mga kailangan pa akong ga—."
"Lagi nalang, walang araw na nagtagal ka man lang dito. Baka naman matulog ka dito, yung kwarto mo mabubulok na iyon." May bahid ng pagtatampo ang boses ng kanyang mommy.
"Dito po ako uuwi mamaya." Sabi ni Cyrus.
"Sigurado ka ba dyan?"
"Oo para hindi na po kayo magtampo."
"Oh siya para maipaayos ko na ang kwarto mo, kalilinis lang naman kahapon pero ipapalinis ko ulit mamaya." Tumingin sa akin si tita. "Gusto mong maiwan muna dito para may kasama ako."
"May pasok siya mamaya mom."
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Pairap na sinabi niya sa anak.
"Gusto ko po sana pero may klase po ako mamaya, sa susunod nalang po. Bibisitahin ko kayo dito."
"Pangako?"
Tumango ako. "Pangako po."
Pagkatapos ng masiyahang kwentuhan at kainan at nagpaalam na kami. Inihatid naman ako ni Cyrus sa school.
"Call me if your class is done. Susunduin kita, don't say no! Baka kasi puntahan ka ni Harold." Ani Cyrus.
"Okay sige."
"Wala bang kiss?"
Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "Tsaka na, kapag tayo na." Sabi ko at agad na bumaba. "Bye Cyrus, mag-iingat ka."
"I love you." Bulong niya at pinaharurot na ang sasakyan.
Hinintay kong makalayo siya bago pumasok, pero bigla nalang akong kinabahan. Luminga ako, parang may nakamasid kasi sa akin, bigla akong kinalibutan kaya nagmadali na akong pumasok.
Dalawang oras lang naman ang klase ko ngayong araw kaya medyo maaga ang pag-uwi ko, nagpunta ako ng parking lot para puntahan si Cyrus pero hindi si Cyrus ang nandoon.
"Maxene?"
Sumilay ang magandang ngiti ng dalaga, iba talaga ang ganda ng La Torre. "Hi ate! Nagpaalam ako kay kuya na puntahan kita at sinabing may pupuntahan tayo kaya pumayag siya."
"Saan tayo pupunta?"
"Mall? Naku iyon lang ang alam kong puntahan eh, kung pwede lang mag outing tayo ginawa na natin, pero not now kasi nga hindi pa nahuhuli si Kuya Harold."
"Tayong dalawa lang?"
"With me of course." Mula sa bintana ng saskayan ay sumilip si Savory. "I will be your driver, don't worry Ate Aria I have license." Pakindat na sinabi nito.
BINABASA MO ANG
His Name is CYRUS
RomantizmRich, tall and handsome, iyan si Cyrus, perpekto sa paningin ng mga tao, habulin ng mga babae, dating casanova na ngayon ay nagbago na dahil sa babaeng pinakamamahal niya walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Brie, alam nito ang tungkol sa b...