Hiraya Vienne Alcaraz (Simula)

53 4 0
                                    

Epilogue

"Hiraya!" tawag ng aking kaibigan na si Sky sa akin.

"Hey! Hiraya? Saan ka pupunta?" maarteng pagtawag niya. Bakas sa tinig niya ang bahagyang pandidiri at pagka-irita dahil sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin.

Malayo sa siyudad, damuhan at nagtatayugang mga puno ang nasa magkabilang gilid, maputik at mabato ang daan, dahilan ng pagrereklamo ni Sky dahil hindi naman siya sanay sa ganitong klase ng lugar.

Kung lilingon sa kanan, makikita sa ibabang bahagi nito ang mapinong buhangin at mala kristal na tubig-alat.

Kahit sa ganitong kalayong distansya, dahil tahimik ang lugar, ang tanging maririnig mo lang ay ang alon sa dagat, pag-indayog ng mga punong dahon kasabay sa payapang pag-ihip ng pang-hapong hangin.

"Hiraya! Ugh! You need to pay for my ruined shoes!" hindi lang pala ang tunog ng kalikasan ang maririnig, pati rin ang nakakabinging boses ng aking kaibigan.

"Will you please lower your voice, Sky? Maiistorbo mo ang mga natutulog na hayop dito." mahinahon kong sabi.

"What are we doing ba here?"

"Anong we?" tanong ko sakanya habang palinga-linga sa paligid. "I told you to stay there and not to come with me."

Hindi nakalagpas sa aking pandinig ang eksaherada niyang pagsinghap.

"I just want to make sure that you are safe!"

"No one will harm me here, Sky."

"How can you be so sure?"

"Because no one lives here."

Hindi nga nanakit ang aking binti sa sa paglalakad, ang tainga ko naman ang sumakit sa paulit-ulit niyang pagtatanong.

Huminto ako sandali at nilingon siya, huminto rin siya matapos makita ang paghinto ko.

Nakasuot ito ng cream-white tube fitted dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Ang cardigan na kapares nito ay nakasabit sa kanyang kaliwang braso habang ang kanyang bag ay nasa kanan.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang binti papunta sa paanan. Kanina pa siya nag-iinarte dahil puno na ng putik ang kanyang puti at mamahaling sapatos.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at gano'n din ang ginawa niya saakin. Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"So... where are we going, Raya? May kikitain ka ba rito? Anong bang pupuntahan mo rito?" muling tanong niya matapos ang ilang segundong pananahimik.

"Home." simpleng sagot ko sa tanong niya. Natahimik na siya, siguro ay nakuha na nito ano ang gusto kong sabihin.

Sabi sa akin ng aking tiyahin, dito sa may tabing dagat sa pinakadulo ng gubat nanirahan ang aking mga magulang.

Actually, it was just my mother and the little me who lived there. I'm not sure, the only memories I had on that house is my memories with my late mom.

Ilang hakbang na lang ay nakikita ko na ang aming napakalaking gate. Unti-unting bumagal ang aking paglakad hanggang sa tila napako na ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

HirayaWhere stories live. Discover now