Nanlaki ang mata ko nang isinigaw ni Trevon ng pagkanda lakas-lakas ang pangalan ko. What the?!
Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Inikutan ko naman siya ng mata pero imbis na mainis ay ngumisi lang ang loko. Napapikit na lamang ako ng mata at hinilot ang sintido ko. Wala na akong magawa kundi ang tumayo dahil nakakahiya naman kung tinawag nila ang pangalan ko para mapasali sa Cavaliers tapos hindi ako pupunta sa harap. Maraming magagalit sa akin dahil base sa mga ekspresyon ng mga studyante dito sa Resurrection Academy, marami ang naghahangad na mapapunta sa posisyon na'to. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ako napunta sa sinasabi nilang Cavaliers . Unang-una sa lahat, ako lang ang babae. Pangalawa, bago pa lang ako dito sa school na'to. Pangatlo, hindi ako interesado sa kanila.
Lumapit ako papunta sa kanila at tumabi ako kay Trevon.
"BAKIT AKO NANDITO?" pabulong na pasigaw kong tanong sa kaniya.
"Naaalala mo ba yung tanong mo sa akin kanina kung bakit hindi ko sinabi sayo kahapon habang tino-tour kita ang tungkol sa okasyon na 'to? Ito ang dahilan, isa ka sa napili ni Headmaster Suho na maging parte ng Cavaliers." Bulong niya rin sa akin dahil may sinasabi pa si Justine sa harap.
"Bakit niya naman ako napili? Bago lang ako dito."
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng headmaster para isali ka niya dito pero maging masaya ka na lang dahil marami sa mga estudyante na narito ang gagawin ang lahat para mapasama sa atin. Manahimik na lang kayong dalawa dahil nakakaistorbo kayo sa okasyon ngayon. " inirapan ko lang si Chester nang marinig ko mula sa kaniya ang mga salitang narinig ko. Nanahimik na lang ako at nakinig sa kung ano man ang sinasabi ni Justine.
"All Cavaliers please step infront and put your right fist over your left side of your chest." sabi ni Justine. Sinundan naming limang mga bagong Cavaliers ang sinabi ni Justine. Napatingin ako sa mga kasama ko at kumunot ang noo ko. Bakit nga ba ako lang ang babae dito?
"Please repeat after me. The Oath of the Legion of Honor." Sabi ni Trevon. Nakita kong naging seryoso na ang mukha niya. Mukhang may matino naman siyang alam. Alam niya kung kailan siya magiging seryoso.
"I, state your name, solemnly pledge to do what is right, to maintain the orderliness of the whole Academy, to always be attentive to the needs of all students and to unite the two sections. I hereby declare that on this fateful day, I will watch all my actions as part of the Cavaliers, the Legion of Honor in Resurrection Academy, and I will try all my best to diminish the wall that separates the Angel and Devil students. So help me God."
Ginawa namin yung sinabi ni Trevon kahit sobrang nako-kornihan na ako. Pinagmasdan ko ang mga itsura ng mga ibang students habang nagsasalita si Chester.
"That's all for today. Devil Students, you may now go back to your perspective places, while the Angel Students can have their 30-minute break and resume their Examination. Good luck and may the good Lord reward us always." Bumalik sa pagiging bored ang mga itsura ng ilan sa mga Angel Students, tila nawalan ng interes matapos malaman na hindi sila nakasama sa Cavaliers. Ang mga Devil Students naman ay nagsasaya matapos malaman na ang iba nilang kasamahan ay napasama. Really, what is wrong with the two sections? Napaka ironic ng mga names ng dalawa, hindi bagay para sa mga ugali ng mga nasa kanila.
I shrugged my shoulder after Chester's speech. Hindi ko alam kung kalokohan lang ang lahat ng mga ito dahil kahit anong gawin kong kalkal sa utak ko ay wala akong maalala. I don't even know if this is only just a dream or a nightmare. I sighed at nagsimula na akong humakbang papaalis sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang pagpatong ng isang kamay sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko ang isa sa mga natawag kanina na maging parte ng Cavaliers na nakangiti sa akin. Isang Devil Student.
"Uhh... Hi! Ikaw si Alexis Lux diba? I'm Baek Li Hyun by the way but you can call me Baekhyun if you want or Baek nalang for short." Ngiting-ngiti pa siya habang nagsasalita. Tiningnan ko lang siya ng blanko at mukhang napansin niya na wala akong planong makipag-usap sa kaniya. Pero nagulat ako ng biglang namula ang pisngi niya at mukhang naiiyak pa siya habang pinagdudugtong ang dalawa niyang hintuturo. Nakatingin siya sa baba at akala ko ay iiyak na talaga siya ng muli siyang mag-salita. "S-sorry. Akala k-ko... Akala ko kasi madali kitang magiging kaibigan dahil parehas tayong Devil Students... At dahil pareho tayong bago lang dito sa posisyon na natanggap natin ngayon." Nataranta naman ako ng nakita kong umiyak na talaga siya. Anak ng~! "Ayaw ko namang lumapit sa tatlong bago nating kasama dahil mga Angel Class Students sila at ayaw nilang nakikihalubilo sa atin, at mas lalong ayaw kong lumapit sa mga naunang Cavaliers dahil mataas ang respeto ko para sa kanila."
Bakla ba siya? O sadyang iyakin lang talaga siya? Either way, ayoko siya. Hindi dahil sa iyakin siya kundi dahil ayokong makihalubilo sa mga estudyante ng wirdong institusyon na ito. Wala akong planong makipag-kaibigan at wala akong planong makipag-tarantaduhan. Kailangan ko lang malaman kung bakit ako namatay, kung bakit nandito ako, at kung bakit ako naging parte ng Devil Class Students.
"Baekhyun! Hoy! Bakit ka na naman umiiyak diyan?" Tiningnan ko ang isang lalake na lumapit sa amin. Medyo maitim siya kumpara sa amin pero katulad ng mga naunang miyembro ng Cavaliers, may itsura rin ang lalake. "Kailer... *hik*" napatingin akong muli kay Baekhyun na hanggang ngayon ay walang humpay pa rin ang pagtulo ng luha. "Sorry, umiyak na naman ako." Pero imbis na puntahan ng nasabing Kailer si Baekhyun ay nakita kong papunta siya sa direksyon. Muntikan ko na siyang maihambalos ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.
"This humble servant welcome you again to Resurrection Academy, milady."
BINABASA MO ANG
Resurrection Academy
FantasyWelcome to Resurrection Academy, the home of the lost souls!
