Summer's P.O.V.
Good Morning world! Nagtataka ako kung bakit ang ganda ng gising ko ngayon, e puyat naman ako kagabi.
Tumayo na ako mula sa higaan at muntik na kong atakihin sa puso nung nasipa ko yung laptop ko na nasa paanan ko, shet, Mac pa naman to, patay ako kela daddy pag nasira :(
Buti nalang talaga, good aura ako ngayon kaya maganda ang pasok ng swerte! hehehe.
Kinuha ko agad yung laptop ko, nakalimutan ko nanamang i-log out fb ko. Tsk. Daming notif, ganun din sa twitter at tumblr, pati sa wattpad. Dami no? Fangirl eh.
Tumayo na ako at tumingin sa salamin, ngiti, ayos buhok, ngiti ulit sabay sabi ng "ANG GANDA KOOOOOO!"
Ay, sigaw pala yun hehehe.
Nag-toothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto para mag-breakfast.
"Yaya! Good Morning! Pahanda po ng pancake. Thank you po!" Sabi ko habang pababa ng hagdan, dumiretso na din ako sa kusina at pinanood si Yaya magluto.
Habang nagluluto si Yaya, napaisip ako bigla.
"Ya, masaya ba magkaroon ng Pamilya?" Tanong ko sa kanya pero kahit nakaralikod sya, makikita mo paring nakangiti siya.
"Oo naman, lalo na pag mahal ka nila at tsaka, may pakealam sila sayo." Humarap sakin saglit si Yaya at sumagot.
Si Yaya, masaya siya sa family niya, samantalang yung akin, di ko alam kung masaya sila sa kin. O baka lagi lang busy, pero kasi, parang nawawalan na ng time sakin yung mga magulang ko.
Mayaman nga kami, wala naman sakin yung atensyon nila. Kaya parang wala din.
"Aww, swerte sa inyo ng pamilya niyo Yaya. Mapagmahal, maalagain, mabait. Kaya love kita eh!" Sabi ko tapos nag back hug ako kay Yaya.
"Ikaw, bata ka, nagbabalak ka na bang magka-pamilya?" Tatawa-tawang tanong ni Yaya.
"Ay nako yaya! wala po akong sinasabi ha. Nagtatanong lang. Hahaha." Nakitawa narin ako sa kanya.
"Oh, gutom lang yan. Ayan kumain ka na." Binigay sakin ni Yaya yung pancake at chocolate syrup. Nag-thank you naman ako at nilagyan na ng syrup yung bigay ni Yaya.
Kinuha ko yung phone ko and took a picture of my breakfast with a caption. "Thank you Yaya for my Pancakes"
Ooops! Di pa pala ako nagpapakilala sa inyo hahaha! Ako nga pala si Summer Florentine, 17 years old. Hays, malapit na Debut ko pero I don't care, gusto ko lang ng concert ticket. Fangirl feels.
After ko kumain, umakyat na ako sa kwarto ko at naligo, long day nanaman sa kama, sa harap ng laptop ko. Hays, every freaking day.
As usual, pag tapos kong maligo, magbibihis at tatambay na ko sa kama ko para mag-laptop.
Ang dami ko pading notifications, as usual. Binuksan ko isa-isa, puro tungkol din sa Fandom namin, if you know what I mean.
Tweet ako ng tweet sa Idol ko para i-follow niya ako nang may nag-add sakin.
Uyyyy! ANG POGI SHEEEMS OMG POGI.
Ayan! Nagwawala na ang inner kalandian ko hahahaha.
Na-intimidate ako bigla kaya binuksan ko yung profile niya.
Hmm, Frost Santiago. Aba! Ang pogi niya! Ganda ng mata, tangos ng ilong, pang model yung ngiti. Basta pogi!
In-accept ko, wait lang! OMG! Baka poser naman to! Pero teka, ayun may video siya.

BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Facebook
Roman d'amourUNEXPECTED. Isang salitang makakapaglarawan sa Lovestory ko. Tara, ikukwento ko sa inyo. ONE-SHOT Story/ Short Story