Nag-angat ng tingin si Aria dahil may nag-abot sa kanya ng isang paper bag."This is a gift for you, thank you Ms. Aria, we will never forget you."
"Thank you for being with us, for all the lessons that we've learned. Thank you so much."
Napatingin siya sa mga regalong inilagay sa mesa niya. Hindi niya akalain na bibigyan siya ng mga estudyante niya ng regalo, hindi niya inaasahan na magpapasalamat ang mga ito sa kanya.
Hindi na niya maiwasang mapaiyak. Halo-halo ang pakiramdam niya ngayon. Malungkot siya dahil iiwan na niya ang mga estudyante niya, kahit isang taon lang siya sa pagtuturo ay naging malapit na sa kanya ang lahat ng estudyante niya. Masaya naman dahil uuwi na siya ng Pilipinas dahil may gustong kumuha sa kanya na University kaya mas pinili na niyang doon nalang para mas malapit sa pamilya niya at miss na niya ang Pilipinas.
Apat na taon siyang nanatili sa Switzerland, sa apat na taon na iyon ay hindi siya nakauwi, mas pinili niyang tapusin muna lahat bago makauwi.
"Lahat ng gamit mo ay maayos na, magpahinga ka nalang muna, gigisingin nalang kita kapag aalis na." Ani ni Loraine kay Aria.
"Hindi ako makakatulog ate, magkwentuhan nalang tayo kasi matatagalan bago tayo magkita ulit."
"Alam mo mami-miss kita. Wala na akong kasamang lumabas, wala na akong kasama dito. Wala na akong kasamang kumakain." Aniya. Naging malapit sila, puro kalokohan nga lang ginagawa niya kaya minsan ay napapasama ako.
"I will miss you too ate, umuwi ka na kasi sa Pilipinas."
"Uuwi ako soon, kailangan ko na atang magpakita sa kanila, baka nagagalit na si lolo Ignacio, ilang taon na ako dito eh, never pa akong umuuwi." Sabi niya.
"Isama mo na ang fiance mo."
"Oh no! Pag-iisipan ko. Alam mo naman hindi pa nila alam, baka itakwil ako bigla." Natatawang sinabi nito.
Kwentuhan lang naman sila ng kwentuhan hanggang sa sumapit ang oras na kailangan ng bumiyahe ni Aria bumiyahe.
"See you again Switzerland." Bulong niya bago lumipad ang eroplano.
Hindi siya nakatulog dahil sa excited siyang makauwi. Nang marinig niya ang anunsyo na nasa Pilipinas na sila ay gusto niyang sumigaw dahil sa kasiyahan.
"Philippines I miss you." Nakangiting sinabi niya. Lumabas na siya at hinanap ang sundo niya pero napasimangot siya dahil wala siyang makita. "Imposibleng hindi niya alam na ngayon ang uwi ko." Naiinis na sinabi niya.
Bumaba ang tingin niya, napangiti siya dahil may yumakap sa kanya mula sa likuran.
"How are you sweetheart?"
Hinarap niya ito ng nakasimangot. "Hindi ka man lang nagrereply sa mga message ko, hindi mo sinasagot mga tawag ko, tapos ngayon late ka sa pagsundo sa akin." Nag crossed arms si Aria at tinaasan siya ng kilay. "Siguro may iba kang babae ano? Nasaan siya? Kasama mo ba? Saan?"
Nagkasalubong ang kilay nito at maya-maya lang ay humalakhak ito kaya hinampas niya ang balikat nito.
"Wag mo akong tawanan!"
"Sweetheart ang pagkakaalam ay sa susunod na linggo ka pa magkakaroon, napaaga ba?"
"Cyrus!" Maawtoridad na sambit niya.
"Okay fine, chill. Wala akong babae okay, overthinking ka." Anito at inakbayan siya. "Alam mo namang ikaw lang hindi ba?"
"Dapat lang, pero ano nga? Sagutin mo mga tanong ko.
"Sinadya kong wag kang replyan at sagutin ang tawag mo, at isa pa kanina ako dito, nag-ikot ikot lang ako ano. At kanina pa kita nakita, hindi lang kita nilapitan agad dahil pinagmamasdan ko ang napaka-gandang dilag na mahal na mahal ko."
BINABASA MO ANG
His Name is CYRUS
RomanceRich, tall and handsome, iyan si Cyrus, perpekto sa paningin ng mga tao, habulin ng mga babae, dating casanova na ngayon ay nagbago na dahil sa babaeng pinakamamahal niya walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Brie, alam nito ang tungkol sa b...