5:05pm
Moon_Lover:
Alam mo bang ganito din yong panahon nong una kitang makita. Pauwi na ako tas makulimlim ang panahon, tipong uulan ganun.
Tas padaan ako sa music hall, nagulat ako ng biglang may tumugtog, kaya sumilip ako.
Then I saw a beautiful angel, nakapikit tas damang dama ang kinakanta.
I got stunned, hindi dahil sa boses mo. Though maganda naman boses mo sadyang mas natulala ako sa emosyon mo.
Hindi ko alam kung para kanino ang kinakanta mo.
Pero dahil ako lang at ikaw ang andoon, feeling ko ako ang kinakantahan mo.Seen
Moon_Lover:
Hindi naman kita kilala, pero dahil sa pakikinig ko sa kanta mo ginusto kong makilala ka.
Naging imbestegador ako malaman lang ang pangalan mo at Facebook mo.
Diko alam dati na sikat ka pala sa university natin.
Pasensiya na, puro aral lang kasi focus ko hahaha
But now, ito ako nangungulit sayo.
Dahil talaga to sa kinanta mong damang dama ko.
Naalala ko pa habang pinapakinggan kita. Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko hahayaang maging malungkot ang buhay mo. So here I am now hahaha.
Ako ang magpapasaya sayo.
Ako ang magiging buwan mo,
Habang ikaw naman ang kalawakan ko.
Halata ba?
Na love at first sight ako sayo tangina.
Ps: wag mo ko bablock ha? Mamahalin pa kita.Seen