Chapter 5
FUBU"He's a captain of a ship. He's already the answer in our problem! Makakaahon na tayo sa kahirapan, Skye!" Oa na pagkakasabi ni Noreen. Napatakip naman kaagad ako ng tenga nang dahil sa boses niyang 'yan.
"As if he likes me," natawa nalang ako. Sinimulan ko na ring ayusin ang mga gamit ko sa loob ng aking bag.
He likes Rhad for me... Kasi marami daw ang pera at mukhang mabait. Mukha lang.
Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso. "Yung mga paghatid at sundo niya sa'yo, hindi pa ba?"
"He's just being friendly." Kasi hindi ko binibigyan ng malisya ang mga ginagawa niyang 'yon.
"May point ka naman siguro," umupo siya sa harapan ko. "Kung ayaw mo sa kaniya, ako nalang kaya ang lalandi sa kaniya?"
"Gawin mo ang gusto mo." Tipid kong sagot. "Mahilig 'yon sa babae at alam kong papatulan ka nun agad."
Ang dami-dami na namang sinasabi ni Noreen. Sa sobrang kaingayan niya, napagamit tuloy ako ng airpods sa tenga ko. Guguluhin lang naman niya ako patungkol kay Rhadley at hindi ako interesado na pag-uusapan namin ang lalaking 'yon.
Dumiretso ako sa ng library. I wanted to advance study since my upcoming exams kami. Thank, God, humiwalay na kami ng direksyon ni Noreen. Tutal bawal din ang mag-ingay sa library. Nandito ako kasi kailangan ko talagang magreview ng mabuti. Hindi pa ako nababagsak sa mga exams ko kaya kailangan kong makakuha ng passing score.
Nanunuod na din ako ng mga videos sa YouTube about airplane's engines. Mabuti din ang mag-advance study kaysa naman mag-cramming.
I kept on stalking Rhadley's socials too. And I can't keep myself from doing that.
Almost everyday, he kept on associating with different girls. Alam ko kasi pinopost niya sa story. Hindi lang basta-basta girls, sila 'yong tipong mga supermodels at mga artista.
I don't know why I kept on feeling insecure. Kahit wala naman dapat.
Oo, finafollow niya din ako sa Instagram pero hindi lang ako. 582 ang followings niya. Halos ang finafollow niya ay ang mga babae na magaganda at mga nakabikini.
Maybe Aira should thank me because I saved her from Rhad. A womanizer is not a husband material.
Just like what I am expecting, sinundo na naman ako ni Rhadley. Sumalubong na naman sa'kin ang mga ngiti niyang 'yan, parang bangus lang kung makangiti.
"'Eto ka na naman. Your girls will think that I'm your girlfriend. Mawalan ka pa dyan ng babae, eh, at aawayin na naman ako ng babae mo." Sambit ko habang inaayos ang seatbelt sa'king katawan.
"Let them think as long as they wanted. Basta gusto ko maging close tayo. Katulad ng dati, diba?" Pagbri-bring up na naman niya ng past.
"Why not have a girlfriend? Kahit sinong babae na gugustuhin mo, mapapasayo naman kaagad." I suggested. Sinong hindi aayaw sa kaniya? Konting bola nga lang ni Rhadley, may mga babae nang nag-gigive in agad, eh.
"Bakit ka ba nagpapaliwanag sa'kin nang ganito?" I asked him and laughed.
"But seriously, I don't need a girlfriend. But at the same time I need it." Napakamot siya ng ulo. Parang naguguluhan din siya sa sinabi niya. "I can't explain it."
Napa-krus ako ng mga braso. Gusto ko nalang matawa sa mga pinagsasabi niya.
"Fubu. Iyon lang. Because having a girlfriend is just a-"
"Waste of time," ako ang sumagot. I can see a sign of relief in his face when I got what he wanted to say. Naiintindihan ko naman siya. "Maybe you're right. Kahit nga ako, ayaw mag-commit. Waste of time and at the same time, committing never crosses my mind." For me. Bakit pa ako magcocommit? Eh parang wala namang seryosong lalake ngayon. Parang si Rhadley ngayon.
BINABASA MO ANG
Skies Kissing the Waves
Roman d'amourIn a world where the sky meets the sea, an unexpected love story unfolds between two souls bound to meet. Skyleigh Melendez, a fearless lady pilot with a passion for flying, has always felt most at home among the clouds. Captain Rhadley, a seafarer...