Chapter 1
Ruined"Na ano yang mukha mo?"
Napatingala ako sa boses ni Nory at napailing.
Maaga ako pumasok. Siya naman, ngayon lang nakarating. Parati namang late. Walang pinagbago.
"Bakit ngayon ka lang?" Pag-iiba ko nalang agad ng topic.
Marami nalang parating napapansin.
"Na ano ka?" She's still curious. Binalewala niya ang tanong ko.
Tuloy-tuloy siyang umupo sa tabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ang sama ng titig niya sa akin.
I sighed.
"I'm fine," sabi ko habang minamasahe ang pisngi ko.
Sadly, nagkapasa pa ang pisngi ko. Napalakas talaga yung sampal sa akin kagabi... Naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa iyon. Dahil sa ugali ko. May kasalanan naman ako sa part na yun, hindi ko itatanggi. But him? He will never say sorry for what he did. Ako nalang parati ang mali.
"Nag-bike ako kanina, ayun, naaksidente." Rason ko. Bahala na kung maniniwala siya o hindi. "It's my fault, don't worry."
"Grabe naman 'yan," her tone was sarcastic. I'm right, parati nalang siyang nagdadalawang isip kapag alam niyang mali sa pandinig niya ang sinabi ko. "dalhin nalang kaya kita sa clinic!"
"Nory, huwag na." I smiled as an assurance.
Buti naman ay hindi na siya nagsalita pa. Silent treatment lamang ang isinasagot ko kay Nory sa tuwing kinukulit niya ako.
Wala ako sa mood kagabi pa.
Nagkagulo pa dito sa classroom. Puros tili at kung ano-ano pang mga kaartehan. Napapailing nalang ako at bumubuntong hiningi. Music is my only therapy right at this moment, aside from Noreen my bestfriend. Nagpaalam si Nory sa akin na pupuntang clinic kasi kukuhaan niya ako ng ice pack. Tumango na lamang ako.
I really miss my Dad.
Heck, namimiss ko na naman ang daddy ko.
This kind of feeling that I can't barely explain... Parati ko nalang nararamdaman ito.
Pangungulila kay Daddy. Everytime this kind of feeling attacks, I'll feel empty.
Parati ko nalang nararamdaman ito sa tuwing mag-isa ako o hindi kaya inaaway ako ng bagong asawa ni Mommy.
Because that guy, he never really treated me as his own daughter.
But what can I do? My mom really loved that guy... And I can't do anything about it.
Tumayo ako at lumabas. Maingay padin ang mga classmates ko. Lalabas ako para makapag-isip ng maayos.
kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa aking bulsa nang bigla itong tumunog... Dahil dito, wala sa sarili akong napangiti. Ngiti na genuine. I can't just keep this to myself.
I got a message from someone that is somehow... Special to me. I mean, tao na napapangiti sa akin magdadalawang buwan na.
"Magsisimula na ang pageant next month. What if si Skye nalang ang representative ng block natin?" Biglang sumungit ang kaklase ko.
Napakunot ako ng noo.
Tatanggi pa sana ako pero nagsalita na naman si Noreen.
"Oo nga, si Skye nalang! Bagay na bagay!" Gatong niya.
Napatampal ako ng noo.
Hanggang sa nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko.
"Why me?" Kuryosidad ko.
BINABASA MO ANG
Skies Kissing the Waves
RomanceIn a world where the sky meets the sea, an unexpected love story unfolds between two souls bound to meet. Skyleigh Melendez, a fearless lady pilot with a passion for flying, has always felt most at home among the clouds. Captain Rhadley, a seafarer...