BANTAY NG BAHAY
kaileighn satrikana wp | @kailellesxcz
NAALALA ko noon, galing kami ng aking nanay sa palengke, at sakto bumili ng bagong walis-tambo si mama. At siyempre dahil bata pa ako no'n, puro laro pa ang nasa isip ko. Ang bagong walis-tambo na aming binili ay aking pinaglaruan, inilagay ko ito sa loob ng aking damit saka nagkunwari akong isang modelo sa mga beauty pageants. Humarap ako sa salamin na nakasabit sa tabi ng aming pintuan makikita sa salamin ang aming bukas na bintana sa bandang likod ng aming palikuran.
Nagmodel-model ako na parang sasabak sa Miss Universe, hanggang sa napahinto ako sa tapat ng salamin.
May nakita ako. Nakakita ako ng isang naka-belo na babae na medyo maliit ng kaunti sa akin. Makikita sa kaniyang suot ay puro dugo, may suot-suot din itong korona na nagtila siyang isang babaeng ikakasal dahil sa porma ng suot niya. Sa salamin ko nakita ang babaeng iyon na nagpakita sa akin sa aming bintana sa likod.
Muli kong sinuri ang bintana, nagulat ako nang bigla itong naglaho na parang bula.
Agad kong ikinuwento sa aking nanay ang nakita ko. "Ma, may nakita akong babaeng naka-puti na belo tapos may korona siyang suot. Kaso 'yong belo niya ay may dugo." At dahil isa lamang akong bata noon, hindi naniwala sa akin si mama. "Sus, baka namalik-mata ka lang." Aniya ni mama. "Eh, nakita ko siya mismo doon sa salamin ta's nandoon siya sa bintana ng likod natin, bigla ngang nawala e." Kakamot-kamot kong pagsasalaysay. At sa huling pagkakataon, hindi pa rin naniwala si mama sa akin. Kaya hinayaan ko na lang ang nakita ko.
SUMUNOD na araw, muli kong nakita ang babaeng nakita ko sa bintana ng aming likod-bahay.
Naisipan ni mama na doon na lang kami matulog lahat sa baba para isang electricfan lang gamitin namin at makatipid sa kuryente, sumang-ayon na lamang ako kaya't umakyat ako sa ikalawang palapag ng aming bahay upang kuhain ang aking unan pero bago 'yon hindi ko pa nabubuksan ang ilaw napalingon ako sa tabi ng mga balik-bayan box namin at muli ko siyang nakita, this time nakaupo siya at nakatingin sa akin. Imbis na manaig ang takot sa aking sistema nginitian ko na lamang ang multo na iyon.
Agad kong binuksan ang ilaw at saka pinagpatuloy ang pagkuha sa aking unan.
Ikinuwento ko muli kay mama ito, at doon ko nalaman na siya pala ang bantay ng aming bahay na namatay siguro noong panahon na hindi pa itinatayo ang aming bahay.
Hindi siya isang babae, kung hindi isa siyang matandang lalaki na nakasuot ng puting-belo at may suot na korona, puti rin ang kaniyang mahahabang buhok.
Sabi rin ni mama, kaya pala nasisira ang mga speakers namin sa bahay ay dahil ayaw nito sa maingay. Kaya't minsanan na lang kami magpatugtog ng sobrang lakas, respeto na rin sa kaniya.
Ngayon, hindi na namin siya nakikita o nararamdaman, siguro sumunod na siya sa puting liwanag.. Pero kung naririto pa rin siya ngayon, ay ayos lang. Para sa tuwing wala kami rito, siya na muna ang magbabantay ang aming bahay.
WAKAS.
BASED ON THE TRUE STORY.
YOU ARE READING
ONESHOT STORIES by kailellesxcz
RandomThis story is collections of my oneshots stories. #784 sadstory #372 ya / young adult #10 horrorstories #17 tragic stories contents: - oneshot stories. - short stories. - sad stories. - romance ONS stories. - comedy ONS stories. - and more genres...