2

3 0 0
                                    

Sariwa pa sa aking alaala ang mga pangyayari magmula nang matagpuan natin ang isa't isa. Sariwa pa ang lahat sa aking isipan na para bang nando'n pa rin ako sa oras na 'yon.

Matapos nating mahagkan ang isa't isa ng araw na iyon, inilapat mo ang malambot mong labi sa aking noo, pababa sa ilong at hanggang sa tuluyan na nitong marating ang aking labi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Para bang nakatikim ako ng isang anghel na kahit anong pilit kong alisin sa aking isipan ang katotohanan na binigyan mo ng paruparo ang sikmura ko nang gawin mo 'yon ay hindi ko magawa. Para bang simula nang magyakapan ang mga labi nating dalawa ay nagsimula akong lumutang. Napuna ko rin ang mga mata ko na para bang may kaunting butil sa paligid nito na hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan.

Nang araw din na 'yon ay tuluyan mong nalaman ang sikreto ko na matagal ko ring itinago sa lahat, maski sa aking sarili. Nakatatawa nga dahil gaya nga ng sabi ko, wala naman akong balak na malaman mo ang sikretong nakakubli sa akin pero sa isang iglap ay tuluyan iyong kumawala sa aking bibig. Tuluyan mong nalaman ang nakasusukang pangyayari sa aking nakaraan, ngunit sa halip na makarinig ako ng pangungutya ay niyakap mo ako nang mahigpit. Hindi ako makapaniwala na tinanggap mo ang isang kagaya ko.

Nang mangyari 'yon ay tuluyan na akong nawala sa sarili ko at tuluyan mo na rin akong naangkin. Sabay nating pinagsaluhan ang mainit na gabi. Nakapagtataka nga dahil wala akong naramdaman na takot, puro saya at tawa lamang ang umiikot sa mundo ko ng araw na iyon. Pareho nating pinagsaluhan ang maiinit na halik at panay ang tagpo ng ating katawan. Habang nagyayakapan ang kaluluwa nating dalawa, hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha... hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa labis na kasiyahan.

Unang beses kong naramdaman ang gano'ng klaseng ligaya. May parte sa akin na nakaramdam ng takot ngunit mas malaki ang parte na totoong masaya ako. Sa 'yo ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam—mga naghahalong emosyon na hindi ko magawang maipaliwanag. Ikaw lamang ang bukod-tanging nakagawa sa akin ng bagay na iyon.

Matapos nating marating ang kadulu-duluhan ay akala ko'y makalilimutan mo nang nasa tabi mo ako, ngunit mali na naman ako. Muli mo akong hinalikan sa noo, hanggang sa ilong, at nang marating na nito ang labi ko ay agad ko itong sinalo nang walang pag-aalinlangan. Muli nating hinagkan ang anino ng isa't isa.

At kahit isang taon at apat na buwan na rin ang nakalilipas magmula nang mangyari ang pinakamahiwagang gabi na 'yon sa buhay ko, sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat. Kaya nga kahit mahirap na para sa akin ang panghawakan ka ay wala akong ibang magawa kundi ang bumalik sa nakaraan, kung saan ay tanggap mo pa ang buong pagkatao ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW ANG PIYESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon