Chapter 1

7 0 0
                                    

Chapter 1 - "Tulungan na kita"

"Hinatyin mo muna akong matapos!" I whined as Alya moved to get her bag.

"Hindi na noh. Kanina pa kita hinihintay. Kung tinapos mo pa sana yun kani-"

"Alya naman." I whined even more.

"Malapit naman na akong matapos. Samahan mo lang ako kay ma'am mamaya."

"O, tignan mo. Ako nalang palagi yung pinapaharap mo."

Ngumuso ako habang dinagdagan ng kung ano-anong salita ang essay ko.

"Ikaw nga kasi yung favorite. Baka kung ako lang yung haharap, diretso niyang isara yung pinto."

"Ayy, hindi na. Ayoko. Malaki ka na."

"Alya wag!" Pigil ko sakanya nang unti-unti niyang sinusuot ang bag niya.

"Heh! Tumigil ka nga. Sampalin kita diyan eh."

Sumimangot ako.

"Sige." nakanguso kong sabi

"Hala siya. Nagtatampo."

Hindi ko na siya pinansin at tinapos nalang ang sinulat ko.

"Sige, uwi na ako ha?"

Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin at hinila ang buhok ko. Napangiwi naman ako sa sakit.

"Akala mo madadala mo ako sa pagganyan-ganyan mo?"

"Alya, wag kasi." pilit ko pa

Pero hindi niya ako pinansin at dire-diretsong naglakad palabas ng pinto. Bago tuluyang lumabas ay kumaway pa ang bruha. Nakakakilabot.

Huminga ako ng malalim.

"Grabe. Ibang klaseng kaibigan." bulong ko sa sarili.

"Para namang kailangan ko siya. Kaya ko naman sarili ko." bulong ko pa

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na rin ang essay. Tinapig ko na ang mga gamit ko at nagpasyang pumunta sa faculty.

Nang kaharap ko na ang pinto ng faculty room ay...

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Lumapit ako at handa ng kumatok.

Pero umatras nang hindi ko magawa.

Baka wala si ma'am. Pero malalate ako kapag hindi ko ito ipapasa.

Lumapit ulit ako.

At umatras ulit.

Grabe parang tumaas yung dugo sa buong mukha ko.

Nag jog in place ako ng slight para maghanda. Kaya ko naman 'to. Kaya ko 'to.

Ata.

Lumapit ulit ako. Sigurado na ako.

"Punyeta." bulong ko sa sarili at umatras na naman.

"Nanlalamig ako."

May narinig akong tumawa sa gilid ko at nilingon ito. Nang makitang nakatingin ako sakanya ay umiwas ng tingin ang lalaki.

May audience pala ako.

Ayos.

Pandagdag sa kahiyaan.

Hinarap ko ulit ang pinto ng faculty room na nagsisilbing sagabal sa kaharapan ko. Kung hindi ako makakagraduate ngayong taon. Isisisi ko dito.

Suminghap ako dahil sa pagod.

Parang ayoko na. Bukas na nga lang.

Suminghap ako at akmang aalis nang may nagsalita sa gilid ko.

"Ah..E-excuse me!"

Nilingon ko ulit ang lalaking tumawa sa'kin kanina.

"Gusto mo...tulungan na kita?"

Nang marinig ang offer niya unti-unti akong ngumisi.

"Talaga?" tanong ko pa kahit gustong-gusto ko ng ibigay sa kaniya ang hawak ko.

"Oo. Ayos lang naman."

Nilahad niya ang kamay niya at binigay ko sakanya ang hawak kong papel.

Nagpigil ako ng hininga habang hinhintay ang pagkatok niya. Pero laking gulat ko na diretso lang siyang pumasok.

The fuck.

Guro ba iyon?

Nananatili lang akong nakatanga habang iniisip ang mga posibleng pangyayari.

Hindi naman ata guro iyon. Masyado pang bata. Parang kaedad ko lang iyon eh. I mean, sure naka civillian, pero hindi naman ata diba?

What the fuck.

Anong--holy shit. Pero paano kung-? Hindi. Nope. No. No.

Ayokong ientertain yung idea. Isipin ko nalang na transferee. Halos lahat naman ata ng transferee may itsura. Yun nalang iisipin ko.

Napaigting ako nang bumukas ang pinto.

"Tapos na." nakangiti niyang sabi.

Pilit akong ngumiti. "Sala-"

"Zac."

Lumabas si Ma'am Lina mula sa room at binigay ang bag niya sa lalaki.

"Dalhin mo sa kotse. Pupunta pa ako sa library. Tawagin mo na yung kapatid mo."

Nalipat ang tingin ni ma'am mula kay 'Zac' patungo sa'kin.

Tumango si ma'am bilang greeting na ginaya ko naman. Nang tumalikod si Ma'am ay nahagilap ko ang mallit niyang ngisi sa lalaki bago siya tuluyang umalis.

Mild Interactions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon