Chapter 8:Courtship

19 1 1
                                    

Jane's POV

Ang pangit ng gising ko, hindi ako masyadong naka tulog dahil iniisip ko si Michael, bakit ba kasi nakilala ko siya??? Hays! Maka ligo na nga

After many hour, natapos rin ako sa pagligo, kakain na ako.

After many minutes, natapos rin ako sa pagkain.

Nabigla lang ako dahil wala si Edward ngayon? Baka busy lang siya. Maka alis nanga, nandiyan naman si manong nico.

After many minutes, narating na namin ang school.

Medyo nagtaka lang ako kung bakit walang masyadong tao sa paaralan.

Tumingin ako sa may bulletin board at nakita ko na may program nga pala ngayun.

Pinuntahan ko ang main ground ng school at nakita ko ang mga estudyante na nakaupo at inaabangan kung sino susunod na kakanta at sasayaw.

Nanuod rin ako at nakita ko sa harap si Michael, ang gwapo niya sa suot niya, parang inisip ko na si Alfred siya at ganyan na siya ka matured tignan.

Kumanta siya at lumapit sa mga estudyante, aba! Akaian mo nga naman , c Manthone, panay ang sigaw.

Kumuha ng mga babaeng estudyante si Michael at pinapunta sa harap para kantahan, nag hanap siya hannggang isa nalang ang kulang.

Linapit niya ako at inalok ang kamay niya, siyempre nagtilian ang mga tao maliban nalang kay Manthone, ang sama ng tingin niya sa akin, baka dahil hindi siya kinuha ni Michael. Ayaw ko sanang sumama dahil sa nangyari kahapon, pero wala akong magawa dahil hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, hindi ko naman kayang magpumiglas kasi nasa gitna kami ng ground, nakakahiya naman sa nanoood.

Pinapunta ako ni Michael habang kumakanta siya, nang nasa harap na ako , nakita ko kaagad si Edward, parang ang sama ng tingin niya kay Michael.

Kung may super power lang si Edward at titigan lang niya si Michael at matutunaw ? Matagal kunang inayos ang jar na lalagyan ni Michael.. hahahah grabe naman siguro yun.

Kumanta si Michael ng Thinking Out Loud at inabangan ko talaga sa kanta niya ang baby sound na pinaghinalaang multo. Hahahaha nakakatakot kasi.

Tinapos ni Michael at pinababa ang mga babae na kanyang inanyaya na pumunta sa stage maliban kay... huhh.?? Sa akin? Bakit naman ako pinaiwan ni Michael.

Nabigla lang ako ng hinawakan niya bigla ang kamay ko at kumanta ng ibang song, napaka romantic naman.

Inisip ko na sana siya nalang si Alfred na hawak hawak ang kamay ko at kinakantahan ng magagandang kanta.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko . " Jane sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo, gagamitin ko ang oportionity na maitanong ko ito sayo, a-alam kong napakaaga pa and ako si mr. Loko na nagpabigay ng bulaklak sayo, so jane can you be my girl?? Tanong ni Michael.

Naghiyawan ang mga estudyante, maliban kay Edward at Gervy.

"Ah-ahmm sorry Michael pero hindi ngayon, hindi pa kita lobos kakilala" sagot ko kay Michael.

Tumakbo ako palayo dahil hindi ko nakayanan ang hiya, inexpect ng mga tao na mag yes ako, pero binigo ko sila.

Naabutan ako ni Michael sa may bench sa ilalim ng puno.

"I'm sorry Jane at binigla kita, hindi ko lang mapigilan ang puso ko na mag courtship ako sayo." Sabi ni Michael."(umiiyak) Wag mo muna akong kausapin, ayaw kong makita ang pag mumukha mo."Sabi ko sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Binigla mo ako! Nahihiya ako sa mga tao lalo na sayo." Nahiya kung sabi.

"Sorry, pero surprise yun." Sabi ni Michael. "Pero hindi pa kita kilala, lalong hindi pa kita mahal." Sabi ko sa kanya.

Tumakbo ako ... wala akong pakialam kung saan ako mapadpad gusto kung magtago kahit saan basta malayo sa mga tao.

Lumabas ako sa campus, napadpad kahit saan hanggang dinala ako ng aking mga papa sa may ilog.

Napatingin ako sa ilog at nag simula na naman ang patak ng aking luha.

"Alfred!!! Nasaan kana ba!!". Sigaw ko sa tabi ng may ilog.

Michael's POV

Masyado kong nasaktan si Jane, yan naman kasi yung plano ko.

Liligawan ko siya kahit hindi niya ako gusto, hahaha ano kaya ang susunod kong gawin? Ahmm..

Ipapatuloy ko parin ang pan liligaw kay Jane, gusto ko siyang saktan para mapahiganti ko man lang si Alfred.

Babalik ako sa program, baka hinahanap na nila ako.

Papunta na ako sa program ng nakita ko si Edward.

Linapit niya ako at sinuntuk.

"Yan ang makukuha mo sa pag sakit sa kaibigan ko." Galit na sabi ni Edward. "Pare, nagmahal lang ako." Sabi ko kay Michael.

"Nagmahal? Hindi mo panga siya kilala? Nan liligaw ka na!? Shame on you!!" Galit na sabi ni Michael sa akin. "Tiyka nga pare, Nagagalit ka ba dahil linigawan ko si Jane? O naiinis ka dahil hindi mo kayang ipagsigawan ang nararamdaman mo para sa kanya, kasi best friend lang ang tingin niya sa sayo." Sigaw ko sa kanya.

Muntikan na akong suntukin ni Edward ng dumating si Gervy.

"Wag Edward!" Sigaw ni Gervy. "Ano kaba Gervy? Sinaktan niya si Jane!" Galit na sabi ni Edward.

"Hindi mo parin dapat saktan si Michael."sabi ni Gervy. "Nakakainis ka Gervy , para kang hindi naging kaibigan ni Jane, sa bagay , bago pa lang kayo nagkilala , pero ako, hindi ko hahayaan si Jane na masaktan." Sabi ni Edward at umalis.

"Ayos ka lang ba Michael?" Tanong ni Gervy sa akin na nag alala. "Hindi mo ba ako susuntokin?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko sana pero wala akong karapatang saktan ka, nagmahal ka lang naman, naunahan mo lang kami." Sabi ni Gervy. "Salamat Gervy "sabi ko at nakipaf shake hand sa kanya.

Napag isip isip ako ulit kung paano ko masasaktan ng husto si Jane, dapat mahalin niya ako muna tapos ko siya liligawan.

Paano kung??? Ahhhh pwede rin naman. Ilalagay ko siya sa isang poblema na tanging ako lang ang makaka solve. Hahaha at ipapagawa ko lahat ng gusto ko para mabayaran ang pagtulong sa kanya. Magaling ang naisip mo Michael!.

Edward's POV

Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ako guilty sa tanong ni Michael? Talaga bang nagagalit ako dahil nasaktan nya ang kalooban ni Jane? O talaga bang takot ako mag sabi ng nararamdam sa kanya dahil ayaw kung mawala ang pagkakaibigan namin.

Nawala narin ang gana ko sa program, napaka booring kasi

Hahay! Pupuntahan ko nalang si Jane para mabawas bawasan ang galit sa loob ko.

After 20 minutes ... Nandito na ako sa harap ng bahay ni Jane, pumasok ako, pwede kasi akong pumasok kaylan man ko gusto kasi pinag kakatiwalaan nila ako.

Kumatok ako sa kwarto ni Jane, pero walang sumasagot, binuksan ko ang pinto kasi hindi naman naka lock, hindi ko siya nakita duon kaya nag abala na ako.

"Bakit ka nandiyan?" Tanong ng babae sa likud ko. Pag lingot ko ay si Jane.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ano ba Edward? Hindi ako makahinga." Mahinang sabi ni Jane. "Ayos ka lang ba? Hindi kaba napapagud?" Nag alalang tanong sa kanya.

"Natatakot lang akong pumasok bukas, baka pinag uusapan nila ako."nag alalang sagut ni Jane.

"Wag mo silang pakinggan Jane, hindi naman sila ang pinahiya ng ganun sa harapan diba?." Sabi ko sa kanya.

"Salamat sayo Edward, nandyan ka para sa akin, hindi ka katulad ni Alfred."sabi ni jane sa akin

-Sorry sa naghihintay
-Sana patuloy po parin kayong bumasa hanggang matapos.

Just One PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon