Chapter 26: GangKuFiaSins

48.5K 1.5K 133
                                    

Shandice

Alasais pa lang ay gising na ako pati na rin si Kylla at Sena pero wala na dito sa loob si Fire. I pouted. Palagi na lang siya nauuna magising para umalis. So I waste no time and did my morning rituals. I was about to brush my hair pero hindi ko mahanap ang suklay ko kaya naman napagdesisyunan kong manghiram muna kay Fire. 

I was about to open one of her drawers nang mapansin kong may scroll sa mini table niya. My forehead knotted. Kinuha ko yun saka binuksan para basahin. 

You are highly invited in the Gangster World Arena for the upcoming fight tomorrow night 8:30 pm. The Kings settled the fight. You can bring your underlings or gang group if you want. Your presence is expected. Do or Die.

-Council

Napanganga na lang ako. She was invited and she never told me? Ibig sabihin ba non babalik na kami? Oh my Gosh! 

"Kylla! Naubos mo ba ang conditioner?" Rinig kong sigaw ni Sena sa loob ng banyo. Siya kasi ang pinakamatagal magising sa amin kaya siya rin ang pinakahuling naligo.

"Huh? Conditioner ba yun? Kaya pala hindi bumubula! Haha!" Tatawa-tawang sabi ni Kylla habang naka peace sign kay Sena na hubo't hubad naglakad para kumuha ng shampoo sa drawer. 

"Hay nako!" Nakasimangot na pumasok ulit ng bayo si Sena. Siguro hindi na nabasa ni Kylla ang nakatatak sa bote sa pagmamadali maligo. 

Matapos naming hintayin si Sena sa kanyang kakupadan ay gumora na kami sa classroom namin. We still get the same attention like the first time. Lagi kaming pinagtitinginan o hindi kaya pinagbubulungan. There's nothing new about that. 

Pagtapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa classroom namin. Sa aming pagpasok ay kaagad na kumulo ang dugo ko sa nakita ko. May isang nerd na may hawak na timbang may lamang slime at pinagtutulakan nila ito papalapit kay Fire na mukha tulog na nakadukdok sa mesa niya. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. 

"Hoy! Ano sa tingin niyo ang pinapagawa niyo ha?!" Inis kong bulyaw doon sa babaeng akala mo payaso sa sobrang kapal ng make up. Pwede na siya sa circus. 

"Bakit ba ang atribida mo? Ano ba ang pakialam mo?!" Pabalik niyang sigaw sa akin. Naningkit mata kong sinalubong ang tingin niya. E, kung lagutan ko kaya siya ng hininga? Pati laway niya nagsho-shoping sa mukha ko, putangina! 

"Have you lost your mind? Kaibigan ko yang pinagti-tripan niyo!" Para makaganti ay sinigawan ko rin siya at sinadya kong patalsikin ang lamay ko sa mukha niya. Lintek lang ang walang ganti!

"Kaya naman pala! Birds with the same feathers, flock together!" Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya. Akmang susugurin ko na siya nang pigilan ako ni Sena. 

"What's this noise all about?" Napalingon kami sa pinto kung saan nakatayo ang bagong dating na si Xai kasama ang iba pa. Akmang titili na ang mga ito nang sunod na pumasok ang bago naming professor. Simangot naman na napaupo ang mga ito.

The class immediately started and I just couldn't believe how a School of Gangsters still have Calculus as a subject. Akala ko puro away lang ang tinuturo rito.  Nahagip ng tingin ko ang prof na panay ang tingin sa likuran ko kaya napalingon ako. Si Fire ang kanina niya pa tinitingnan marahil kanina pa ito tulog.

Sa pagharap ko naman ay eksaktong sinara ng prof ang libro na hawak niya't pinatong ito sa table. Kumuha siya ng meter stick sabay turo sa likod ko. 

"Seems like someone is not listening in my class. Miss, can you wake her up?" She eyed me to do her favor kaya wala akong nagawa kun'di sundin ang iniutos nya. I'm waking up the monster.

Kinulbit ko nang kinulbit si Fire pero walang effect ang ginagawa ko. Mahimbing na mahimbing itong natutulog. Nilingon ko naman ang prof at mukhang naiinis na rin siya. What if siya na lang gumising kay Fire? Nakakatakot yan magalit baka bugahan pa ako ng apoy!

Legendary Academy: The Strongest Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon