Ring
Nakuha ko nang magsawa sa katititig sa mga gusaling nadaraanan namin ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kami sa dapat naming puntahan.
"Wala ka namang balak na itanan ako, right?" pabirong tanong ko sa kanya.
Sinulyapan niya naman ako at tiningnan. Ang reaksyon ng mukha niya ay tila nagsasabing 'yon na ang pinaka nakakadiring bagay na sinabi ko.
Muli akong napairap. Wala ba sa bokabularyo nitong kaibigan ko ang salitang biro?
"Even though I don't like the way your parents treats you... ayaw ko namang masira ang tiwalang binigay nila sa'kin." sabi niya. "Tsaka isa pa, Aya, oo maganda ka, pero ew! Hindi kita type!" napabuntong-hininga na lang ako sa eksaherada niyang reaksyon.
Ganyan na siya noon pa man. Sa tingin ko nga'y hindi yata siya mabubuhay kung hindi siya magiging oa kahit isang araw man lang. Sa kahit anong sitwasyon, hindi mawawala ang ugali niyang ganyan.
I first met her because of a school competition. The school department asked me to join the writing competition and be the one to represent our school. While she volunteered to be their representative.
Sa kanilang paaralan ginanap ang kompetisyon, at dahil hindi ko naman alam kung saan ang auditorium nila nang mga oras na 'yon ay nagkanda-ligaw ligaw pa ako.
Nakasalubong ko siya no'n sa paglalakad. Palinga-linga ako sa paligid habang siya naman ay nagmamadali kaya kami nagkabungguan, dahilan ng pagkahulog at pagkasira ng aking mga gamit. At imbis na tulungan niya akong itayo at pulutin ang mga nahulog kong gamit, inuna niya pang mag-react muna ng pagkatagal-tagal.
Nasira lahat ng mga gamit ko nang oras na iyon, lalo na ang mga gamit panulat na pinakamahalaga para sa kompetisyon. Habang abala ako sa pagpulot, siya naman ay nakatitig lang sa akin. Tinignan ko pa ang uniporme niya at nakitang estudyante siya ng paaralan na pinagdausan ng kompetisyon. Naisip ko pa noon na sinabotahe niya ako upang hindi ako makasali.
Pagkatapos ng ilang minuto niyang pagtitig ay may kinuha siya sa kanyang bag at pagkatapos ay iniabot ito sa akin.
Binibigay niya sa akin ang kanyang pencil holder na naglalaman lahat ng kanyang gamit panulat. Hindi ko sana tatanggapin iyon ngunit nagpumilit siya kaya wala na akong nagawa. Mukhang masaya pa siyang ibigay lahat ng mamahalin niyang ballpen sa akin.
Nagsimula na ang kompetisyon. Lahat ng mga school representatives ay nagsimula na sa pagsulat, maging ako. Nang mapalingon ako sa gawi niya ay prente lamang siyang naka-upo at tila hinihintay na lamang matapos ang oras habang palingon-lingon sa gawi ko.
Doon ko nalaman na hindi naman pala talaga niya gustong sumali sa kompetisyon na 'yon. Gusto niya lang ipatalo ang paaralan nila dahil sa lihim nitong pandaraya kada may laban ang lahat ng paaralan. Sinasamantala raw nila ang pagkakataon sa tuwing sa kanila ginaganap lahat ng kompetisyon. Bukod din daw sa hindi niya ito gusto, mas lalong wala siyang talento sa pagsusulat.
Itinanghal na panalo ang aming paaralan habang siya ay pinatawag ng school head dahil sa paglalagay sa kahihiyan ng pangalan ng school nila. Nang sumunod na araw, nakita ko na lang siya sa aming paaralan. Sinadya niya raw akong sundan sa kadahilanang gusto niya raw akong maging kaibigan.
Ilang beses ko siyang tinanggihan dahil akala ko ay pinagti-tripan niya lang ako. Sino ba naman ang taong nasa maayos na pag-iisip ang gagawa ng ginawa niya?
Ngunit talagang matiyaga siya at hindi talaga ako tinigilan. Naisip kong lumipat din ng paaralan pero sinabi niya na susundan niya pa rin ako saan man ako pumunta. Kaunti na lang nga ay isipin kong baka may gusto siya sa akin. Agad din namang nawala nang mapansin kong papalit-palit siya ng boyfriend kada linggo.
YOU ARE READING
Hiraya
Teen FictionHiraya, taken from an ancient Filipino word meaning the "fruit of one's hopes, dreams, and aspirations", originates from the popular phrase "Hiraya Manawari," which generally means "may the wishes of your heart be granted" Two hearts with different...