MY LOVE IS GONE

100 6 0
                                    

“My Love is Gone.”
Written by: ITSYOURGIRLKAILEIGHN(Sveia V. Satrikana)

At the age of 18 I fell inlove to the man who loves me so much. Lahat ng klasing pagmamahal ginawa niya until we reach at our 5th anniversary and my age is now 23 years old. Pero tila nabago lahat, nagbago siya. Unti-unting nawawalan na siya ng oras para sa akin.

“Bakit? Bakit ka nagbago mahal?” Tanong ko sa sarili ko. Nagugulumihan ako.

_________________

Isang araw naisipan kong komprontahin ang aking nobyo. “Mahal, p’wede ba tayong mag-usap?” Pero biglang nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi nito. “Not now, Agatha. I’m busy.” May pagka-iritableng saad nito. Napabuntonghininga na lang ako. At bumalik sa k’warto ko.

Days passed, sinubukan ko pa rin siyang kausapin o komprontahin. Pero gano’n pa rin ang sagot niya. “Not now, Agatha. I’m busy.”

Hays, hanggang kailan ba ako magtitiis?

Today is my birthday, at lahat ng pamilya at kaibigan ko dumalo. Pero may kulang sa bisita ko e, kulang. “Dana, nakita niyo ba si Cleo?” Tanong ko sa aking kaibigan at umiling ito, “Hindi eh, text mo kaya? Or tawagan mo. Ask mo siya kung pupunta ba siya.” I nodded to her suggestion at nagpaalam muna sa kanila saglit. “Ma, pa, alis po muna ako ha? Tawagan ko lang si Cleo.” Agad naman silang tumango at nagpunta ako sa balcony ng k’warto ko saka i-dinial ang numero ni Cleo.

“Sorry, you cannot be reach this number right now. Please try again later.” Naka-ilang beses akong tumawag pero puro operator lang sumasagot. Sa inis ko nag-text na ako sa kaniya. Tinext ko siya kung pupunta ba siya. At lumipas ang ilang minuto walang text reply akong natanggap.

Nang matapos ang party ay nagsi-uwian na ang lahat at ako umupo muna sa sofa, umaasang dadating pa siya.

Lumipas ang ilang oras, walang Cleo'ng dumating. Naisipan kong uminom na lang ng wine hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako sa pamilyar na k’warto. “Anong... Ginagawa ko dito?” Nagtataka kong tanong. “Gising ka na pala, mahal. Halika, ipaghahain kita ng makakain.” Napatalon ako sa kama ng marinig ko ang boses niya. Boses ni Cleo.

Ngumiti ako at sumunod sa kaniya. “Mahal, bakit hindi ka pumunta kahapon sa birthday ko? mmm?” tanong ko habang kumukuha ng maiinom sa refrigerator.

“Mahal, pasensiya na may nangyari lang. Babawi ako sa ‘yo, promise.” Ngumiti ako habang umiinom ng tubig saka lumapit sa kaniya gano’n na lang ang aking gulat ng makita ko ang mukha niya “Mahal, bakit kulay itim ang mukha mo? Bakit hindi ko makita ang mukha mo?” Isang labi ang sumilay na nakangiti sa akin. “Mahal, mahal na mahal kita. Paalam.” At parang bula na lang siyang naglaho.

Nagising ako dahil sa panaginip ko agising akong lumuluha. Napailing-iling ako habang umiiyak “hindi, walang mangyayaring masama kay Cleo! Hindi, hindi!” Tumigil ako sa pag-iyak nang tumawag ang kapatid ni Cleo. “Ate...” nanlamig ang buong katawan ko ng marinig kong umiiyak sa kabilang linya ang kapatid ni Cleo. “Hello, Casfer? Bakit? Bakit ka umiiyak?” Kinakabahan kong tanong at sumagot ito. “S-si kuya... Ate...” kumunot ang noo ko sumabay sa pagtaas ng mga balahibo ko nang may isang malamig na hangin ang yumakap sa akin. “A-anong nangyari kay Cleo? Casfer, sagutin mo ako.” Narinig ko itong sumisinghot “Ate... W-wala na si kuya...” Napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib kung saan ang puso ko nakap’westo.

Nabitawan ko ang aking cellphone at umiyak nang umiyak. “Ate, nariyan ka pa ba?” Napatigil ako sa pag-iyak at nanginginig na kinuha ang cellphone ko. “Nasaan ang katawan ngayon ng kuya mo?” Nang sinabi niya ang lokasyon ng morgue agad akong kumilos at umalis na.

Sa bawat pagtahak ko ng daanan papalapit sa morgue kung saan tila ba‘y may umaakbay sa aking balikat.

“Mahal, alam kong ikaw ‘yan. Ang daya mo bakit mo ako iniwan biglaan? ‘Di ba magpapakasal pa tayo?” parang baliw kong kinakausap ang sarili ko.

Narating ko na ang kinaroroonan ng katawan ni Cleo, at nanglambot ang mga tuhod ko at muling humagos ang mga luha ko. “Cleooo! Ang daya mo naman eh! Bakit mo ‘ko iniwan?! Cleo... I love you. Gising ka na diyan, please. Gising na mahal ko.” Sambit ko at doon na ako humagugol ng iyak.

“Hija...” namumugtong mata ang naiharap ko sa mama ni Cleo “tita? B-bakit po?” utal-utal kong sambit sa mama ni Cleo. “Birthday gift nga pala ni Cleo sa ‘yo.” May inabot si tita na pulang maliit na box at nang binuksan ko iyon, napakagat ako sa labi at nagsimulang umiyak muli.

Isang engagement ring na may nakaengrave na pangalan namin. “Agatha and Cleo, i love you” pagkakabasa ko sa naka-ukit na pangalan namin at dahan-dahan itong sinuot. “Mahal, siguro nga hindi tayo panghabang buhay. Mahal, mag-iingat ka ah, mag-iingat ka doon sa langit. Bantayan mo ako mula roon ha? Mahal na mahal kita...” Huli na upang makatayo ako. And everything went black.

END.

— WORK OF FICTION.
— ONESHOT SADSTORY.
— PLAGIARISM IS A CRIME, so don’t you dare to steal my work.
— follow me at wattpad using this username: @ItsyourgirlKaileighn
— kaiii for a/a

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now