Free
Sinalubong ko ang malamig na hanging tumama sa aking mukha pagkalabas ko ng aklatan kung saan ako madalas namamalagi.
It's 6:00 am in the morning and for the nth time, I went out secretly to go to the library nearby.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa. I immediately get it to look if there's any messages.
There is an unread one and it is from Klaudine. Mukhang kakapasok lang din ng message.
Klaudine:
I knew it! You sneaked out from you bodyguards again!
Namilog ang mga ko sa text na galing sa kanya.
I started composing my message. Kahit malamig ay medyo pinagpapawisan ang aking palad, medyo kinakabahan.
Does she know it?
Walang nakakaalam na tumatakas ako ng bahay kada alas singko ng umaga at babalik pagtungtong ng alas sais. Gusto kong lumabas, gusto kong makita ang siyudad ngunit masyadong mahigpit ang akin mga magulang kaya hindi ako pinapayagan.
I was isolated since when I was a kid. Locked inside the walls of our house, trapped in the four corners of my room.
Well, minsan. Since I am a grown up now, ako na ang nagdedesisyon sa mga gusto ko. Ngunit minsan, limitado.
Ako:
How did you know?
Ito ang una kong binalak na i-send sa kanya ngunit pumikit ako ng mariin at binura ito.
Nagtitipa pa lang ako ng bagong message nang may na-receive ako muli mula sa kanya.
Klaudine:
Don't you dare lie on me, Aria!
Napakamot ako sa aking noo at nagpakawala ng isang buntong-hininga. As if I have a choice?
Ako:
Hmm.
Ayon lang ang tanging sinagot ko. Nawala ang kaba, intensyon ko na lamang ay inisin siya. Wala pang reply ngunit in-expect ko na kung ano ang isasagot niya.
Klaudine:
Hmm??? Anong 'hmm', Aya?! Gosh! When will I receive a proper answer from you?
Hindi ko na napigilan. Bahagya akong humalakhak sa sagot niya.
My phone vibrated again. Binasa ko muli ang kanyang mensahe.
Klaudine:
Huwag kang tumawa riyan, Aya. I swear, I'm gonna pull your hair when we meet.
I quickly scanned the place because of her message. Nandito siya?
Nag-text siya muli.
Klaudine:
Hanapin mo ako.
Iyon ang mensahe niya, tila nang-aasar. Napairap naman ako.
Tumingin muli ako sa paligid. Imposible namang naglakad lang 'yon para masundan lang ako rito.
At tama nga ako. Sa may front-right side ng library, kapansin-pansin ang kanyang pamilyar na BMW. Naka-park ito sa ilalim ng isang may kalakihang puno at medyo nasisinagan na ng liwanag.
Alam kong kahit ganito kalayo ang distansya namin ay nakikita niya ako. Tinago ko sa bulsa ang cellphone ko at muling tumingin sa kung nasaan siya. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tinaasan siya ng kilay. I'm pretty sure you can see me, Klaudine.
YOU ARE READING
Hiraya
Teen FictionHiraya, taken from an ancient Filipino word meaning the "fruit of one's hopes, dreams, and aspirations", originates from the popular phrase "Hiraya Manawari," which generally means "may the wishes of your heart be granted" Two hearts with different...