White lies
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ni isa ay wala pa ring nagsalita sa amin. Nanatili ang tingin ko sa singsing. Dahil sa kahihiyan, hindi ko alam kung ibabalik ko ba 'yon sa kanya o hindi.
Sa peripheral vision ko ay pansin kong nasa akin pa rin ang paningin niya.
Ano bang problema nito at wagas kung makatitig?
"Mind answering my question, Aria?" ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang banggitin niya ang aking pangalan.
Imbis na sagutin siya ay tinignan ko si Klaudine na animo'y constipated dahil pinipigilan ang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin ng sumulyap siya sa akin.
"A-ah... ano..." nangapa ako kung ano ba ang sasabihin. "Ibabalik ko na lang."
Inangat ko muli ang paningin ko sa gawi ni Klaudine para humingi ng tulong sa kanya sa pamamagitan ng pangungusap gamit ang mata.
Ngunit napapikit ako ng mariin dahil biglang sumigaw ang lalaki sa counter para sabihing handa na ang order namin.
"Miss Klaudine, your order is ready!" anang lalaki kanina.
"Kukunin ko lang ang order namin ni Aya, Kuya." tumango lang sa kanya ito at naglakad na papunta sa counter. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang ngisi niya. Kinindatan niya pa ako bago tumalikod.
Sinabi ko na nga ba't tama ang hinala ko na hindi sa kanya galing itong singsing. Pero hindi ko naman inaasahan na si Klaiden ang nagmamay-ari nito.
Siguro talaga'y sinadya niya itong ibigay at ipasuot sa akin. Marahil natandaan niya ang nabanggit ko dati sa kanya na natitipuhan ko ang Kuya niya... pero dati pa 'yon. Siguro ay balak niya rin akong asarin.
At kaya rin pala pangisi-ngisi siya kanina. Hindi na rin ako magtataka kung sinadya niyang dalhin ako rito para makita ng Kuya niyang suot ko ang singsing na binili nito. Pero baka coincidence lang siguro 'to.
Sinulyapan ko siya sa counter. Bagay na bagay pala, huh?
Akma kong tatanggalin ang singsing nang magsalita si Klaiden. Nakakahiya talagang doon ko pa sa harapan niya tinanggal ang singsing. Mas nakakahiya dahil sa ring finger ko pa 'yon naka-suot. Baka ma-misinterpret niya, assuming pa naman mga lalaki.
"Don't."
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Anong don't?"
"Iyo na lang daw 'yan," biglang sumulpot si Klaudine at siya ang sumagot doon.
Asar naman siyang sinulyapan ni Klaiden. "Will you please be quite even just for a minute?"
"What? Wala naman na ang pagbibigyan mo niyan, Kuya," natatawang sabi ng kaibigan ko. Sinamaan naman siya ng tingin ni Klaiden.
Isa-isa niyang nilapag sa aming table lahat ng in-order niya.
Green tea Frappuccino ang sa kanya at Classic Latte naman ang sa akin. In-order-an niya rin pala ang kanyang kuya ng Double Espresso. Um-order din siya ng Dark Chocolate Biscotti, Cinnamon buns, Muffins, Bagels, at Croissants. Mayroon pang four slices ng Red Velvet Cake.
"Bakit ang dami mo namang in-order?"
"Madami ba?" sinagot na naman niya ako ng tanong. "Hindi ko naman alam kung anong gusto mo sa mga tinapay na binibenta nila." pangangatuwiran niya. "Kaya ayan, binili ko na lang lahat ng mukhang masarap."
"Psh! You're nonsense! Sinong uubos ng lahat ng ito, Klaud?" tanong ko dahil masyadong marami ang tinapay na binili niya. "You're not expecting na ako ang uubos nito, right? Ang bibigat kaya nito sa tiyan."
YOU ARE READING
Hiraya
Teen FictionHiraya, taken from an ancient Filipino word meaning the "fruit of one's hopes, dreams, and aspirations", originates from the popular phrase "Hiraya Manawari," which generally means "may the wishes of your heart be granted" Two hearts with different...