IN ANOTHER LIFE

13 3 0
                                    

IN ANOTHER LIFE

"Love, happy 10th anniversary! Ang tagal na pala natin. Grabe 'no? Enemies lang tayo noon tapos ngayon mag-asawa na!" Tuwang-tuwa kong pagkukuwento sa aking asawa.

"Happy 10th anniversary too, my love. I love you so much, kahit anong mangyari ako lang ang mamahalin mo ah? Till death do us part." Nakangiti nitong sambit sa akin.

"Till death do us part!" Sabay hagikgik ko at sinubuan siya ng cake.

"Oh, inom ka muna. Baka mabulunan ka." Sambit ko at pinunasan ang nagkalat na vanilla icing sa gilid ng labi niya. "Love, may sasabihin ako." Agad na lumingon sa akin ang asawa ko. "Hmm... Ano 'yon, asawa ko?" Puno ng lambing ang boses nito.

"I'm three weeks pregnant!" Agad naibuga ni Cian ang iniinom niyang juice at agad ko namang inabot ang table napkin. "A-ano? Pakiulit ang sinabi mo."
"Sabi ko I'm three weeks-" naputol ang sasabihin ko nang bigla itong nagtatalon at sumigaw. "Yes! Magiging tatay na 'ko! Yes!" Agad siyang lumapit sa akin at yumuko upang makapantay niya ang aking tiyan.

"Hello anak, sana behave ka lang huwag pasaway kay mommy mo ha? Be a good boy." I chuckled on what he last said "boy ka riyan! Hindi pa nga natin alam kung ano gender ni baby e." Hinila niya ang isang upuan at umupo ro'n at sabay hila sa upuan ko.

"Feel ko baby boy 'yan, love. Look ang tapang ng mukha mo- aray! Love naman, parang nagbibiro lang e." Natatawang wika nito.

I'm Seventh months pregnant, ito kami ngayon nasa hospital. Nag-aantay sa resulta.

"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" Agad akong tumayo at tumango. "Opo, ako nga. Kumusta po ang resulta?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"We found out that your husband has a brain tumor. At baka buwan na lang ang abutin ni Mister Cian Dela Vega." Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko habang hawak-hawak ang aking tiyan. Mabuti na lang nahawakan agad ako ng doktor at ng mga nurses para alalayan ako. "Gagawin namin ang lahat."

Lumipas ang isang oras bumalik ako sa wisyo at agad nagtungo sa kuwarto ng aking asawa.

"Love?" Makikita sa mukha nito kung gaano siya kaputla at kapayat.

Ang asawa ko...

"Love, anong sabi ng mga doktor? Kumusta ang resulta?" Unti-unting bumagsak ang mga luha ko. At agad niyang hinawakan ang kamay ko upang pakalmahin ako.

"Love, kumalma ka. Baka mapasama kay baby ang pag-iyak mo. Shh... Tahan na." I sniffed back my tears and starts hugging his arms.

"Ayon sa doktor, y-you have a brain tumor. A-at baka b-buwan na lang ang abutin mo." Muli akong umiyak at this time pinunasan niya ang mga luha ko.

"Shh... Lalaban ako. Lalaban ako para sa inyo ni baby. Okay? So tahan na. I love you."




JUNE 20, 2022, araw na inilibing ang aking asawa. Araw na sana hindi na lang nangyari. Sana hindi na lang nage-exist sa mundo.

"Love, ang daya mo naman e! Sabi mo lalaban ka para sa atin? Pero ano 'to? Iniwan mo kami agad?" Umiiyak kong kausap sa puntod ng aking asawa.

"Akala ko ba "till death do us part?" Pero nang-iwan ka agad. Iniwan mo kami ni baby."

"Love, I promise to you na in another life, ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ikaw pa rin ang lalaking papakasalan ko, at ikaw pa rin ang makakasama ko hanggang sa pagtanda." Lumuluha kong sambit at hinimas ang lapida ng asawa ko.

"In another life, I would be your girl. We'd keep all our promises, be us against the world."




THE END.

- written by: Kaileighn Satrikana Scrivener
- wattpad username: kaiiileighn
- PLAGIARISM IS A CRIME, if you steal my work you will be punish by law.
- oneshot sad story.

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now