Chapter Three

88 4 0
                                    

"Malapit ng magsimula ang klase. Ano pang ginagawa niyo dito?" napamaang naman ako sa lalake na nasa harapan ko. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan. Napatayo naman si Trevon sa narinig niya at bigla akong hinila.


"Crap! You're right! 4:58 na! Lagot tayo niyan kay Mrs. Finn d'Mon! Baka ipadala na naman ako sa Hell Room! Tara na!"


Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Tiningnan ko ang orasan na nasa cafeteria at napanganga. Ganoon ba kami katagal nag-usap? Parang ang bilis naman ng oras na lumipas. Tumakbo si Trevon habang hila-hila pa rin ako. Muntikan pa akong matalisod sa kamamadali niya.


Napalingon naman ako sa kinalulugaran ng lalake na lumapit sa amin kanina. Kalmado siyang nakasunod sa amin habang suot-suot ang isang napakaseryosong mukha. Mukhang hindi pa siya natatakot na malate dahil kahit tumatakbo na kami ni Trevon ay naglalakad lang siya ng mahinahon.


Hindi ko maiwasang humanga sa itsura niya. Gwapo siya. Mukhang maamo ang mukha at para bang wala pa syang nagagawang masama sa tanang buhay niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa akin.


Napaisip naman ako ng panandalian. Ngayon ko lang napansin na sunod-sunod ang lalake na nakikilala ko. At hindi ko maipagkakaila na lahat sila ay may mga itsura. Naalala ko si Chester. Kahit na sabihin pa nating para siyang lalampa-lampa at kahit na nakasuot na malaking salamin, hindi maipagtatanggi na gwapo ito. Napatingin naman ako kay Trevon na patuloy pa rin sa pagtakbo at paghila sa akin. Natutok ang atensyon ko sa eyebags niya. Hindi ko maiwasang matawa. 


"Bakit ka tumatawa?" tanong niya sa akin ng mapansin ito. Naging seryoso naman ang itsura ko. "Wala." bulong ko.


Huminto kaming tatlo sa isang malaking pintuan na itim. May naka engrave pa doon na 'Devil Class'. "WEW! Mabuti na lamang at 4:59 pa lang! HAHAHAHA! May pag-asa pang hindi ako mapatapon ni Mrs. Finn sa Hell Room! Pasok na tayo!"


Papasok na sana kami nang bigla kong maramdaman ang isang kamay sa balikat ko. May pagtatakang tiningnan ko ang lalake na kanina pa sumusunod sa amin ni Trevon. "Anong problema?" tanong ko rito.


"Uniform." mahina niyang bulong kaya napakunot-noo ako. Natigilan rin si Trevon dahil dito.


"OO NGA PALA! BAKIT KO NAKALIMUTAN?!" bigla-bigla na lang niyang sigaw at tsaka napatingin sa orasan. "5:00 NA! ANONG GAGAWIN KO? PRESIDENT HANFORD! TULUNGAN MO AKO! SA LAHAT NG PWEDE KONG MAKALIMUTAN, BA'T ITO PA! LAGOT AKO KAY MRS FINN!" napatakip na ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Trevon. Sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang wala ito sa sarili niya.


"Ako na ang bahala. Pumasok ka na." sabi naman nito kay Trevon. Tiningnan naman niya ako at agad siyang napaiwas. "Sumama ka sa akin."


"PERO PRESIDENT JUSTINE CHAN HANFORD, MALALAGOT AKO KAY HEADMASTER JUNMYEON! Responsabilidad ko siya dahil ako ang inatasang tour guide ni Headmaster! Sasama din ako!"


Bumuntong-hininga ang lalake na tinawag ni Trevon na Justine, at kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay napagaya ako sa kaniya. Ang lakas-lakas talaga ng boses ni Trevon.

Resurrection AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon