Chapter Three
Third Meeting"Mooore! Sige na!" Paghiling ko pa para sa isang shot ng vodka. Kumagat ako sa lemon at sabay lagok sa natitirang inumin. "More? Eh pang-pito mo nayan ah? Gusto mo pa ng pang-walo?" Si Priscilla.
"I wanna party. Who knows? Baka last ko na 'to at saka na ulit" Sabi ko sabay tawa. Oh god, I think I'm already drunk.
Ang hina ko talaga pagdating sa vodka, sana pala tequila nalang.
Kinuha sakin ni Priscilla ang bagong bigay na vodka ng barrista at sya na ang uminom nito. "What the hell? That was my drink Priss!"
Umiling naman si George sakin. "Bakit ka ba nagiinom? Kung ako sayo I'm already working my ass off!" Kumento pa niya.
"I agree. Since frozen naman lahat ng accounts mo, magsimula ka na dapat mag-apply. Five thousand cash lang ang tira sayo diba?" Dagdag ni Priscilla.
Iniikot ko lang ang mata ko. Nagyaya kasi si Priscilla magparty na naman since broken hearted siya sa ex niya. Nagkataon lang na dumaldal ako tungkol sa problema ko kaya nagkameron siya ng distractions at ako naman ang na-stress.
"So ano suggestions niyo?" Tanong ko. "Well.. yung modelling stint naman ay nag-ooffer ng twenty thousand kaya wag ka masyado ma-stress." Sabi ni George.
"Oh I know! You should use your surname! Alam mo na... Guevarra. Owner of Shopping malls in 3 different countries aaand! You're father is one of the partners of the most famous coffee shop!" Priscilla said giddily.
Umiling ako agad ng ilang beses. No, no way in hell na gagawin ko yun. Curse nga yun sakin, gagamitin ko pa? I can only imagine the fame and fake friends I'd have dahil lang sa surname ko.
"Oh ayan na pala si Rafael! Hi Raf!" Kinikilig na pahayag ni G. Bumagsak naman ang balikat ko sa narinig.
Pilit akong lumingon sa lalaking kinamumuhian ko ngayon. I'm sure wala silang alam sa nangyari nung huli namin pagkikita. Kahit nga si Priscilla na lasing na lasing eh.
"Oh George! Long time no see pare!" Nakipag-handshake naman ang bakla kong kaibigan sa kanya. "Ano ka ba! Past 9 'o clock na kaya just call me Georgina" Mahina niyang hinampas ang braso ni Rafael na tinawanan lang din nila.
Ngumiwi ako nang tumabi siya sakin. Kahit wala pa kaming eye contact naiilang na ako. Hindi tuloy ako makatingin. "Ngapala guys, kaibigan ko. Si Bryce" Ipinakilala niya ang isang lalaki na nakikita ko mula sa peripheral vision ko.
"Ayy ang pogi mo naman!" Kinikilig parin na pahayag ni G. "Ako ngapala si George. Georgina nalang" Pagpapakilala niya. "My name's Priscilla" Casual na
pagpapakilala ni Priss.Iinom na sana ako ng isa pang shot ng maramdaman ko ang mabibigat nilang titig. Tiningnan ko sila at nakitang naka-abang sila sakin.
"What?" Clueless kong tanong. Why are they staring at me anyway?
George nudged me and whispered, "Hindi ka man lang ba magpapakilala?" Natigilan naman ako at napatingin sa kaibigang dala ni Rafael.
Holy shit. Sa pangalawang beses ngayong araw, nalaglag na naman ang panga ko.
The guy with the red ducati motor and the guy I met sa inuupahan ko ay parehong lalaki na kaharap ko ngayon.
So siya pala si Bryce... I swallowed the lump in my throat. I cannot believe this. Pati ba naman dito!?
The Bryce guy flashed a smile that could melt every girl's heart. But not me. He's so arrogant at first impression ko agad sa kanya, asshole-type na.
Nag-abot siya sa akin ng kamay for a handshake na tinitigan ko
lang. I tried keeping a stoic face to hide my nervouseness. Hindi ko nga alam kung ilang kabayo ang nagka-karera sa puso ko ngayon eh.
BINABASA MO ANG
Owned.
RomanceGuevarra. The Golden Guevarras. I gave off a snort. Hell do I care? Wala akong pakialam sa pangalan ng pamilya ko, kahit gaano man ito karangya at makapangyarihan... they will never deceive me. Not yet. Not ever. Hinding hindi ko ipagpapalit ang pa...