#14

6 1 0
                                    

Napatingin ako sa labas ng bintana ng aking unit na nasa 7th floor ng condo na ito. Nakatambad sa akin ang isang billboard ng isang clinic na may nakasulat na "Depressed? There is HELP! Call us now." Agad kong kinuha ang phone ko na naka-charge malapit sa TV para tawagan at hanapin sa Google Map ang office nila. Naalala ko na naman ang pumanaw kong boyfriend. Mahilig kasi kaming mag-explore nun sa mga lugar na hindi namin kabisado, kaya nagtatalo kami minsan. Hanggang ngayon binabangungot pa rin ako sa mga nangyari. Mahigit tatlong buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin malimot ang araw na 'yun.


Sobrang busy ko nun sa work. Hindi ko napansin ang tawag niya. Nakalimutan kong Monthsary pala namin. Hindi rin ako naka-text sa kanya na hindi ako makakauwi nang maaga. Kasalanan ko ang lahat! Kung nasabihan ko lang siya na hindi ako makakasipot sa date namin, hindi na sana siya naghintay nang matagal. Habang papauwi, naholdap siya sa eskinita malapit sa isang Amusement Park kung saan balak naming magkita. Nanlaban siya. Nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang tagiliran. Iniwang nakahandusay sa daan.


Kayaheto ako, nakatindig sa gilid ng terrace ng aking unit na nasa 7thfloor ng condo na ito. Parang may mga kamay na hinihila pababa ang katawan ko.Parang may mga boses na bumubulong sa tenga ko. Nangangako na kapag tumalonako, sa oras na ito, makikita kong muli ang mahal ko.

Humihingi Ako ng Paumanhin Kung sa Araw na Ito ay Masasaktan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon