[ shion's back story ]

6 1 0
                                    

Quick Backstory ni Shion, lumaki sya sa lugar kung saan laganap ang balita na may mga bampira sa paligid nila. Naniniwala ang mga magulang nito sa mga sabi sabi na iyon pero ipinawalang bahala na lamang ni Shion yon.

Masaya ang pamilya nila Shion, tingin din ng mga kapit-bahay nila e, healthy ang pamilya nila. Pero sa tingin nyo ba, may perpektong pamilya sa mundo? Ganun din ang lagay ng pamilya nila Shion dahil walang araw na hindi nag aaway ang mga magulang nito. Nambababae ang tatay ni Shion, aware si Shion sa nangyayari dahil minsan nya na ding nahuli ang tatay nya na may kasamang babae sa kotse nila at tila naghahalikan pa ang mga ito. Sinubukan nyang ipa-explain sa Papa nya ngunit binantaan lamang sya nito na kapag nagsumbong sya ay bubugbugin nya ito, kaya nanatiling tahimik si Shion.

Habang ang nanay nito ay nahihirapan na sa pagtatrabaho, si Shion naman ay nag aaral ng mabuti para matulungan nya ang nanay nya sa gastusin nila sa pang araw-araw na pamumuhay. Nasangkot din sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot ang tatay nya na naging sanhi din ng pag-aaway ng magulang nito. Araw-araw ay umuuwing hindi maganda ang lagay ng tatay nya na para bang mainit ang ulo, kaya nakaantabay na ang mama nya lagi sa pintuan para tulungan ito. Wala ring nabibigay na pera para sa pangkain nila kaya ang tanging kapit nalang nila ay ang lola ni Shion.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente ang nanay nito habang papunta ito sa school ni Shion. Sya din ang nag aasikaso sa Mama nya pagkatapos nyang pumasok sa eskwelahan. Sa murang edad, Nagtatrabaho na si Shion para lang may madagdag sa hospital bills ng mama nya dahil nahihiya na ito sa sobrang laki ng ginagastos ng kanyang lola. Isang araw ay umuwi si Shion sa bahay nila at bumungad sa kanya ang Tatay nya na may kasamang babae sa bahay nila. Gusto man nitong palayasin ang Tatay nya ngunit alam nyang magkakagulo lang kaya dumere deretso nalang sya sa kwarto nya para kumuha ng damit dahil babantayan nya ang Mama nya sa hospital. Pagkababa nya ng hagdan ay nakita nyang may bitbit nang maleta ang Tatay nya kaya agad nyang sinilip ang kwarto nila ng Mama nya at nakita nyang wala na ngang gamit ang Papa nya dito.

Pumunta na sya sa hospital para bantayan ang mama nya ngunit pagbukas nya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang lola nya na umiiyak at nakaharap sa anak nyang sinusubukang iligtas ng doctor. Huminto ang doctor dahil sa isang manipis na tunog na bumalot sa buong kwarto at ang tanging tunog na humahalo dito ay ang hagulgol ng Lola nya.

Shantal Del Valle, Time of Death
10:45 pm.

Blood x Love // nrkdiorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon