Nagising si Shion sa ingay ng tunog sa labas ng dorm nila. Pagkadilat na pagkadilat nito ng kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na may maganda at mapuputing balat, naka uniporme at makapal ang kilay.
Shion: gag- ano ginagawa mo?! bat ang lapit ng mukha mo sakin? may ginawa kaba?!
Liam: hey, chill. i didn't do anything wrong, Shion. I'm Liam, by the way but you can call me Aki or Akari.
Shion: e punyeta bat ang lapit ng mukha mo? tyaka di ko naman tinatanong kung sino ka, che.
Liam: na curious lang ako sa itsura ng roommate ni Ren. he's honest tho, you look stunning.
Shion: tangina neto, sa tingin mo ba madadaan mo ko sa cheesy lines mo? asa ka baliw
Liam: i'm just stating the facts. so bago ka lang pala dito, may kasama ka bang pumasok dito?
Shion: well, yeah. I'm with my friend pero sadly, di kami same ng room.
Liam: hmm.. Aziel, right? ka rommate nya yung isa kong kaibigan dito.
Shion: teka nga, pano nyo ba nalalaman pangalan namin e di naman kami nagpapakilala?
Liam: hays, my answer is the same as Ren's answer, we have our own ways.
Shion: Fine, whatever makes you feel sleep at night.
Liam: di ako natutulog ng gabi
Shion: gago! umalis kana nga sa ibabaw ko para kang tanga dyan! nakakangala— aray!!
something went wrong...
Liam: shit.. i have to go
Tumakbo si Liam palabas ng dorm nito at nilock muna nito ang pinto bago lumabas. Nagulat naman si Shion sa biglang pag alis ni Liam pero ipinawalang bahala nya na ito at inintindi ang kamay nya na nasugatan sa kama nya.
'is he a vampire, too? his eyes... i saw it. naging pula yung mga mata nya' pag iisip ni Shion.
Malaki ang sugat nito at ginawa nya ang kanyang makakaya para matakpan ng maigi ang sugat nya at nilinis ang mga ginamit nyang panlinis.
*knock*
'gagi may nakatok, teka lang naman papakain ko sayo tong tissue' sabi ni Shion sa isip nya.
Binuksan nya ang pintuan at bumungad si Aziel sa kanya. Hinila nya ito palabas ng kwarto at kung titignan mo ito ay ang laki ng mga ngiti nito habang natakbo sila.
Shion: teka nga, bat bigla mo kong hinila?
Aziel: nasa cafeteria yung roommate ko, papakilala kita
Shion: huh? pwede namang mamaya na bakit ka nagmamadali?
Aziel: onting oras nalang, mag rring na yung bell. mag uumpisa na yung klase
Shion: teka lang gagi ka, hindi ko nalinis yung kama ko. Nasugatan ako kanina baka matuyo yung dugo don.
Aziel: hindi yan, kaya nga bilisan mo na eh
Shion: ay, bahala ka dyan!
—————————————————————
'what's that smell?' naisip ni Ren.
Papunta ito ng room nila dahil kukunin nya na ang mga gagamitin nya para sa klase nila mamaya pero parang may kakaiba sa paligid nya na para bang nababaliw sya sa amoy nito..
'bakit.. bakit ang tamis? dugo ba yon?' sabi ulit nito.
tumakbo ito papunta sa room nila at nakita nyang bukas ang pintuan nito. agad syang pumasok at bumungad sa kanya ang mga tissue na naiwan sa harap ng pintuan at sa kabilang kama naman ay may mga dugo.
Lumapit sya..
nang lumapit..
ang bango..
tikman ko ba?
tagal ko na ding hindi nakakatikim..
ito na...
"hoy gago mag uumpisa na klase ano ginagawa mo dyan?" sigaw ni Gab sakin.
"punyeta naman gab, teka lang may lilinisin lang ako" sagot ko dito.
"ah, may dugo?" tanong ni Gab.
"wag ka maingay, parang tanga amp" sagot ko ulit.
"pula kasi mata mo beh, ako na maglilinis dyan hinahanap kana ni Celo sa cafeteria. May dinala kasing bagong pasok daw? papakilala daw satin." sabi ni Gab. tumango naman ako at umalis na, hinayaan ko nalang na si Gab yung maglinis ng dugo sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Blood x Love // nrkdiorl
Misteri / ThrillerShion (KSN) and Aziel (YJW), two ordinary people who went to Decelis University, often known as the Vampire Academy, to study. Isn't it true that studying at Decelis Academy isn't all that bad? Not until they ran into a group of five boys who were w...