Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3 - Suspicious

"Minsan napapaisip ako..." simula ko

Tumingin silang lahat sa'kin habang seryoso kong hinahalo ang coke float ko.

"Sabi ng iba - and by iba , I mean my haters - pangit ko raw. Pero..." Ininom ko ang float na hawak ko.

"Alam naman nating lahat, na kahit saang anggulo mo titignan...napakaganda ko talaga."

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun ay binabato ako ng mga kasama ko ng kung anu-ano.

"Gago!" sabi ni Theo

"Tumigil ka nga." ulat naman ni Alya

"Yabang mo! Panget." sabi naman ni Elliot.

See? Haters talaga.

Pinulot ko ang tissue na binato nila sa'kin tsaka hinagis sa mukha ni Theo dahil nakakainis lang talaga itsura niya.

"Mga inggitera."

Tinawanan lang nila ako at pinagpatuloy ang pinag-usapan nila kanina bago ako umepal.

"May transferee raw kayo? Narinig ko kila Keith." tanong ni Elliot namin ni Alya

Tinaasan lang siya ng kilay ni Alya.

"Lalaki siya. Wag ka ng umasa. Ang lalandi niyo."

Theo and Elliot groaned in disappointment. Kunot noo ko namang nilingon si Alya.

"Akala ko ba babae?" tanong ko

Kinurot niya ako mula sa ilalim ng mesa.

"Lalaki pala." napilitan kong sabi

"Bakit hindi mo alam? Hindi pa ba siya pumasok?" tanong ni Theo

"Hindi pa. Nachika lang ni ma'am. Ganun." sabi ko

"Alya seryoso..." simula ni Elliot "Babae o lalaki? Feeling ko talaga babae. Aminin mo nga. Babae siya noh?"

"Hay naku! Lalaki nga! Wag ka ng mamilit." iritadong sagot ni Alya.

Tumingin si Elliot sa'kin. I mouthed the word 'babae' in a not so subtle manner kay nakurot na naman ako ni Alya.

"Ikaw naman, ineencourage mo pa ang dalawang 'to. Palibhasa hindi ikaw ang inaaway kapag nagloko na naman."

"Grabe ka naman. Dahil pa ba 'to kay Jane? Nagsorry naman siya ah." sabi ni Elliot

She opened her mouth in disbelief.

"Hindi lang si Jane! Meron pa! Yung si Angel - "
Naggesture sa'kin sa Theo na tumayo kami. Rinig na rinig pa namin si Alya na nagenumerate pa ng mga pangalan habang papalabas kami.

"Saan tayo? Ayokong bumalik sa school." sabi ko

"Ayoko rin." sagot ni Theo

Nagkatinginan kami.

"Cutting." sabay naming sabi.

We had afternoon classes which we obviously decided to ditch. As for Elliot and Alya, bahala na sila sa buhay nila.

We decided to go to the mall.

In our uniforms.

Which I realized was not a good idea.

Never a good idea. At all.

And that's how we both ended up in the disciplinary's office.

"Sabi nga kasi na magbihis muna tayo. Tigas ng ulo mo." inis na bulong ni Theo

"Wala. Nga. Akong. Damit!" bulong ko naman pabalik.

"Baguhin!" pasigaw niyang bulong sa'kin.

"Stop whispering! Both of you!"

Mild Interactions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon