Disclaimer: Purely fictional! The story doesn't have nothing to do with the school or real people. Changes are only for fictional purposes!
Chapter 2
Childhood friend"Bakit aviation ang kinuha mong course? Why not tourism? Ayaw mo ba maging flight attendant? Mas bagay sa'yo yan," Noreen asked, scratching her forehead.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ang sexy mo, at ang ganda mo, bagay kang maging flight attendant," ngiting-ngiti pa niyang dagdag.
I just smirked. Ilang beses na niya talaga akong kinukumbinsi na maging flight attendant.
"This is for my dad, it's his dream, so this is my dream too," I said as I fixed my uniform. "And besides, ayaw kong maging katulong lang sa eroplano, gusto kong maging kapi-"
Napatigil ako dahil sa kasunod niyang ginawa.
Natawa siya, hindi lang iyon, tawang-tawa talaga. I just gave her a blank stare while waiting for her to finish laughing.
"Stop it, Noreen," suway ko.
"Oh, eto na, seryoso na, bakit kasi sinabi mo 'yon." Malakas niya akong hinampas sa balikat, tawang-tawa pa rin. "Alam mo, hindi lang mga simpleng waitress 'yong mga flight attendant, malaki din yung mga purpose nila sa eroplano, 'no," aniya, pinapangaralan ako.
Tango lang nang tango ang sagot ko. Mas busy ako kakalikot ng mga mata ko sa kabuuan ng campus.
ACA, Asian College of Aeronautics, Iloilo is the school of my choice. Ang alam ko, magandang school ito para sa mga taong gusto kumuha ng mga courses na related sa aviation. Medyo may kamahalan nga lang, pero mabuti na lang ay mayroon akong supportive na magulang, which is my mom.
Hindi kami gaano kayaman well my mom is an only heiress of a hospital chains. She's rich. Nang malaman niya na sa Aviation school ako mag-aaral at ang expensive ng course ko, hindi naman siya nagdalawang-isip na supportahan ako. Wala akong narinig na pagtutol mula kay Mommy... Hindi din naman kami problemado financially dahil sa nobyo ni mommy.
He financially supports the family very well... But mentally, he is draining.
My mom's boyfriend is a seaman, isang chief engineer. Yes, that guy is supporting us but... I just don't like him and we have mutual feelings for each other because he doesn't like me too. Ayaw ko ng ugali ng lalaking iyon, kaso masyadong in love si Mommy dun kaya wala na akong magagawa.
"Dream ng dad mo? How about yours?" kuryosong tanong ni Noreen, napatigil ako sa iniisip ko.
"His dream is my dream. My dad is a pilot, that's why I wanted to be like him... I grew up looking in the sky. And promised myself that one day, I also wanted to reach the sky, just like what Dad did," kwento ko.
"'Pag namatay ka, instant langit ka agad, try mo kaya?" suggestion niya. Tawang-tawa pa kahit walang nakakatawa.
"It's not funny, Nory." I rolled my eyes. "Pero kung gusto mo, ikaw ang mauna."
Nakikipagbiruan naman ako, but right now, wala lang talaga ako sa mood.
"Huwag ako, Skye, nakapunta na akong langit, ibang langit nga lang. Tumirik pa mga mata ko!" tuwang-tuwa na may halong yabang niyang kwento.
"Just keep it to yourself." Ngumiwi ako.
Paanong hindi sasama ang mood ko, ako na naman ang pinagbuntungan ng galit kanina. Wala naman akong ginagawa, pero ako 'yong pinagalitan.
Well... Nasasanay naman ako. Daily routine naman 'ata ng lalaking iyon ang pagbuntungan ako ng galit.
I don't even know why my mom likes that man! Mas better pa si Daddy kaysa doon! Kaso wala din naman akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Skies Kissing the Waves
RomanceIn a world where the sky meets the sea, an unexpected love story unfolds between two souls bound to meet. Skyleigh Melendez, a fearless lady pilot with a passion for flying, has always felt most at home among the clouds. Captain Rhadley, a seafarer...