Chapter 8: Beauty in Simplicity

38 12 0
                                        


James' Point of View

DAHIL MAHINA ang signal ng aming wifi, naisipan kong pumunta sa bahay nina Gavin at maki-connect sa kanila. Wala naman talaga akong mahalagang bagay na paggagamitan nito, ngunit naglalaro kasi ako ng Mobile Legends: Bang Bang at kailangan ko talaga ng malakas na signal.

I kept my cellphone inside my pocket so that my mother wouldn't see it. Baka kasi hindi niya ako payagang umalis kapag nalaman niya ang rason ko.

"Mom, I'm going to Gavin's house," I said to her.

She was watching TV. When I looked at it, I found a boy and a girl kissing each other like they wanted to eat each other's lips. Romantic movie, huh?Disgusting. "Okay. Isama mo si Stephanie para makalabas din siya."

Kailangan ko ba talagang gawin 'yon?

Nag-isip ako ng dahilan upang hindi ko dapat isama si Stephanie. "Ah, mom, I don't think that's a good idea. I'm sure mabo-bore lang siya roon. At mukhang nag-e-enjoy po siya sa pakikipaglaro ng chess kay Brix. Ayoko pong istorbohin sila."

She looked at me and said, "Isama mo na siya, James. Baka nga nabo-bore talaga siya rito sa bahay, pero ayaw niya lang ipakita o ipahalata. Kailangan niya rin namang lumabas at maglakad-lakad. Mas okay rin 'yon para maipakilala mo na siya kay Gavin. I'm sure magiging magkaibigan din sila."

That was one of the reasons why I didn't want to go there with her. Hindi ko nalilimutang crush ni Gav si Stephanie at kapag nakita niya kami na magkasama, baka mali ang isipin niya.

"Mom, siguro sa susunod - "

"No, James. Sinabi ko na ang gusto kong sabihin. Isama mo siya at huwag nang matigas ang ulo mo." Ibinalik na nito sa TV ang kanyang atensyon. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang sundin ang gusto nitong mangyari.

"Okay po, masusunod, mom," tinatamad kong sabi at nagtungo sa kwarto ni Brix.

Pagkapasok ko roon, tapos na silang maglaro at inilalagay na nila sa loob ng board 'yong chess pieces. Akala ko nama'y magagamit ko ulit na dahilan ang paglalaro nila ng chess upang hindi isama si Stephanie. Pagkakataon nga naman, oo, minsa'y talagang nakakainis.

Lumingon sa akin si Stephanie nang may ngiti sa labi. Si Brix nama'y nagpatuloy sa pagliligpit na parang hindi niya naramdamang nandito ako. "James, bakit?"

"Pupunta ako sa bahay nina Gav, gusto mo bang sumama?"

Please, huwag kang pumayag.

Her smile became wider. "Talaga bang okay lang sa 'yo na pumunta roon kasama ako? Siyempre naman, gusto ko, James."

Ano kaya'ng magiging reaksyon niya kapag sinabi kong ayaw ko talaga siyang isama?

"Oo, okay lang 'yon sa akin. Let's go?"

"Wait lang. Hindi mo ba yayayain si Brix?" I was about to answer her question when she looked at Brix and spoke, "Brix, sama ka sa amin?"

Tapos na si Brix sa pagliligpit. He slowly lifted his head like he was so lazy right now. "Sorry, Stephanie. There's still a lot of things to be done here. And unlike my brother, I am not allowed to waste my time."

Stephanie's eyebrows rose. "A lot of things to be done? Like what? Wala namang pasok ngayon, ah, kaya siguradong you have no homework or activity to finish. At saka kailangan mo ring lumabas at magpaaraw. Kung araw-araw kang nandito lang sa loob ng bahay n'yo, siguradong unhealthy ka na. Sigurado ring hindi full ang energy mo kaya mahihirapan kang maging productive throughout the day."

Why did she like a mother or doctor? Ang hilig niya pala talagang magsalita tungkol sa health. Akala ko'y sa kalusugan ko lang siya may pakialam. Nalimutan kong good girl nga pala siya at likas na sa kanya ang pagiging mabait sa kahit kanino. Hindi niya pinipili ang pakikitunguhan niya nang maayos. Right.

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon