5:44. Eto yung oras na sinabi ng headmaster na magigising yung babae, este, lalake pala. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito ang itsura ng lalake na ito. Katulad nila Justine, Trevon, at Chester, may itsura din ito. Ang kakaibahan nga lang ay kung gagawin mo siyang babae, magiging maganda din siya.
"Kuya?"
Napataas ang kilay ko. May kapatid si Justine? Kung totoo ang sinasabi ni Trevon na Lost Souls nga lahat kami na nasa Academy na ito, ibig sabihin patay na rin itong tao na nasa harapan namin?
Napailing na lang ako.
Kawawang mga magulang. Nawalan ng dalawang anak. May mga itsura pa man din.
Napailing ulit ako. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko ngayon. Epekto siguro ito ng hindi ko pagtulog buong magdamag.
"May kapatid ka Justine?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kay —-
"Sino ka?" walang ka emo-emosyon na tanong ni Justine sa kanya. Kumunot-noo naman ang lalake na tinatawag na kuya si Justine at napabuntong-hininga. "Jean Luke Hanford, that's my name."
Tumango si Justine ngunit wala pa ring mababakasan na emosyon sa mukha niya. "Forgive me if I can't remember you. It's nice having someone I used to know here."
Nagtitigan sila matapos itong sabihin ni Justine kay Jean... Or should I call him Luke? Para bang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata nila.
Nakalimutan ata nila na bukod sa kanilang dalawa ay nandito pa kaming tatlo ni Trevon at Chester.
"Ehem."
Napatingin kaming lahat kay Trevon. Mabuti naman at naisipan niyang gawin ito. Kung nagtagal pa ang titigan ng dalawang magkapatid ay hindi na ako magdadalawang-isip pa na umalis sa kwartong ito. Wala akong panahon para sa mga ganito. Kailangan kong alamin kung bakit ako nandito. Kung bakit (kahit na nagdududa pa rin ako kung totoo nga ang sinabi ni Trevon tungkol doon) hindi ako matahimik na kaluluwa.
"Well? Shall we start the tour?"
—-
Hindi ko pa rin alam kung bakit tila napaka-espesyal naman ata ng lalake na tino-tour namin ngayon dahil apat-apat pa kami na tour guide niya.
Samantalang ako, unang araw pa lang ay sobrang sama na ng impression ko sa mga tao (o kaluluwa. Wala akong pakialam) at sa school na ito.
Hindi ako nagsasalita buong oras na naglalakad kami habang si Trevon, as usual, ay dada naman ng dada. Parang siya nga lang ata ang seryoso tungkol sa tour guide na ito eh. Bahala na siya. Ano bang alam ko sa school na ito? Isang araw pa nga lang akong nandito.
Pinagmamasdan ko ang dalawang magkapatid. Parang may nabubuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kung hindi lang Devil Class Student itong si Justine ay magdududa na ako kung totoong hindi niya talaga matandaan si Luke, or Jean, whatever. As if I really care.
Tiningnan ko naman si Chester. Katulad ko, tahimik rin siya. Pero nagsasalita rin siya kapag kailangan o kung may itatanong si Trevon sa kaniya.
Habang dada naman ng dada si Trevon ay pinag-iisipan ko kung ano bang trip ni Headmaster Suho ngayon. Pero kahit naman kahapon na nakita ko ang Headmaster ay ang lakas na ata ng trip niya sa buhay. Bakit pinagsama niya kaming Devil Class at Angel Class Students para i-tour guide ang isang bagong salta na 'anghel'?
Tumigil ako sa paglalakad at ang unang nakapansin sa pagtigil ko ay si Luke. "Bakit ka tumigil... Lyra?" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Sasagutin ko na sana siya pero bigla-bigla namag sumingit si Justine sa amin. "Hindi Lyra ang pangalan niya, Jean. She's Alexis Lux." nakita ko ang pagtingin ng masama ni Luke kay Justine pero agad din iyong nawala nang itinuon nito ang atensyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Resurrection Academy
FantasiaWelcome to Resurrection Academy, the home of the lost souls!