Napakahirap ipanalo ang laban sa sarili mo. 'Yung walaka nang natirang lakas para bumangon sa umaga dahil sa kabi-kabilang deadlinesa trabaho. 'Yung kahit anong pilit mong umidlip muna o kaya uminom ng mainitna kape, pero ayaw pa ring makinig ng sistema mo—ayaw pa ring tumayo ng mgabinti. 'Yung inuuntog-untog mo na lang ang ulo sa sinasandalang pader upangmaalis sa utak ang mga pangamba. 'Yung wala kang makausap na kaibigan dahilakala nila matapang ka. Akala nila malakas ka. Akala nila matibay ka. Akalanila masaya ka. Akala nila kaya mong saluhin ang lahat ng problema—pero angtotoo, natatakot ka rin. Ang totoo, umiiyak ka rin. Ang totoo, gusto mo nangmaglaho sa mundo. Mahirap kasing kalabanin ang sarili, lalo na kung dati mo itong kakampi.
BINABASA MO ANG
Humihingi Ako ng Paumanhin Kung sa Araw na Ito ay Masasaktan Kita
PoesiaAng librong ito ay tungkol sa iba't ibang karanasan ng mga pusong wasak. Mga alaalang itinapon ng kanilang mga minahal. Na sa ilalim ng mga tala sa banayad na gabi, marahan pa rin itong sumasagi sa isip at ayaw kumawala. Kaya bago mo subukang bukla...