( tw, mentions of d34th, 4ccid3nt )

10 1 0
                                    

'wait, wag! wag mo syang patayin!'

'hindi pwede! saakin ka may galit diba?! ako harapin m-'

"hoy gago gumising kana dyan, may pasok tayo" pag gising ni Aziel kay Shion.

"tangina.. nananaginip lang pala 'ko. kala ko ano na nangyari eh" sagot ni Shion bago sya bumangon.

"nananaginip ka nanaman? gusto mo ba bilhan kita ng dream catcher na kwintas?" tanong ni Aziel.

"hindi na, sanay naman na 'ko. Tyaka ang aga aga pa, binulabog mo nanaman kami ni mama dito" sagot ni Shion.

"ay nako Shion, lalo lang magagalit sakin si tita pag di kita ginising ano? sasabihin nun sa panaginip mo, kauna unang araw ng pasok e di ka maaga gumigising" sabi ni Aziel.

"eto na nga diba bumangon na desisyon ka masyado e no" pagbibiro ni Shion at tinawanan naman ito ni Aziel.

Matagal nang nakatira si Shion sa bahay nila. Wala na syang mga kasama dito dahil una sa lahat, naaksidente ang mama ni Shion noong highschool pa lamang sya. Nakayanan nya namang mamuhay nang mag-isa, gusto syang dalhin ng kanyang lola sa bahay ng papa nito ngunit hindi pumayag si Shion sa kadahilanang 'may iba nang pamilya si papa, kaya ko na po sarili ko'. Magkalapit lamang ang bahay ni Shion at Aziel kaya pwedeng mag Overnight si Aziel para samahan si Shion sa bahay nito. Simula elementarya pa lang ay naging magkaibigan na sila ni Aziel, madalas nya itong kasama pag napasyal sila ng Mama nya kaya ganun na din kalaki ang tiwala ng Mama ni Shion sa kanya.

Nag ayos na agad si Shion ng kanyang susuotin bago ito naligo at si Aziel naman ay naghahanda na ng kanilang makakain. Kung tutuusin ay madalas na talagang nasa tabi ni Shion si Aziel simula nang mawala ang Mama nito. Ipinagkatiwala din ng Lola ni Shion kay Aziel ang bahay ng Mama ni Shion dahil alam nilang mahihirapan si Shion na sya lang ang mag aasikaso sa malaking bahay nila. Kung tatanungin nyo man kung ano ang itsura ng bahay nila Shion, isa itong malaking mansyon na ipinamana ng kanyang Lola sa Mama nito.
Medyo may kalumaan na ang bahay pero kaya pa naman itong pagsilbihan dahil madami din silang memorya sa bahay na ito. (given here is the example of their house. example lang ha para maimagine nyo lang)

Tapos nang mag-ayos si Shion at agad na itong bumaba para kumain kasabay si Aziel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tapos nang mag-ayos si Shion at agad na itong bumaba para kumain kasabay si Aziel. Nginitian naman ito ni Aziel nang makarating ito sa kusina at agad na nilapitan si Shion para ayusin ang necktie nito. Nakasanayan na ni Shion na laging inaayos ni Aziel ang kanyang uniporme simula highschool pa lang sila. Pagkatapos nito ay agad silang pumunta sa lamesa para kumain.

"Shion, sigurado kana ba na dun tayo mag-aaral?" tanong ni Aziel.

"oo naman, natatakot kaba? wag ka mag-alala, kasama mo naman ako eh" sagot ni Shion dito. "salamat pala ah? kasi lagi mo ko sinasamahan tyaka tinutulungan dito lagi" dagdag nito.

"ano kaba Shion, wala yun. Kaibigan kita, lagi mong tatandaan yan" sagot ni Aziel dito at nginitian si Shion.

Nginitian naman sya pabalik ni Shion at tinuloy na ang pagkain sa kanilang hapunan. Medyo may pagkakaiba din ang oras ng kanilang pasok sa di malamang dahilan. Kaya nagkaron nang bali-balita sa lugar nila na isa itong paaralan ng mga bampira dahil nga sa gabi ang oras ng pasok nila. Sinanay lang ni Shion na matulog ng hapon para na din hindi ito antukin sa klase nila, gayundin si Aziel.

Pagtapos nilang kumain ay nag impake na sila ng kanilang mga damit dahil may dorm sila na tutuluyan na doon lamang din sa loob ng kanilang paaralan. May mga inaatas na kwarto sa bawat estudyante at sa isang kwarto ay dalawa kayong magkasama. Hindi man sigurado si Shion kung kasama nya si Aziel sa iisang kwarto ngunit may tiwala naman ito kay Aziel dahil nasa iisang paaralan lamang sila. Natapos na ang kanilang pag iimpake at nagpaalam na sila sa bahay ni Shion, gayundin sa malaking frame ng litrato ng mama ni Shion bago sila lumabas ng mansyon. Nag drive na sila papunta sa kanilang paaralan at nagulat sila nang malaman nila na nasa liblib na lugar itong paaralan na ito at halos kakaunting parte na lamang ng paaralan ang matatanaw mo. Napansin din nila Shion na itim ang mga bintana ng paaralan nila at hindi nakikita ang mga taong nasa loob nito. Sobrang laki ng paaralan na ito, mas malaki pa sa inaasahan nyong mamahaling paaralan. Pagkarating nila sa mismong gate ng Paaralan ay kusa namang nagbukas ang gate nito at pumasok na sila agad para iparada ang kanilang kotse.

"Azi, dyan mo nalang kaya iparada?" sabi ni Shion dito.

"gagi di pwede, may nakalagay oh, naka reserve daw sa.. anong basa don? kwin? quinn?" Tanong ni Aziel dito.

"Quinn yan, sige dun nalang tayo sa kabila. Baka teacher natin yung pumaparada dyan kaya siguro may mga sign" sabi ni Shion bago sila pumarada sa kabilang side ng paradahan.

Bumaba na sila ng kotse at agad na pumasok sa paaralan. Bago pa man sila makapasok ay may harang sa harap nila na kung saan, ii-scan mo ang binigay na Red Card sa inyo, para na din siguro sa attendance nyo. Nalaman ng nagbabantay dito na bagong estudyante sina Shion at Aziel at agad nitong sinamahan ang dalawa papunta sa Office. Nakausap nila ang Principal sa kanilang paaralan at napagkasunduan na ang mga rules at regulations sa kanilang paaralan. Inatas na din sa kanila ang kanilang mga kwarto at ayun nga, magka-iba sila ng tutulugan. Ayos lang naman daw sa kanila, mabuti nalang ay magkalapit lang sila ng kwarto kaya kahit anong araw o oras ay pwede silang magkita. Pumasok na muna sila sa kani-kaniyang mga kwarto at nagpahinga na muna dahil matagal pa naman bago mag umpisa ang klase nila.

Maayos na nagpapahinga si Shion sa kwarto nito at laking gulat nalang nito dahil pagkadilat nito nang kanyang mga mata, nakita nyang may lalaki sa harap nya na parang halos matutunaw na ata si Shion sa titig nito.

"what the fuck?! who are you?! can't you see that i'm sleeping?" Sabi ni Shion dito. Natawa naman ang lalaki na nasa harapan nya.

"You're my roommate? 君はひどい ( ang sungit mo naman )" sabi naman nito.

"pinagsasabi mo dyan? tyaka ano naman kung roommate kita, may magagawa kaba?" tanong ni Shion.

"yes, i can easily kick you out of this school" sagot naman nito. "I'm Ren, consider me as your cute roommate" dagdag nito.

"cute mo mukha mo" sagot ni Shion.

"i'm always cute, Shion." sagot nito. Nagulat naman si Shion dahil alam ni Ren ang kanyang pangalan pero hindi naman nito sinasabi ang pangalan nya.

"how did you know my name?" tanong ni Shion.

"i have my own ways, Shion Del Valle. Nice meeting you, see you later." Sagot ni Ren dito bago ito nawala.

'So it's true that vampires exists here and i saw it in my own fucking eyes. He's lowkey attractive tho..' Shion thought before going back to sleep.

Blood x Love // nrkdiorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon